Maria Elenna "Mela" Delos Valles-Montejo
"Dear Diary,
Noong una ko siyang makita, feeling ko na love at first sight ako. Ang tangkad niya, ang bango at ang gwapo niya, suot 'yung pang-amerikano na suit. Nakikita ko 'yon sa mga palabas o kaya kapag bumibisita kami kay Ate Trina sa New York pero kakaiba siya, diary. Pakiramdam ko ay nakalimutan ko ang pangalan ko noong gabing iyon.
"Maria Elenna, this is Ambassador Pierceton," Pagpapakilala ni Mama sa akin.
Sanay na dapat ako sa ganito. Ilang daang beses na akong tinuruan ni Ms. Ligaya kung paano umakto at makipag-interact sa mga politiko, lalo na sa mga diplomatiko na galing sa iba't-ibang mga bansa. Itinatak na sa utak ko ni Ms. Ligaya ang kahalagahan ng social manners ko bilang anak ng Presidente ng Pilipinas. She said that it is important that I am mindful and graceful at all times, as everything that I do reflects my mother's and my whole family's reputation. Every mistake and victory that I make would be open for the public to tear apart and scrutinize.
Bago pa lamang maupo sa pwesto ang Mama ko ay kinausap na niya kami at pinaalam niya sa amin na kapag tumakbo siya bilang Presidente at kung maupo man siya ay ang buhay namin ay hindi na magiging pribado pa.
Pero tila hindi ako makapagsalita sa kabila ng napakaraming practice na isinagawa ko. Ang mga diplomatiko na ipinakilala sa akin ni Mama noon ay hindi napatibok ang puso ko ng ganito na tila ba gustong kumawala noon mula sa dibdib ko. Taylor Swift's Mr. Perfectly Fine plays in my head like a romantic background song in a rom-com movie as I gazed up at him.
He really is the epitome of perfection. Ang kanyang itim at makapal na buhok ay malinis at elegante na nakahawi sa gilid, na parang sanay na siya sa mga pormal na okasyon tulad nito. Ang kanyang mukha ay makinis at walang bakas ng facial hair.
"Hello p-po, Ambassador." Bati ko pabalik habang hindi ko maiwasang mamula.
His expression remained the same—calm, collected, casual, and....cold.
"That's too much. I think you could call him Kuya Dominic." Sabi naman ng lalaking may berdeng mga mata na ngayon ay nakatayo sa gilid ng future boyfriend ko—este Ambassador Pierceton pala.
Bago ang dinner or kahit anong pagtitipon kasama ang mga politiko o ang mga international guests ay may meeting ang buong pamilya kasama ang head ng public relations team ni Mama na si Ms. Ligaya para masigurado na kilala namin kung sino ang mga makakasama namin at para hindi rin daw awkward. Sigurado ako na si Elijah Gray Pierceton ang lalaking may berdeng mga mata at nakasuot ng button down at slacks. Kahit na hindi naman ipakilala ni Ms. Ligaya si Elijah ay makikilala ko pa rin siya dahil sobrang sikat siya sa school.
Halos lahat ata ng babae sa tourism building ay kilala siya at pinagnanasahan siya. Lalo na si Bunny, ang barkada ko na nursing student.
"Yes, that's fine. Kuya Dominic will do." Sagot niya.
Gusto kong ngumuso pero nilabanan ko iyon. Ayoko siyang tawagin na Kuya kasi gusto ko siyang maging boyfriend! He offered his hand, napatingin ako roon. Ang laki ng kamay niya at may mga nakausbong na ugat sa likod noon.
"Okay K-Kuya Dominic." I squeaked like a mouse. Nakakahiya! Pero ng tumango lamang siya sa akin, hala ang gaspang ng kamay niya at ang init noon. Gusto kong mag-protesta nang lumipat ang tingin niya kay Ate Trina.
Hindi ko namang maiwasang mapakagat sa loob ng aking pisngi dahil ngumiti siya sa ate ko pero hindi sa akin!
"Welcome to the Philippines, Ambassador.."
"Thank you, Dr. Delos Valles-Montejo."
My sister Trina is fifteen years older than me, I am what my Mama calls, 'miracle baby.'
"Please, call me Trina."
"Alright, Trina, so how's New York?"
"Eh, you know, concrete jungle where the dreams are made of."
A soft chuckle broke out from him.
Napanguso ako lalo habang nagsimula akong sumunod sa kanila. Nakakainggit, ang dali nilang mag-usap at napatawa na siya ni Ate.
Napabuntong hininga na lamang ako habang nakasunod kay sa kanila. The cameras were following us as we made our way to the Malacañang's dining hall.
Habang nakasunod ako sa kanya ay hindi ko maiwasang mapansin ang kanyang katangkaran. Pakiramdam ko ay mangangalay ang leeg ko sa kakatingala sa kanya. Bagay na bagay sa kanya ang suit, at ngayong nakatalikod na siya ay parang kita ko ang traces ng muscles sa likuran niya.
Naglayo naman ako ng tingin. Bawal kang mag-isip noon, Mela.
Nang makarating kami sa mahabang kahoy na lamesa ay umupo ako sa tabi ni Ate Trina. The silverwares glinted on top of the clothed table. Kahit ngayong nakaupo ako sa tapat niya ay hindi niya ako tinatapunan ng tingin.
"May crush ka no?" Tudyo sa akin ni Ate Trina habang nag-uusap si Kuya Dominic at si Mama.
"Hala, wala po.." Nakanguso kong sabi kay Ate.
"Hay nako, Elenna, 'yung mga ganyang ka-gwapo, maraming babae. I've seen them in New York."
Bahagya namang nanlaki ang mga mata ko.
"Talaga po?"
"Oo. Nako, lalo na at ambassador." She shook her head. "But he's handsome and super respectful compared to other guys."
Napalunok naman ako. Halos kuminang naman ang mga mata ni Ate Trina matapos siyang tapunan ng tingin ni Kuya Dominic.
"Gust m-mo siya, ate?"
"Yeah."
Para namang may kumurot sa puso ko.
"Di ba po bawal?" Tanong ko. Ang pagkaka-alam ko ay bawal kaming makihalubilo ng ganoon sa mga diplomatiko, lalo na ang mga Amerikano dahil pwede lamang siyang makapagkasintahan or pakasalan ang kapwa nila Amerikano.
"Yeah, pero technically pwede since dual citizen ako," She smirked. Tama ang ate ko, nakuha niya iyon noong nag-aral siya for college and medical school sa New York. "Bagay naman kami 'di ba?"
Napalunok ako bago ako tumango.
"O-Opo.." Tahimik kong sagot bago ako napatingin naman ako sa soup na ngayon ay nasa harapan ko.
***
Y'all know the saying that some people say that when they speak english, they get a nosebleed, well for me, it is the OPPOSITE. bro, i think i got a nosebleed writing this kasi po hindi ako sanay na magsulat sa tagalog. 😭😅
BINABASA MO ANG
The Gentleman
Ficción GeneralDominic John Pierceton is the perfect gentleman-a tall, devastatingly handsome American ambassador with a chiseled jawline, piercing blue eyes, and a carefully measured charm that commands every room. His life is built on control, his reputation spo...