EPISODE 1 ANG BATO NA GALING SA KUIPER BELT

3 0 0
                                    


EPIS ANG KAKAIBANG SALAGUBANG

Sinulat ni Christian Lloyd Salvador

Cagayan Valley, Pilipinas

Isang gabi, natulog si Epis Baniaga, isang salagubang na kasing-laki ng bata. Nagising siya dahil may nakita siyang bulalakaw na lumilipad sa madilim na langit. Lumabas siya sa bahay niya na hugis kabute at pumunta siya sa lugar kung saan nahulog ang bulalakaw. Maraming mga dalub-agham doon at narinig ni Epis na sabi nila galing ang bulalakaw sa Kuiper Belt at hindi siya ordinaryong bato dahil kapag kuskusin mo ang bato, may lumabas na liwanag sa bato at mawala ang paningin ng mga tao ng mga huling sandali. Naisip ni Epis ang mga butiki sa mesa niya at kaya inagaw niya ang bato sa kamay ng mga dalub-agham at lumipad na siya palayo. Nagalit sila pero wala na silang magawa dahil mabaho si Epis.

Sa kinabukasan, si Epis ay naka-uwi sa bahay niya at kumain siya ng keso pero may mga butiki sa mesa niya at kinain nito ang mga kanin niya. Ginamit ni Epis ang bato at nabulag ang mga butiki sa mga ilang sandali at nilagay niya ang butiki sa labas ng bintana niya. Si Raul Patacsil at si Julius Boaya, ang dalawang kapitbahay ni Epis ay nandoon. Si Raul ay isang malupit na tao habang si Julius ay magnanakaw. Ayaw nila kay Epis dahil isang salagubang si Epis na galing sa ilalim ng dagat at gusto din nila sa mga mahiwagang kagamitan na ninakaw ni Epis galing sa mga ibang tao at nilalang. Si Epis kasi ay isang magnanakaw din kaya marami siyang mga sumpaang gamit sa bahay niya. "Julius! Kunin natin ang bato niya! Para magiging bulag ang mga kapitbahay natin kahit mga ilang sandali lang!" Sabi ni Raul kay Julius. Tapos narinig nila na natulog si Epis. Bukas ang bintana niya at siya ay natulog sa isang simpleng hammock at kinuha ni Julius ang bato na nakapatong sa tiyan ni Epis.

Tumakbo si Raul at Julius sa damuhan at malapit sila pinatay ng cobra. Mabuti ginamit ni Julius ang bato at dahil sa liwanag, nawala ang paningin ng ahas at pinatay ni Raul ang cobra gamit ng bolo. "Mabuti may pakinabang ang bato na ito!" Sabi ni Raul. "Kung ganun, iprank natin si Kuya Harrison!" Sabi ni Julius. Pumunta si Julius at Raul sa bahay niya at lumabas si Harrison sa bahay, natakot siya dahil sa liwanag ng bato at nabulag siya. "Yey! Nagawa natin!" Sabi ni Julius. "Kung ganun, sa nanay ko naman!" Sabi ni Raul. Si Arabella Patacsil ay nag-luto ng batchoy tapos sumigaw ang anak niya na si Raul. "Ma! May regalo ako!" sabi ni Raul. "Ano yun?" Tanong ni Arabella habang nakangiti. Pinunasan ni Raul ang bato at nabulag ang nanay niya ng mga huling sandali. Pagkatapos ng 30 segundo, bumalik ang paningin niya pero galit talaga siya. Tumawa si Raul at Julius tapos may naamoy sila. Si Epis yun at galit na galit talaga siya! "Kayo ha! Mga bastos kayo!" Sabi ni Epis."Tahimik! Hindi nga ito galing sa iyo!" sagot ni Raul at pinunasan ni Julius ang bato at si Epis ay nabulag. Nahulog si Epis sa putik at nakita ni Julius ang pulang kotse na bukas. Si Julius at si Raul ay pumasok sa kotse at nainis ang may-ari ng kotse dahil nakalimutan niyang isarado ang kotse. Si Julius ang nag-maneho habang si Raul ay nasa tabi niya, hawak ang bato at kapag may makita siyang tao kuskusin niya ang bato upang mawala ang paningin nila ng ilang sandali. Nakita ni Raul si Troy Cabasa at Stephanie Sinag at nainggit siya dahil umibig siya kay Stephanie. "Hoy! Ano ba ang pinag-usapan ninyo?" tanong ni Raul. "Mozart at iba pa!" sagot ni Troy. "Talaga? Ito ay para sa iyo!" Sagot ni Raul at ginamit niya ang bato upang maging bulag ng huling sandali si Troy. Natakot si Stephanie pero hinalikan ni Raul ang kamay niya at umalis na si Raul at Julius. Nakita ni Epis ang lahat na nangyari at hindi siya masaya.

Pumunta si Raul at Julius sa resort ni William Catapang at pinunasan ni Raul ang mahiwagang bato at ang pinakamaliwanag na puting ilaw ay lumabas. Nawala ang paningin ni William Catapang at ang mga guest niya at tumakas si Raul at Julius. Ang huling pinuntahan nila ay ang tindahan ng mga sapatos. Nagpunta sila doon at sinabi nila sa tindera na ibigay niya sa kaniya lahat ng sapatos ng tindahan o may masamang mangyari. Hindi gusto ng tindera kaya pinunasan ni Raul at Julius ang bato at nung nawala ang paningin ng tindera, ninakaw ni Raul at Julius ang mga sapatos tapos may naamoy silang mabahong amoy, parang amoy ng ipis. Si Epis yun at nainis si Raul kaya pinunasan niya ang bato pero si Epis ay may dalang salamin at meron siyang espesyal na lens kaya ang epekto ng bato ay napunta kay Raul at Julius. Tapos sinipa ni Epis si Raul at Julius at dumating ang mga pulis. Nais nilang arestuhin si Raul at Julius pero dumating ang mga dalub-agham. "Hintay! Inosente ang mga yan! Ang salagubang na ito ang may kasalanan! Dapat siya ang arestuhin! Kasi siya ang nagnakaw sa bato! Pero kami na ang bahala sa dalawang pilyo na ito!" sabi nila. Kaya si Epis ay napunta sa bilangguan at si Raul at Julius ay napunta sa puting kwarto na ginawa ng mga dalub agham.

EPIS, ANG KAKAIBANG SALAGUBANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon