OBSESSION 6

509 8 2
                                    


PAGKARATING ni Stefano sa kompanya ng kaniyang kapatid ay nagpalit agad siya ng damit. He’s now the new janitor in his brother company. Ito ang pinili niyang trabaho para mabantayan niya si Rachelle. Ayaw niya kasing may lalaking lalapit dito o kasama man lang. Dapat siya lang talaga. Wala nang iba!
Hindi man siya pinapansin nito. Gagawin naman niya ang lahat para makuha lang ang loob nito. He’ll do everything and anything basta mapupunta sa kaniya si Rachelle. Rachelle is now his obsession. Hindi na siya interesado sa ibang babae, all his attention ay nakay Rachelle na lahat.
“Good morning. Bago ka ba rito? Ikaw ba ‘yong bagong hire ni Sir Cesar?” tanong sa kaniya ng isang babae. Magkatulad sila ng suot na uniform, kaya sigurado siyang pareho sila ng trabaho.
But instead of answering her. Stefano ignore it and leave the girl. He’s not interested though. Kaya wala siyang rason na kausapin ito. Masama na kung masama but the fact is kaya lang naman siya nandito ngayon, nagtatrabaho as janitor para kay Rachelle. Kaya wala siyang dapat ibang gawin.
Kinuha na lang niya agad ang gagamitin niyang map para makapagsimula ng magtrabaho. Ang ‘di niya alam, nakasunod pala sa kaniya ang babaeng kuma-usap sa kaniya kanina.
“Oy! Ito naman! Gusto ko lang naman makipagkaibigan sa ‘yo,” sambit nito mula sa kaniyang likuran.
Hindi niya ito pinansin at wala siyang balak kausapin ito. Patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa dumating na siya sa entrance ng kompanya ng kaniyang kapatid na si Cesar. Nakasunod pa rin sa kaniya ang babae at panay ang tanong nito sa kaniya.
“Anong pangalan mo? Ako pala si  Meren,” pagpapakilalang sabi nito sa kaniya.
Tuloy-tuloy lang siya sa kaniyang ginagawa at nagsimula ng magmap sa sahig. ‘Di pa rin umaalis sa tabi niya ang babae kaya pinabayaan lang niya ito.
“Single ka ba? May jowa?” tanong nito ulit sa kaniya.
“I’m married so back off! I’m not interested about you,” cold niyang sagot dito at lumayo agad dito.
Masyado kasing malapit sa kaniya ito kaya siya naaasiwa. Sa isip niya, walang pwedeng ibang babae na lalapit sa kaniya at aaligid bukod kay Rachelle at sa mga kilala lang niya. Kung ‘di niya kilala, ‘di sila pwedeng magkalapit.
“Weh? May asawa ka na? Parang wala naman. Wala ka namang singsing na suot,” pahabol pang sabi nito sa kaniya.
Nagpipigil siya sa sobrang inis. Ayaw na ayaw pa naman niya sa babaeng sobrang daldal at feeling close.
“Stay away from me!” bulyaw niya rito.
Pinagtitingnan tuloy sila ng mga ibang nagtatrabaho sa kompanya ng kaniyang kapatid. Mabuti na lang talaga ay nakasuot siya ng mask at nakasumbrero kaya naman ‘di siya nakikilala ng mga ito.
“Eh?! Gusto ko lang naman makipag-kaibigan sa ‘yo e!” pagpupumilit pang sabi nito sa kaniya.
Pinipigilan pa ni Stefano ang kaniyang sarili dahil baka ano pa ang magawa niya sa babaeng kaharap. Ayaw niya sa mga babaeng nagpupumilit sa gusto nito, pero ayaw niya ring manakit ng babae, physically unless ibang usapan na.
Sa sobrang inis niya rito, iniwan na lang niya ito.
“Huwag na huwag mo akong subukan. Baka ‘di ako makapagpigil at masaktan kita!” pagbabanta niyang sabi rito bago iniwan.
Lumabas muna siya sa kompanya ng kaniyang kapatid para lumanghap ng sariwang hangin. Sasabog na kasi sana siya sa sobrang inis kanina. Mabuti na lang at kaya pa niyang magpigil.
“Thanks, God! I survived!” bulong niya sabay langhap ng hangin.
Tinanggal niya muna ang suot niyang mask para makalanghap ng hangin. Pero, sa ‘di inaasahan. Nakita niya si Rachelle sa may ‘di kalayuan ng kaniyang pwesto. May kasama itong lalaki at masayang nag-uusap.
Agad tumaas ang dugo niya sa kaniyang nakita. Dali-dali niyang sinuot ang mask at lumapit malapit sa kinaruruunan ni Rachelle.

Sinundan niya ang dalawa hanggang pumasok ito sa loob ng kompanya ng kapatid niya kung saan ito nagtatrabaho. Pumasok na rin siya sa loob habang nakasunod dito.
Ang kaninang inis niya ay muling bumalik at mas nadagdagan pa ito lalo na’t nakita niyang masayang nag-uusap ang dalawa at minsan tumatawa pa si Rachelle habang kausap ang lalaki.
“Fuck! It should be me!” galit na sambit ni Stefano sa kaniyang sarili.
“Walang dapat magpatawa o magpangiti sa baby ko kung hindi ako lang. Ako lang dapat!”
Sinusundan pa rin niya ito hanggang pumasok sa elevator. Pumasok din siya sa loob. Hindi naman siya napansin ng dalawa. ‘Di rin siya nakilala ni Rachelle.
Nakikinig lang siya sa usapan ng dalawa. Hanggang sa narinig niya ang sinabi ng lalaking kasama nito.
“Sabay tayo ulit mamaya mag lunch?” tanong ng lalaki kay Rachelle.
“Sure basta libre mo ako ulit, Aldrin,” rinig niyang sagot ng kaniyang baby Rachelle.
“What the fuck! Bakit ang bilis niyang pumayag?! E, sa akin, ayaw niya! Kahit libre ko pa! This is torture! No! Dapat ko silang pigilan!”
Hindi na talaga maipinta ang mukha niya sa sobrang galit na nararamdaman niya ngayon. Anytime parang gusto niyang manapak ang tao. Sobra-sobra na ang selos na kaniyang nararamdaman sa mga oras na ‘yon.
“Palagi naman ako ang taya tuwing sabay tayong kakain ng lunch. ‘Di na ‘yan bago sa akin,” sambit pa nito.
“Ikaw nag-aya, e!” natatawang sagot naman ni Rachelle.
Habang nagtatawanan ang dalawa sa loob ng elevator. Samantalang si Stefano ay punong-puno ng galit at selos. Parang puputok na siya sa sobrang galit at selos. Mabuti na lang at bumukas na ang elevator. Lumabas agad si Rachelle at ang kasamang lalaki nito na tinawag sa pangalang Aldrin.
Lumabas na rin siya sa elevator. Nakasunod pa rin siya sa dalawa. Luckily, ‘di naman siya pinaghihinalaan ng mga ito. Siguro dahil sa suot niya na uniform kaya tingin sa kaniya ay empleyado rin siya rito.
“Dito lang ako. Kita-kits na lang mamaya sa lunch,” pagpapaalam nito kay Rachelle.
“See you later, Aldrin,” sagot naman ni Rachelle.
Nang makapasok na ito sa pinto ay mag-isa na lang si Rachelle. Ito na ang chance ni Stefano na maka-usap si Rachelle at mapigilan ang pagsama nito mamaya sa lalaking nagngangalang Aldrin.
Mag-isa na lang na naglalakad si Rachelle habang nakasunod lang siya sa likuran nito. Mabilis niya agad itong nilapitan at hinala. Dinala niya agad ito sa storage room.
“Oy! Anong ginagawa mo?! Bitiwan mo nga ako!” pagpupumiglas na sabi ni Rachelle sa kaniya.
Pero dahil sa lakas niya. Hindi na nakapalag pa si Rachelle. Mabuti na lang malapit sa pwesto nila ang storage room nakalagay. Dahil alam niya kung saan ito, kasi nga kapatid niya ang nagmamay-ari ng kompanyang ito. Alam niya ang mga pasikot-sikot.
Pumasok agad silang dalawa sa storage room at nilock niya ang pinto. Sinisiguro niyang ‘di makalabas si Rachelle agad-agad at ‘di siya matatakasan nito.
“Sino ka ba? Bakit bigla-bigla ka na lang nanghihila?” tanong ni Rachelle sa kaniya.
Hindi siya sumagot, bagkus niyakap niya ito. ‘Di naman siya nakikilala ni Rachelle kaya ‘di siya itataboy nito.
“Oy! Ano ba?! Bakit ka nangyayakap bigla? Hindi kita kilala,” hysterical na sabi ni Rachelle sa kaniya.
“Shhhh… give me a time to hug you,” sagot niya at pilit na iniba ang boses.
Sure kasi siyang kapag nabosesan siya nito at makilala. Itataboy na naman siya nito.
“Anong hug? ‘Di nga kita kilala e!” sabi ni Rachelle sa kaniya at pilit na kumalas sa yakap niya.
“Help! Help!” sigaw pa ni Rachelle.
Kaya agad siyang nataranta dahil sumigaw si Rachelle.
“Tulong! Tulungan niyo ako!”
Hindi alam kung ano ang gagawin. Kaya walang nagawa si Stefano kung hindi tanggalin ang mask na suot niya at mabilis na hinalikan si Rachelle.
Nang maglapat ang kanilang mga labi ay tumahimik agad ang dalaga at gulat na gulat sa nangyari. Nanlaki ang mga mata ni Rachelle at hindi makagalaw dahil sa nangyari. Samantalang si Stefano naman ay sobrang bilis ng tibok ng kaniyang puso dahil nahalikan ang babaeng gusto niya.
“Manyak! Manyak!” sigaw ni Rachelle sa kaniya at pinalo-palo siya sa braso niya.
“Stop! Aray! Hey! Don’t punch me!” daing sabi niya.
When Rachelle heard his voice. Mabilis itong lumayo sa kaniya.
“Ikaw?” gulat na tanong nito at nanlaki ang mga mata.
“Baby…” pagtawag niya kay Rachelle.
“No! Huwag mo akong hawaka! Huwag mo akong lapitan!” pagtataboy ni Rachelle sa kaniya.
“Why?” mahinang sagot niya.
Nanghihina agad siya sa narinig mula sa bibig ni Rachelle. Kahinaan niya talaga ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit, pero ayaw niyang makita o marinig na tinataboy siya nito at pinapalayo.
Hindi sumagot si Rachelle sa kaniya. Pero malayo ang kanilang pagitan.
“Kayo na ba? Boyfriend mo ba siya?” tanong niya kay Rachelle.
Punong-puno ng lungkot ang kaniyang boses no’ng sinabi at tinanong niya ito kay Rachelle. Habang si Rachelle naman ay nagulat dahil sa kaniyang sinabi.
“Boyfriend? Sino naman? Saan mo naman ‘yan napulot?” takang sagot ni Rachelle sa kaniya.
Kung kanina takot na takot ito sa kaniya. Ngayon naman ay tawang-tawa ito dahil sa sinabi niya.
“Pinagsasabi mong boyfriend ko?” natatawang tanong pa nito sa kaniya.
“He’s not your boyfriend? You mean?” gulat din niyang tanong kay Rachelle.
“’Yong kasama ko kanina? Oh my goodness! HAHAHA! He’s not my boyfriend. He’s my friend and besides may boyfriend na rin ‘yon. Bakit ko naman ‘yon papatulan? Hindi kami talo ni Aldrin,” Rachelle reasoned.
“So, does it mean? I’m freaking jealous with nothing? Fuck!” inis na sabi ni Stefano at ‘di makapaniwala sa ginawa.
Nagseselos lang pala siya sa wala.
“Damn it! Nagseselos ako sa isang bakla? Shit!”
Napa-face palm na lang siya sa sobrang hiya sa harapan ni Rachelle.
“I’m really sorry! I didn’t mean it!” hinging tawad niya kay Rachelle.
Pagkatapos ay mabilis niyang binuksan ang nakalock na pintuan.
“You’re free now.”
Nauna siyang lumabas, sumunod naman si Rachelle sa kaniya. Pagkatapos agad siyang tinanong nito.
“Dito ka rin nagtatrabaho?” tanong ni Rachelle sa kaniya.
‘Di tuloy siya makatingin nang maayos dahil nahihiya siyang sabihin. Lalo na’t ang rason niya kaya siya nagtatrabaho sa kompanya ng kaniyang kapatid ay ang dalaga. Kahit janitor pa ang trabaho niya, makita lang niya ito at mabantayan sa mga lalaking gustong umagaw sa kaniya kay Rachelle.
“I’m sorry! Aalis na ako!”
Mabilis agad siyang tumakbo at iniwan si Rachelle. Unang araw pa lang, buking na agad siya nito. Hindi na niya tuloy alam kung ano ang gagawin. Kailangan niya mag-isip ng bagong plano. Lalo na’t alam nito na nagtatrabaho siya rito.
Dumiretso agad siya sa opisina ng kaniyang kapatid. Kailangan niya ang tulong ng kapatid nito. Sa ngayon, ito na lang ang malalapitan niya at mahihingan ng tulong. At isa pa, sure naman siyang tutulungan siya ng kaniyang kapatid.

A/n: Ito na ang update! Sorry if natagalan! Enjoy your reading!


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 7 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stefano's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon