CHAPTER ONE

1 0 0
                                    

[CHAPTER ONE]

"Sir, nakarga na lahat, wala ka na bang idadagdag?" Tanong ng pahinante sa akin matapos nilang malagay ang mga pots na idedeliver sa Zambales.

"Wala na boss, salamat," sabi ko saka ibinigay sa kanya ang inventory ko para pirmahan niya.

"Paki ingatan na lang, ah. Kapag nandoon na, unahin niyong ibaba yung malalaki para 'di maipit yung maliit, baka kasi mabasag," dagdag ko saka ko kinuha ang form.

"Sige, sir. Kung magpapa-deliver ka ulit, kami ulit ang kuhanin mo, ah." Anito.

"Sige, basta ba walang damages," biro ko saka iniabot ang pang meryenda nila.

"Ah, salamat, sir," malaki ang ngiti nito saka pumunta na ng truck.

Binasa ko ang inventory at tinignan kung tama na ba iyon.

"Naka truck na ngayon, ah." Dumating si Miko at nilapitan ako sa nakabukas na gate.

"Aga mo, ah,"

"Tatlo lang naman subject ko ngayon... iyan ba yung para sa resort sa Zambales?" Tanong niya sa mga kaka-deliver lang na mga pots.

"Oo, buti nga at na-deliver agad dahil may mga nagpapagawa ng mga palayok para naman sa restaurant sa Baguio," binaba ko ang binabasa.

Napangiti si Miko, kita ang tuwa sa mga mata niya. "Aba, from simpleng dekorasyon, ngayon eh ginagamit naman sa kusina. Ang laking leap niyan, ah! Sikat na sikat ka na talaga."

I just shooked my head in his teasing and went to the gate to close it.

Sinundan ako ng kaibigan ko.

"Sir Ash, mag-yosi break lang kami," si June.

Napatingin kami sa dalawang bago kong tauhan na galing sa program ng Sanggunian.

"Bumalik kayo agad, kailangang matapos mga quota niyo,"

"Oo, sige, saglit lang naman kami," sagot ni Oli na naka-bleach pa ang buhok.

Hinintay ko silang makalabas ng malaking gate saka tuluyan nang isinara iyon.

"At may mga tauhan kana ngayon, ah." Miko chuckled.

"Kung hindi lang naman 'yan pinilit ng kagawad ay hindi ko kukunin, mas madami pa break time nila kesa sa quota nila sa paggawa, e," reklamo ko nang tuluyang ni-lock ang gate sa loob.

Tumalikod kami saka nag-tungo sa likod bahay.

"Sinasabi nga ni Tobits na kung hindi daw kay Lucien ay hindi ka daw makikilala at wala daw mag-oorder sa 'yo ng bultuhan, buti na lang daw at sinama ka sa program nila... saka ang swerte mo daw dahil doble ang bayad sa 'yo doon sa mga nabasag nakaraan,"

"Pati ba naman 'yon ay nasagap pa ng baranggay tanod na 'yan? Kulang pa nga iyon dahil sa delay na nangyari sa delivery ng mga nasira."

Nakarating kami sa pavillion at agad kong nilapitan ang nakatambak at basang clay sa may maliit na lamesa ni Oli. Umiling iling ako saka pinatunog ang dila sa pagkadismaya.

"Tingnan mo, hindi man lang tinapos ito bago iniwan... ang hirap pag-sabihan ng mga 'to."

Agad ko iyon nilagay sa wheel saka umupo ako doon para ituloy. Dahil baka mamaya ay tumigas ang clay at mahirap nang ihulma.

"Ikaw na ang boss nila ngayon, Ashley. Hindi na lang ikaw mag-isa dito at dapat ay pati sila ay pinagtatyagaan mo," ani Miko saka naglinis ng kaunti ng mga kalat doon.

"Kung ako lang, Miko ay kaya kong tapusin lahat 'yan, hindi ko kailangan ng sumbat ni Lucien dahil lang sa nagbigay siya ng tao na babayaran ko na hindi man lang magawa ng maayos ang trabaho." Pinaikot ko ang wheel ng ipihit ko sa aking paa ang controller at nagumpisa ihulma ang clay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 19 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shattered MoldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon