' Anghel '
Michi's POV :
"Na'san na ba 'yung babaeng 'yun!!" inis ko'ng sinabi habang pinapadyak ang aking isang paa, naka-cross armed din.
tagal ah! malalate na kami...
Nakatayo ako sa harap ng bahay nila Karmin, tumitingin din sa gilid gilid para kahit ano'y hindi mabored.
Unang araw palang ng pasukan naiinis na'ko. Nakasalubong ang kilay ko, habang nakasimangot. Muli 'kong tinignan yung pinto ng bahay nila Karmin at nagisip-isip.
After kasi ng quarantine na nangyari last year, binalik na ang face-to-face class ng mga school.
Buti nalang talaga't nabalik na 'tong face-to-face class, nakaka-umay na talaga ang nasa bahay lang at nakatitig sa screen para magonline class.
Bumuntong hininga ako't hinawakan ang isa sa tirintas na buhok ko, pinaglaruan at inikot ko iyon sa daliri. Bored 'kong inihipan ang bangs ko at bigla nalang pumadyak ng malakas sa lupa.
"KARMIIIIII-" Sigaw ko habang naka sarado ang mga kamao sa gilid ko, kaso bigla nalang 'tong natigil dahil sa pagbukas ng pinto.
Lumabas si Karmin at tinignan ako ng masama, sinarado niya ang pinto at humarap sa'kin. She was glaring but i just laughed at her.
"Ingay mo naman!" Sabi niya ng may pagkainis.
"Tagal mo kasi eh...haha" sagot ko naman na medyo may pagkatawa sa dulo.
Kumunot ang kanyang noo, she walked towards me while rolling her eyes. Napangiti nalang ako at lumapit din sakaniya.
"Late na kasi tayo! tara na kasi!!" sabi ko ng medyo asar.
Napahinto s'ya at tinignan nanaman ako ng masama na para ba'y may halong tinging 'Are you serious?'.
"Pinagsasabi mo?" may inis at pagtatakang sabi n'ya.
kinuha n'ya yung cellphone sa bulsa ng kan'yang skirt, binuksan ito at hinarap sakin ang lockscreen. Kung saan nakalagay ang malaking numero ng oras.
6:06 am...
"7 ang simula ng klase, 6:06 palang oh!" pasigaw niyang sinabi, binalik nya yung phone sa bulsa ng palda at natawa unti. Hinawakan n'ya ang kamay ko at hinatak para lumakad.
"Tara na!" she said.
Nagulat ako nang 'kanyang hatakin ako, a pout is displayed on my mouth. Hinayaan ko siyang maglakad at hatakin ako kasama.
"Ang aga-aga kasi natin, ano ba meron?" pagtatanong nya ng may pagkainis, tinignan ko s'ya at ngumiti. Bago tanggalin ang kamay ko sa kamay n'ya, niyakap ko ang braso n'ya.
Para ako'ng bata na ngumiti ng parang ewan. Yung excited na excited dahil mabibigyan ako ng regalo.
"Kasiiii, first day na first day tapos di tayo papasok ng maaga? diba!" Sabi ko ng pagkukumbinsi sakaniya.
Huminto kami bigla sa paglalakad at timingin agad si Karmin sa'kin, which i also returned. Pero yung sakanya may pagtataka.
Hah? ba't bigla na lang to'ng huminto... grabe ang tingin.
"Hoy! Anghel ako noh! grabe naman makatingin.." sabi ko ng may inis.
Siningkit ni Karmin ang mga mata n'ya at tumitig sa'kin ng may ngiti'ng pang-aasar. Parang alam ko na ang sasabihin nito.
"Ano'ng connect non?" sagot niya.
"Ay teka, sino hanap mo? Siya ba?" Asar n'yang sinabi, bago nilakihan ang ngiti n'ya ng di na 'ko sumagot.
YOU ARE READING
A HONORABLE MEMORIES [A,N'T#1]
Ficción General"Matatalino nga, na pressure naman." Kaya mo ba makisabay sa competition at kalokohan ng isang section, kung saan lahat sila'y magkakalaban sa isa't isa. Hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto, mapa grade man 'yan o kahit ano. Ang mahalaga...