C18

158 7 4
                                    

Nyckolette POV

Balik pasukan na at lagi na kaming busy kaya mas inuuna namin ang gawain namin sa school.

“Hindi ka sinundo ni Jarren? tanong ni Fern.

Umiling ako.

“Busy daw sya kasi may pupuntahan daw sya eh. Nag excuse nga muna sa mga professors natin.” sagot ko naman.

Napatango nalang sya.

Nag focus nalang muna ako sa mga school works since hindi pa din naman nag tetext si Jarren sa akin.

*

Makalipas ng ilang oras ay wala akong natanggap na text kaya ako na ang nag text.

Inupdate ko sya sa mga ginawa.

“Tara kain tayo sa labas beh. Treat ko na, balik tayo agad kasi stress ako.” nakasimangot na sabi ni Fern.

Madami kasi silang hindi napasa na paperworks bago mag sem break kaya ngayon ay stress na sya.

Wala namang lectures or klase, sadyang need lang namin bumalik para e comply yung mga kulang na school works.

Yung akin kasi ay hindi ko napasa yung nagawa ko last week. Hindi kasi bumalik yung isa naming prof kaya need ko ipasa.

“Ayan. Inuna mo kasing mag beach break ayan tuloy stress ka ulit.” natatawa kong sagot sa kaniya.

Tinutulungan ko naman sya pero sadyang grabe talaga yung time na need sa isang project.

*

Lumabas na kaming campus dahil wala namang problema pa.

Pinili ni Fern na sa mall na kami kumain dahil hindi naman matao since may pasok na.

“Try natin yung food hub na yon.” itinuro nya ang isang sign na may chicken.

Tumango nalang ako at sumama sa kaniya.

Bago ako pumasok ay napalingon ako sa kabilang food court at nakita ko si Jarren na naka upo.

Lalapitan ko sana sya kaso may babaeng lumapit sa kaniya.

Si Danica?

Bakit kasama nya ang ex nya?

“Hoy halika na.” hinatak ako ni Fern kaya sumama nalang ako.

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at tinext sya.

To: Jieee

San ka po?

Nanginginig ang kamay ko kaya sinubukan kong kumalma.

“Lette anong gusto mo?” tanong sakin ni Fern.

“Ikaw na bahala. Kung ano sayo, yun nalang din sakin.” ngumiti ako.

Nasasanay na akong si Fern ang laging pumipila para sa amin.

Umalis naman ito at ako naman ay binalik ang tingin ko sa cellphone ko.

Wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya.

Pinipigilan ko ang mga luha ko na pumatak.

Ayuko na pangunahan sya.

I wanted to know his reason pero hindi ko mapigilan magalit.

Bakit kailangan nya pang magsinungaling?

Dumating si Fern at umupo sa harap ko.

“Okay kalang girl?” tanong nito sa akin.

Ngumiti naman ako at umiling.

“Hintayin nalang daw natin ang order.” sabi nito kaya tumango ako.

“Pwede rest room muna ako?” paalam ko sa kaniya.

THE RED STRING THEORY ( BOOK 1)Where stories live. Discover now