Nyckolette POV
Nakauwi na ako sa bahay.
Naisip ko naman ang nangyari kanina.
Naabutan kami ni Fern na nasa ganung sitwasyon.
Parang batang umiiyak si Jarren habang nakayakap sa akin.
Inawat na kami ni Fern hanggang sa tumigil na sa pag-iyak si Jarren.
Tinext na din ako ni Mama at Papa na umuwi kaya hinatid nalang ako ni Jarren.
Naging okay naman kami.
Nag sorry din naman ako dahil pinagdudahan ko ang kaniyang decision at naramdaman sa akin.
Nalaman ko kay Fern na hindi pa nakapasa ng project kahapon si Jarren dahil dun.
*
Inaya nya akong mag joy ride kaya summama naman ako total wala naman akong gagawin sa bahay at nagpaalam na din ako.
Kasalukuyan kaming nakasakay sa dala nyang sasakyan.
Naka open ang bintana kaya nakatingin ako sa labas.
Sa totoo lang, hanggang ngayon ay nakaramdam ako ng hiya sa ginawa ko.
Tahimik lang ako samantalang sya naman ay palingon-lingon sa akin.
“Baby, are you still mad? ” napatingin ako sa kaniya dahil sa tanong nya.
Umiling ako bilang tugon.
“Then, why are you quiet? ” tanong nya ulit sa akin.
“Honestly, I don't know how to act properly because of what happened earlier. ” sagot ko.
Kakasama ko sa kaniya ay nahahawa na ako sa panay English nya.
“It bothers you?”tanong nya kaya tumango naman ako bilang sagot. “I'm so sorry. ”paghingi nya ng sorry sa akin.
Medyo nabawasan na ang maga ng mata ko dahil sa iyak at hindi na ito halata dahil sa concealer.
“Not that. It bothers me because I hurt you.” sagot ko.
Itinigil nya ang sasakyan sa gilid at hinarap ako.
Niyakap nya ako.
This is him.
He made me sure na comfortable ako at he always assure me that everything is just fine.
“Let me remind you, baby. I am the one who bothers your life. Loving you is a choice and being your boyfriend is both responsibility and obligation.” sabi niya sa akin habang yakap-yakap ako. “Pinili kita kasi ikaw ang pinipili nito.” kumalas sya at tinuro ang puso nya.
Ngumiti naman ako.
“Listen to me. I'm your boyfriend and I should be responsible for your peace of mind and I'm obligated to treat you more than you deserve because I choose you. I will always choose you.” he said that while staring at me intently.
He slowly came closer to me.
He kissed my forehead kaya napapikit nalang ako habang dinadama ang respeto na binibigay nya.
Kinurot nya bigla ang pisngi kaya nahampas ko sya at pareho kaming natawa.
Nagmaneho na sya ulit at nagulat ako ng dinala nya ako sa dagat.

YOU ARE READING
THE RED STRING THEORY ( BOOK 1)
RomanceIf you have to choose between love and career, what would you choose and why? Sobrang lawak ng mundo pero naniniwala ako na kapag para sayo, mawala man ito ay babalik at babalik pa ito sayo. I was once believed that when it is for you, hindi iyon ma...