Chapter I

35 0 0
                                    

Author's note;

"pasensya na po sa mali-maling linya. under constraction pa kasi ang "WITH YOU" and anytime nag papalit ako ng linya kapag may napansin akong hindi tugma sa mga eksinang nagaganap, so please bear with me. And thank's for choosing "WITH YOU" with you :) I do appreciate more if you could add this in your library and do make vote na rin"

-enjoy your reading-

PROLOGUE

"Hello, is this Arline Rivera?" narinig niyang sabi ng boses babae sa kabilang linya.

"Speaking? " she answered.

"This is Eliz, from Asia Global Company." she froze. Hindi niya maiwasang hindi kabahan ng marinig ang sinabi ng babae.

"Ahm, Yes Ma'am? "sana goodnews." she said to herself.

"I would like to informed you that, you have an interview at exactly 9'am tomorrow," she froze again. Hindi siya makapaniwalang pinansin ng Asia Global Company ang Resume niya. Ilang araw na rin kasi mula ng magpasa siya ng resume niya, at malapit na siyang mawalan ng pag-asang hindi na siya matatawagan or matetext man lamang.

"Diyos ko, maraming salamat po."Pepeng panalangin niya.

"Just look for Miss Corin, Bye!"

Huh? Ano raw? Nah ibinaba na ang phone. Wala na akong naintindihan sa ibang sinabi ng babae. Ang huling natatandaan niya sa sinabi nito ay," Look for Miss Corin.

And the rest are blah-blah-blah-blah.

Paano? Puro lang naman, Yes Ma'am, Okay po Ma'am at Yes Ma'am ang tanging naisagot ni Arline sa babae kanina.

...........................................

Mag-aalas singko pa lamang ng umaga'y gising na si Arlien. Ngayon kasi ang araw kung saan may interview siyang dadaluhan. Graduate siya ng Office Administration at kasalukuyan ngang naghahaap ng trabaho, at sa wakas, dininig na rin ng diyos ang isa sa mga pinapanalangin niya, iyon ay ang mag karoon ng matinong trabaho at hiling niya'y sana'y matanggap siya. Hindi pa rin siya makapaniwalang mabibigyang pansin ang ipinasa niyang resume. ASIA GLOBAL COMPANY. Ang sikat na Publishing Company in Asia.

Pagsapit ng alas sais ay nag pasya naman siyang pumasok sa maliit niyang banyo na kaugnay lamang ng kanyang silid. Kahit na sa eskwater lamang sila nakatira na kung saan, eh dikit-dikit ang mga bahay ay nag sikap parin ang ama nila upang magkaroon silang magkakapatid ng sari-sarili nilang silid.

katatapos lamang niyang maligo nang katokin siya ng ina mula sa labas.

'"Arlien, anak gising kana ba? Agad naman niyang pinag buksan ng pintuan ang ina. "May pupuntahan ka ba anak, at mukang maaga ka atang naligo ngayon," takang tanong naman nito ng makitang nakatuwalya na siya at tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya.

'"May interview po akong dadaluhan 'nay," Nakangiti naman niyang sabi sa ina.

'"Naku, talaga anak? Masaya naman nitong tanong sa kanya. Mababakas ritong masaya ito para sa kanya."'Tiyak na matutuwa ang ama't mga kapatid mo pag nalaman nilang mag kakatrabaho kana. At agad naman nitong ipinaalam sa kanyang ama ang magandang balita. At ginising na rin nito sina Jason at Mark sa silid ng mga ito, upang sabay sabay na silang kumain. " oh siya mag bihis kana't handa ng ang almusal. "sabi nito sa kanya bago siya iwanan.

Isang dilaw na bulaklaking blouse naman na tenernohan niya ng itim na faded jeans ang napag pasyahang isuot ni Arline. Wala naman na siyang ibang maisusuot na medyo maayos ayos ang itsura, puro kasi luma na ang ilan sa mga gamit niya. Noon nga'ng nag aaral pa lamang siya'y lilimang blouse lamang ang pinag susuklian niyang isuot, total may required namang uniporme sa koliheyong pinapasukan niya kung saan nagtapos siyang may medalya.

Kahit naman na mahirap lamang sila'y ang pagiging marunong sa klase ang isa sa maipagmamalaki niya. Siya ang pinalad na makasungkit at parangalan bilang cumlaude ng batch nila.

Nag sasalo silang mag anak sa pagkain ng almusal ng mag salita si Mark, bunso niyang kapatid.

'"Ang ganda ganda mo ngayon, Ate, totoo bang pupunta ka sa isang interview?" masaya namang tanong nito sa kanya,"napangiti naman siya sa unang sinabi nito. Hindi niya napigilang guluhin ang kulot nitong buhok.

'"Hindi mona kailangang bulahin si Ate okay,˝nakangiti niyang turan rito. Matagal ng alam ng, Ate na maganda siya."dagdag pa niya biro rito.

'"Eh, totoo naman po ang sinasabi ko, Ate. Talaga namang maganda ka. Basta ba uuwian mo ako ng paborito kong candy ni Aling Pasing mamaya,˝tukoy naman nito sa kapitbahay nilang naglalako nang kung ano-anong candy sa lugar nila. At hindi naman niya maiwasang hindi mahabag sa kapatid. Napaka simple talaga ng pangarap nito sa buhay.

"Ate, huwag mona'ng pansinin iyang si Mark. Basta galingan mo mamaya sa pag-sagot Ate ha."sabat naman ni Jason sa kanila.

Bigla naman itong hinarap ni Mark. "Bakit ba ang damot damot mo kuya, eh' kay, Ate naman ako nag papabili ah!" sumisinghot nang sabi nito.

'"Bakit hindi mo subukang magpabili sa akin? 'tinitiyak ko naman sayong hinding-hindi kita ibibili eh," natatawa pang pang-aasar nito sa kapatid nila. "Puwede kana mang magpaluto na lamang ng ganoong candy kay inay, eh tinunaw na asukal lang naman 'yon. Dagdag pa nitong sabi na lalong nag painis kay Mark. Sasagot pa sana ito ng sumabad naman na sa kanila ang ama.

"Oh siya Jason, tigilan mona iyang kapatid mo't iiyak na yan," sabat naman ng ama nila sa kanila."Tapusin mona iyang kinakain mo't nang hindi kayo mahuli ng kapatid mo sa pagpasok." dugtong pang sabi nito. Bigla naman siyang binalingan ng Ama.

"Masaya kami ng nanay at mga kapatid mo para sa'yo anak, " Matutupad mona rin sa wakas ang pangarap mong makapag trabaho sa malaking kumpanya." 

'"Oo nga naman anak, at kung sakaling matatanggap ka'y, kahit na papaanoy makakaahon tayo sa buhay," tapat namang sabi ng ina.

'"Huwag po kayong mag-alala, dahil gagalingan ko po sa pag sagot mamaya, at kung sakali po na makapasok ako, ako na pong bahala sa dalawang ito." Nakangiting pahayag niya sa ina. 

'"Maraming salamat anak, alam kong makakapasa ka, dahil isa kang mabuting anak at kapatid. " May holo namang emosyon na sabi ng ina. Nahabag naman siya rito. 

'"Walang anuman inay, nagmana lang naman po ako sa inyo," sagot na lamang niya rito.

Pagkatapos kumai'y nakipag kwentuhan pa siya sa mga ito ng ilang minuto. At pag sapit naman ng alas seyete'y nag pasya na siyang umalis na ng bahay. Unang araw ng interview niya kaya ayaw niyang mabasbasan ito ng pagiging late.

Sakay ng jeep na tumungo si Arline sa naturang kumpanya.

...........................................  

"Wow"

Hindi maiwasang sambit ni Arline ng nasa harap na siya ng naturang kumpanya.

-ASIA GLOBAL COMPANY-

Basa niya sa itaas na bahagi ng building.

"Ang ganda talaga, At ang taas-taas pa," hindi niya maiwasang hindi hangaan ang nakikita niyang laki at taas ng kumpanya. " Kung sakali, ay dito ako magtatrabaho, ang saya non diba," kausap niya sa sarili.

Nakangiti naman siyang bumati sa guwardiya ng nasa entrance na siya.

"Good Morning," bati niya rito.

"Good Morning," seryoso namang sagot nito," Ay, di nga? Seryso talaga? "tanong niya sa isip. Nilampasan naman niya ito at hindi na nilingon pang muli.

"Miss.." 

Bigla naman siyang lumingon ng tawagin siya nito. " Bakit?" tanong niya rito.

"Hindi ko pa nai-tsetsek kung ano ang laman ng bag mo, eh." seryoso namang sabi nito.

"Huh? Hindi pa ba? Naku sorry," hinging paumanhin niya ng ma-alalang hindi pa nga nito natitignan ang bag niya," Sa subrang excitement niya'ng makapasok na sa loob, eh nakalimutan niyang ito nga pala ang trabaho nito. 

Pinapasok naman siya nito nang matapus na nitong masigurong safe naman ang laman ng bag niya.

........................................... 

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon