Chapter 6 (Gone)

28 1 0
                                    

******5 years later*****

"Nagising na lang ako bigla sa pagkakatulog ng may maingay sa ibaba ng bahay namin, bumangon aq para silipin iyon. Laking gulat ko ng sumalubong at niyakap ako ni Ana. Si Ana na sobrang namiss ko ng ilang taon, bakit siya andito, bakit bigla bigla nalang siyang susulpot, alam ba to ng mga magulang niya, baka paghiwalayin ulet kami...Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Sana totoo lahat ng to, sana hindi ito panaginip, kung panaginip man ayaw ko na magising pa...



Lumipas ang ilang minuto, nawala ng parang bula si Ana, hinanap ko siya sa buong bahay namin pero wala. Ana! Ana! Ana! sigaw ko ng malakas, pero wala padin siya.. umiiyak na ako, ayaw tumigil ng mga luha ko sa pagiyak habang isinisigaw ang pangalan niya. ANA!!!ANA!!!



AHHHH!!!!!!napabaligwas ako sa higaan na hingal na hingal, panaginip lang pala ang lahat. Di ko maisip kung bakit ngayon ko lang ulet napanaginipan si Ana, almost 5 years ng maghiwalay kami na kagagawan ng pamilya niya.

Flashback.

Cupcake gising na! Umaga na kaya may pasok pa tayo.-gising ko kay Ana na mahimbing ang tulog sa kama ko.


Wait lang icing, higa kana lang ulet, inaantok pa ako eh..garalgal ang boses niya, hinila naman niya ako para humiga sa tabi niya.


Ikaw ahh.! Ayaw mo ba pumasok? Gusto mo dito nalang tayo cupcake?-bulong ko sa kanya.


Hmmm! 10 minutes icing babangon din ako..


Cge, baka kasi maghinala na ang mama mo satin eh, si Kath nga pala nasa baba at nagluluto ng breakfast..baka bumaba na din ako para makapagprepare ng pagkain natin ahh..

Okay icing ko-tango naman niya sa pagkakapikit.. hinalikan ko naman siya sa lips at doon siya napamulat..

Magnanakaw ng halik!

Eh ayaw mo pa kasi bumangon eh...tama lang yan morning kiss.


Tss..! Napahiga naman ako sa ginawa niya ng dambahan niya ako at siilin ng halik sa labi..di ko naman mapigilan ang sarili ko at gumanti na di ako ng halik sa kanya. Ang aga aga ganito kami.


"Anong ibig sabihin nito?!".


Napabalikwas kami sa higaan ng bumungad sa pintuan ng kwarto namin ang mama ni Ana, matalim at umuusok sa galit ang mata niya. Walang alam ang mama ni Ana na may relasyon kami. Bakas sa mukha niya ang sobrang galit sa nakita. Nasa likod nito si Kath na sobrang nagaalala dahil nakita kami ng Mama ni Ana. Lumapit siya sa amin kaya napatayo ako mula sa kama.

Pak!"


Walang pagatubili na sinampal ako sa mukha ng mama ni Ana, hindi ako makagalaw sa pwesto ko at bigla nalang may tumulong luha sa mga mata, marahil ay sa lakas ng sampal sa akin. Hindi siya nakontento at sinampal niya sa magkabilang pisngi si Ana, kahit siya hindi malaman ang gagawin. Kinaladkad niya paalis si Ana na walang nagawa kundi ang umiyak at humingi ng sorry sa akin. Ako naman eto at nakatanga lang na nakatingin sa pinto at nakatitig sa kawalan. Shocked padin ako sa nangyari, si Kath di mapigilang mapayakap sa akin dahil na din sa nangyari. Dahil don humagulgol ako ng iyak sa kanyang balikat.



Ilang linggo na ang nakakalipas noong maabutan kami ng mama ni Ana sa kama at naghahalikan, simula noon di ko na siya nakikita, ni pagtext, pagtawag wala akong nakukuha sa kanya. Nagtanong tanong ako sa mga malalapit niyang kaibigan pero ni isa sa kanila walang nakakaalam kung anong nangyari kay Ana. Maggagabi na ng may mareceive akong text mula sa magulang ni Ana na ikinagulat ko at ikinakirot ng puso ko.


"Wag na wag ka ng lalapit sa anak ko kung ayaw mong may mangyaring masama sa'yo.. wag mo na din siyang pagaksayahan ng panahon dahil di mo na siya makikita, kahit anong gawin mo!! Tandaan mo yan..sinira nyo ang tiwala ko, kayong dalawa ng pinsan mo.! ".


Sukat doon ay napaiyak nanaman ako, hindi ko alam ang gagawin, masyadong madali ang mga pangyayari, masakit na parang dinudurog ang puso ko..feeling ko di ako makahinga. Gabi gabi na ginawa ng diyos nasa bar ako at nagpapakalasing kasama ang pinsan kong si kath at ilang kaibigan namin.. Mas makakalimutan ko siya kung iinom ako araw araw.

***End of flashback***


"Di na ako nakatulog pa at bumaba nalang sa sala, iniisip ko padin ang panaginip ko, bakit ganito sa tagal na di ko siya nakita ngayon ko lang siya naisip at napanaginipan. Sobrang tagal na panahon na maramdaman ko ang masaktan ng sobra.


Isa na ako ngayong ganap na Doctor sa Makati Med hospital dito sa Makati, isa ako sa pinakamagaling na doctor sa pilipinas, nagaral ako ng pagkadoctor sa amerika. Doon ko tinupad ang pangarap ko na maging magaling na doctor at natupad naman iyon. Si Kath naman nasa New York ngayon at isang ganap na model sa isang fashion show ang Victoria Secret. Kabilang siya sa naggagandahang babae na rumarampa sa catwalk.. sabay kaming pumunta noon sa amerika, nakakaproud lang dahil pareha kami ni pinsan na natupad ang pangarap.



Magisa lang ako sa bahay ko, bumukod na ako sa pamilya ko para mamuhay ng payapa ng walang mangingialam sa akin. Kabisado ko na kasi sila pati mga kapatid ko, kokontra lang sila lage sa desisyon ko. Nung mga time nga na nagbirthday ako sa Amerika at mag 24 na ako nun may nireto sila sa akin na foreigner, birthday gift daw nila sa akin. Wow ah! Heler! Tao talaga pinanregalo sa akin, buti sana kung kotse, bahay, lupa ,damit, accessories at kung ano ano nalang dapat bakit lalaki pa naisip nila. Nawalan ako ng gana kaya tumakas ako at pumunta nalang sa ibang lugar kasama si Kath para magparty kahit dalawa lang kami.. Nakakaimbyerna kasi sina mama eh...marunong pa sa akin...kaya simula noon di na ako umuuwi sa bahay, bumili nalang ako ng condo unit malapit sa pinapasukan ko sa makati.



Kung tatanungin nyo ako kung nagkaroon ako ng girlfriend, wala po. As in wala talaga..kafling siguro meron, pero ang seryosohin wala..dahil si Ana parin ang gusto kong makasama habang buhay, umaasa na magkikita muli kami kahit sa limang taon naming di nagkikita. Umaasang magkabalikan kami, pero di ko alam kung papano ulit mangyayari yon. Mahirap na baka kasal na siya at may mga anak na. Wala na kasi akong balita sa kanya eh.. Dati nahanap ko siya, lumipat siya ng school sa province ng mama niya un siya dinala. Hinanap ko yung account niya dati sa facebook pero binura na ng mama niya, iba na din ang contact number niya. Kaya nung time na yun nawalan ako ng pag asa.

Pinagdarasal ko na sana matagpuan ko ulit siya at magkaroon ng pagkakataon na maitama ang mali at mapatunayan sa magulang niya na mahal ko siya, na mahal ko ang anak niya kahit gaano pa to katagal...

************************************************************
-Kminers-^_^


"Textmate" [girlxgirl]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon