Chapter One

7 0 0
                                    

Chapter One ------

Nichole's POV

Wait lang, Kalma lang! Masyado tayong eksayted. Pakilala muna ako pwede? Well, Ako si Graechelle
(Greyshell) Nichole Amores . You can call me , "Nics","Grae" or kahit anong gusto niyong itawag sa'kin! I came from a well-to-do family. Kung itsura naman ang pag-uusapan, Hmm.. Maraming nagsasabi na maganda at matalino daw ako? Well, I think tama naman sila. Kapal ko ba? Nagulat nga sila dahil "CERTIFIED NBSB AKO!" Siguro ganun talaga. Dapat tanggapin na lang natin ang katotohanan.

Tama na nga! Masyado na yata akong mabunganga. Last na nga pala! I was a Grade 10 student and I was studying at blah-blah-blah university at Alam niyo ba? Consistent honor student to mga tsong-tsang!

Oh siya! Ititigil ko na! Marami na atang naiingit sa nagbabasa.

Oo nga pala! Kasalukuyan akong nasa room at nagbabasa ng libro. Wala kaming klase ngayon , kaya ayun! nakikipagtalakan na naman yung mga manok kong kaklase tapos nagsusurf sa net naman yung iba.

"Alam niyo guys, may nagbugbugan daw kahapon." Dinig na dinig kong sabi ng isa sa mga kaklase ko. Mga chismosa't chismoso talaga. Ingay !

"Bakit daw ba kasi nagbugbugan?" - Janica

"Dahil daw kasi sa babae." -Art

"Silence please? Kitang may nagbabasa dito. Kung makapag-usap parang nasa palengke kayo. Tss." Hindi na ako nakapagtimpi at napatayo na ako dahil sa sobrang inis isama pa yang lovelife na pinag-uusapan nila? sus! sana yung babae na lang ang nabugbog para wala ng problema!

"Hoy Nics! Kalma lang! Nag-uusok ilong mo!" Bwesit tong Ivan na to oh! Sus! Kung di lang ako mabait, baka nasipa ko na yung junior niya!

"Tseee!" Pasalamat talaga siyang mabait ako kasi kung hindi? bugbog sarado na talaga yun!

Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa pagbabasa hanggang sa dumating na 'yung adviser namin. Salamat naman !

"Narito na ang results niyo sa Science." pagsisimula niya at nagsimula na namang mag-usap usapan yung mga kaklase ko.

"Sana passing ako." pagsasalita ng seatmate kong si Val.

Makakapassing talaga kayo kung nag-aral kayo! Hindi puro talak ng talak na lang ang alam !

"Mayroong dalawang nakakuha ng perfect score." dagdag pa ng adviser namin at anu daw, DALAWA?

"I'll call your scores one by one at ang huli kong tatawagin sa babae at lalaki ay tumayo.Understood?" -adviser

"Yes sir." pagsang-ayon namin.

"Lets start with the boys. Yuzon-29, Gomez-32, Dimasalang-32, Dominguez- 30, Sandoval- 27" Ipinagpatuloy niya hanggang sa tatlo na lamang ang hindi natatawag.

"Honasan- 34, Rodriguez-37 at ang nakakuha ng perfect score is no other than Mr. Louise Andrei Madrigal."

Naghiyawan 'yung mga babae kong klase tapos ako palihim lang na ngumingiti. You know why? Kasi Louise was my ultimate crush ! Aba syempre! May crush din ako no. Normal ako okey?

Gwapo, Matalino, Talented, Mabait
at higit sa lahat napakaginoo pa niya. Sige nga! Sinong hindi magkakacrush dito? Sayang nga lang dahil I heard TAKEN na raw siya. Swerte nung girl pag nagkataon.

Well , back to the story tayo. Tumayo na nga siya at nagpunta sa gitna tapos sinimulan ng tawagin ng adviser namin ang score ng girls.

"Girls tayo. Samonte- 31, Lopez- 28, Scott-33, Wilford-30, Damago- 33, Talipapa-35, Hale- 33" Ipinagpatuloy ni sir ang pag-aanounce at hindi pa ako natatawag hanggang sa apat na lang kaming natira.

"Aquino-36, Ramona- 34, Montes- 37 at ang nakakuha ng perfect score is no other than Ms. Graechelle Nichole Amores."

Nabigla ako nung banggitin yung name ko pero I manage to stand at pumunta sa gitna katabi nung crush ko.

"Let's give this two a round of applause."

Nagpalakpakan naman yung mga kaklase ko pero most of the girls kay Louise lang ang tingin. Ito namang katabi ko, parang wala lang sa kanya. Ngingiti ng bahagya tapos balik sa serious face niya.

"Both of you. Ms. Amores and Mr. Madrigal , You'll be the participants on the Quiz Bee competition for the incoming Science Fair kaya during my class, excuse kayo at dun niyo gagawin ang pagrereview. Is that clear?"

Napatingin ako sa kanya ng bahagya at nag nod kaming dalawa.

"That's all for today , Goodbye class." paalam ng sir namin.

"Goodbye sir."

Pagkaalis ni Sir balik na naman sila sa kanya kanyang monkey business.

Ako naman? wala. Kinikilig lang dahil partner ko si crush. Sana dahil sa Quiz Bee na'to maging close kami. Naiisip ko pa lang yun , kinikilig na mga cells ko.
Narinig ko namang nag vibrate yung tyan ko dahil sa gutom.

Aalis na sana ako para magpunta ng canteen pero bahagyang may tumawag ng pangalan ko dahilan para mapalingon ako .

At OMG! Totoo ba 'to? Kinakausap niya ako ? Kinakausap ako ni Louise? WAAAAAH ! Help! Help!

Ano gagawin ko? Ano isasagot ko? Tae naman to oh!

》》》》》》》》》》》
















Dare: Be my GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon