Chapter Two

9 0 0
                                    

Chapter Two ------

"Nichole?" Dun lang ako nahimasmasan nung banggitin niya na ang pangalan ko.

"A-ah. Ba't- bat mo nga pala ako tinawag?" Ano ba naman 'to oh! Tsaka pa ako inatake ng nerbiyos.

Napakamot siya ng ulo which i find cute. "Sa canteen ba punta mo?" tanong niya at nagnod ako.

"Can I accompany? Kung okey lang sa'yo?" WAAH! Kung alam mo lang! Kahit gusto mo pang iuwi na lang kita sa bahay. Okey na okey.

"Sure. Sure. No problem." nakangiting sagot ko sa kanya.

Nagulat naman ako nung bigla siyang ngumiti. Mabilis pero napakagenuine nung ngiti. Shooockss !

"Tara na?" Nabalik naman ako sa sarili nung nagyaya siya. Nagnod na lang ako para sabihing "Tara"

~At the canteen ~

Pagpasok pa lang namin sa loob , lahat ng eyeballs nasa sa'min na or should i say nasa sa'kin na. Yun bang tingin na parang papatay? Ang sabihin nila, inggit lang sila dahil kasama ko si Louise. Inirapan ko na lang yung mga babae at naghanap na kami ng table.

"Ano yung sa'yo?" tanong ko sa kanya.

"Tutal ako naman 'yung nag-insist na sumama sa'yo, libre ko na. Anong gusto mo?" Kinilig naman daw ako dun.

"Close sila? Balita ko siya yung top two sa klase nila."

"Ba't ang bait ni Louise sa kanya? Siguro ginayuma niya si Louise."

Nag-init naman ang dugo ko ng bahagya pero nabawasan nung may magsabing,

"Bagay sila. Maganda 'yung girl at Matalino pa daw. Perfect combo diba?"

Sino 'yung nagsabi nun? Lilibre ko siya ng kahit ano!

"Hey?"

Nagulat naman ako nung magsalita si Louise. Ay sorry ! Nakalimutan kong may kasama pala ako.

"A-ah. Ikaw na lang bahala tutal ikaw naman nanlibre."

"Sige."

Nagpunta siya sa bilihan tapos naiwan naman ako sa table namin.

Mga ilang minuto siguro, nakabalik na rin siya at nagulat na naman ako. Paano ba naman? And dami niyang binili! Siya na mayaman!

"Andami naman."

"Sabi mo ako bahala? Binili ko na lang lahat para mapagpilian mo."

Lord! Bakit ba ang bait-bait at maginoo netong lalaking 'to? Alam niyo bang lalo akong nahuhulog sa kanya?

"May tanong ako sa'yo Nichole."

"Nics na lang. Ano 'yun?" tugon ko habang kumakain ng burger. Gutom ako wag kayong makialam!

"Nagkaboyfriend ka na?"

Napabuga ako ng hangin! Mabuti na lang at nalunok ko na yung burger kasi kung hindi? Aba'y diretso sa face niya ang kinain ko! Kahiya naman kung ganun! Pero ano ulit yung tanong niya? Boyfriend ? Ako?

"Wala pa since birth. Bakit?"

"Wala. Kasi ang ganda mo tapos matalino pa. Imposible namang wala kang boyfriend." Maganda daw ako. Rinig niyo 'yun?

"Wala talaga. Strict parents ko kaya bawal akong mag bf." sagot ko sa kanya at totoo 'yun! strict talaga magulang ko.

"I see."

Tutal siya naman yung naunang magtanong , it's my chance para tanungin rin siya about sa rumor girlfriend niya daw?

"Ikaw ba? May gf kana?"

"Oo."

Boom Wasak ! Wala man lang thrill. Diretsahan talaga! Pero ang sad,

Totoo ngang may girlfriend na siya.

》》》》》》》》》》》

Dare: Be my GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon