PROLOGUE

3 0 0
                                    

[PROLOGUE]

Bumuga ako ng madaming usok na nagmula sa paghithit ko sa aking vape.

Naka sandal lang ako sa batong lamesa na nalilim-liman ng puno ng santol na wala pang mga bunga, habang pinagmamasdan ang mga tao sa lumang pavilion na malapit sa aming maliit na fish pond.

Ang tagal nilang matapos. Kahit nasa kalahating oras pa lamang sila na nandirito ay gusto ko na silang umuwi agad.

"Parang nakaka-gago din 'tong Chairman na 'to, e. Alam naman niya na ikaw ang may ari ng pottery at marunong mag pottery ay kumuha pa talaga ng iba na magtuturo sa mga bata. Tsk." Reklamo ni Miko na kadarating lang mula sa pavilion, tiningnan ang kanilang mga ginagawa.

Tumabi siya sa akin at kinuha ang hawak kong vape saka siya umithit doon. Naka-suot pa siya ng puting uniporme nila, kakabalik lang galing universidad na malapit dito sa amin.

"Ayaw ko din naman... kita mo nga, ang dami nilang nasasayang na clay dahil sa kagaslawan nila. Paniguradong nagtitimpi na mga volunteers ni Lucien," sabi ko saka niyakap ang aking mga kamay.

"Buti nga pumayag ka na dito gawin 'yang program na iyan."

"Kahit maliit ang bigayan, sayang naman, pandagdag din sa gamot ni Apo."

"E, kung ikaw ang kinuhang magtuturo, paniguradong mas malaki?" Ngisi ni Miko.

I sighed and scoffed as he said that.

"Sa ugali ng SK Chairman natin sa tingin mo ay dadagdagan niya ang bayad?" I chuckled. "Asa ka pa... basta ang usapan namin dyan ay ngayong linggo din ang tseke."

Pumayag ako na dito gawin ang Youth Livelihood Program project ng Sangguniang Kabataan ng aming barangay na pinamumunuhan ng aming SK Chairman na si Lucien Rendiza.

Isa daw ang pottery ko sa napili nilang program para sa mga Out-of-school youth. Nakita daw kasi nila na dinadayo ang pottery ko tuwing magpapa-paid session class ako at nagiging mabenta ang mga gawa kong pots.

Inspirasyon daw iyon sa mga youths... lalo na daw ako dahil hindi naman daw ako nag-aral pero kumikita sa ganitong klaseng trabaho.

"Basta ang alam ko ay nagpapabango lang iyan si Lucien dahil may balak daw na tumakbo ang Papa niya bilang Mayor sa lungsod," Miko and I chuckled.

"Wala na bang magawa 'yang pamilya nila? Pati pulitiko pinapasok nila, e."

"Palugi na yata mga negosyo nila," sagot ni Miko at tinapik ako sa tiyan nang makita namin na papalapit si Lucien sa direksyon namin.

Nag-ayos ako ng tayo at kinuha ang inaabot na vape sa akin ni Miko saka umithit ulit doon.

"Ashley," tawag ni Lucien sa akin.

Nagtungo ang direksyon ni Miko sa pavilion para tignan ulit ang mga ginagawa nila doon.

"Chairman." Tango ko sa kanya. "Pasabi naman sa mga volunteer mo na dahan-dahan lang sa pag-gamit ng wheel, oh. Baka masira at hindi naman kasama 'yan sa babayaran niyo." Dagdag ko.

Hirap niya ako. "Wala pa namang nasisira," maangas niyang saad sa akin.

Nag-igting agad ang panga ko sa kayabangan niya.

"Ito ang paunang tseke," abot niya sa kapirasong papel. Binugahan ko iyon ng vape saka kinuha. Nakita ko na umiling siya.

"Sa susunod na araw na ang kalahati, isasama ko na din lahat ng mga nagamit na clay, tubig, kuryente, at iba pang supplies mo." Tumabi siya sa akin, sa kaninang sinandalan ni Miko. "Pati na din 'yang kaibigan mo, babayaran ko dahil nagtuturo din siya at nagbabantay." Turo niya kay Miko na nangingielam sa mga bata.

Shattered MoldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon