***
3 - 3
If she wins this round, it will be deuce.
I found myself grinning at my very own thought. Of course, I won't allow that to happen.
Hindi ko maiwasang hindi lagpasan ng tingin ang gawi niya at ganun agad ka-bilis napawi ang ngisi sa aking labi nang makita ko ang mas nakakairita niyang ngisi.
Meet Breigh Meyers a.k.a 'Thee Bitch Meyers'. She's my bestfriend. Oh, scratch that! My 'EX' bestfriend.
"You looked nervous, don't be. Ngayon palang tanggapin mo na ang pagkatalo mo 'cuz I will take you down."
I look at her in disbelief. I was like woah? The audacity, bitch.
"I'm not nervous, I simply don't like you." I gave her my most disgusted look. "And as for taking me down, I am thrilled to see your attempt. Bring it on."
Iba talaga ang tuwa na nararamdaman ko tuwing nakikita ang mga lason sa buhay kong nabubwisit nang dahil sa bibig ko. Ngayon aware na sila kung anong feeling pag nakikita ko ang pagmumukha nila. Tsk!
She promptly shifted her eyes to the opposite side, compelling me to glance over to figure out who she was looking at.
Kung kanina ay sobrang pagkairita lang ang naramdaman ko, ngayon naman ay nilamon na talaga ako ng galit. Ramdam ko ang pagkulo ng dugo sa buong katawan maging ang pagpintig ng ugat sa ulo ko sa sobrang galit.
Ridge Freaking Cameron. My freaking ex-boyfriend.
Agad na nagbigay ng hudyat ang announcer para ipagpatuloy ang laro.
Despite feeling overwhelmed, I managed to maintain my poise. Kahit na mukhang ano mang oras ay tatabingi na sakin 'tong handle ng tennis racket.
Malakas na hinampas niya sa malayong gawi ko ang bola, mabilis ko namang nasalo ito at ibinato pabalik sa kanya. Hinampas niya ulit sa malayong gawi ko at medyo nakakaramdam na rin ako ng pagod sa katawan kaya naman lahat ng naipon kong pagka-bwisit ay inilabas ko na ng bongga sa bolang iyon. Sinigurado kong mahihirapan siyang depensahan ito at itinutok ko mismo sa pinakakomplikadong pwesto niya ang pag tama ng bola.
"We have a winner!!!
Naihagis ko ang racket sa ere at napasigaw sa sobrang tuwa. Hindi dahil sa nanalo ako kundi dahil sa mukha niyang nilamog ng bola. Sa sobrang lakas ng talbog sa sahig ay rumebound ito papunta sa mukha niya.
Agad na sinalubong ako ni Vernon Radcliffe, my one and only bestfriend, dala ang trophy at isang bouquet ng Red Lotus. My favorite.
"Wews. You won, Lily." Bungad niya.
"I won, Vern!" Napahalakhak ako. "Did you saw it? She was struck in the face, which she quite richly deserves."
We burst out laughing.
I couldn't help but stare in her direction, and I noticed that she had her eyes on me the entire time.
Sapo niya ang parte ng kanyang mukha kung saan tinamaan ng bola. Hindi ko maiwasang hindi matawa sa kinalalagyan niya. Haggard na nga, sabog pa ang pagmumukha.
Despite her awful state, she managed to offer me a sneer and pull the move that made me enraged. She kissed Ridge.
Bumalik ulit ang pagkulo ng dugo sa buong sistema ng katawan ko. Sa sobrang gigil ay padabog kong binato sa sahig ang trophy at pabalik na hinampas sa dibdib ni Vernon ang bouquet na siyang kinabigla niya. Kahit na hindi pa tapos ang pag a-announce ng pagkapanalo ko ay agad na lumisan na ako sa freaking place na iyon.