EPISODE 2. ANG KAMPANA PARA SA LANGGAM

0 0 0
                                    

Habang natulog si Epis, may narinig siyang bato na natamaan sa bubong niya. Nainis siya kaya lumabas siya sa bahay niya. Sina Raul Patacsil at Julius Boaya pala yun. "Hoy Epis! May kagamitan ka ba diyan na pwede namin gamitin upang maging malakas kami?" Tanong ni Raul kay Epis. Tapos biglang naalala ni Epis na may ninakaw siyang kampana galing sa isang tribo sa Amazon Rainforest na may mapanganib na kapangyarihan.  "Epis? Bakit tahimik ka?" tanong ni Julius. "Wala lang po! Sa totoo kasi eh wala akong ninakaw na bagay!" sagot ni Epis. "Sinungaling ka! Alam namin na isa kang magnanakaw!" sigaw ni Raul. "Kung ganun, hindi ko na lang ibigay sa iyo ang tsokolate na ito!" sagot ni Julius. "Ah! May tsokolate ka? Sige ibigay ko sa iyo ito basta ibigay mo sa akin ang tsokolate mo!" sabi ni Epis at pumasok siya sa kwarto niya.

Binigay ni Epis ang kampana na ninakaw niya galing sa mga Amazon tribes kay Raul at Julius. "Kapag tugtugin mo ang kampana na ito, lahat ng langgam sa paligid mo ay magiging malakas at sisirain nila ang mga bagay malapit sa kanila maliban sa inyo!" sabi ni Epis. "Saan ito galing?" tanong ni Raul. "Ninakaw ko ito galing sa mga tribo ng Amazon rainforest!" sagot ni Epis. "Aha! Diba sabi namin magnanakaw ka!" sagot ni Raul. "O! Eto na ang tsokolate mo!" sabi ni Julius at kinuha ni Epis ang tsokolate. "Maraming salamat po guys!" sabi ni Epis. "Salamat din engot!" sagot ni Raul at Julius at tumakbo sila. Habang kinain ni Epis ang tsokolate, may naramdaman siyang matigas!! May pako ang tsokolate niya. Umiyak si Epis at binasag niya ang salamin at bote sa loob ng bahay niya

Pumunta si Raul at Julius sa parking lot ng restaurant ng kuya ni Julius, ang Harrison Burger House. Tinugtog ni Raul ang kampana at may mga kawan ng langgam na lumapit sa mga kotse at motorbike at sinira nila ang mga sasakyan dahil malakas sila masyado. "Ang galing!!" sabi ni Raul. Nakita ni Troy Cabasa ang lahat at sinabi niya sa mga tao sa loob ng restaurant. Nagalit si Raul kaya inutusan niya sa mga langgam na kagatin si Troy at ginawa nila ito. Sumigaw si Troy at dumating si Harrison at ang asawa niya, si Frida. "Bakit nangyari ito?" tanong ni Harrison. "Teka sandali! Huwag ninyo kagatin si Kuya Harrison!" sigaw ni Julius. "Ano? Ibig sabihin alipin mo ang mga langgam na ito?" tanong ni Harrison. "Ha? Hindi no! Nagkamali lang po kayo! Hindi ko alam bakit nagiging malakas ang mga langgam na ito HAHAHAHA!" Sagot ni Julius at tumakbo sila ni Raul sa malayong lugar.

Pumunta sila sa resort ni William Catapang. "Narinig ko na malapit ang bahay niya sa resort na ito! At siya at ang asawa niya ay may mga isang daang pares ng sapatos. Talagang mayaman sila!" sabi ni Julius. Tapos nakita ni Raul ang bahay na may kulay rosas na bubong at nakita nila si William sa bintana nag sigarilyo.  "Ayun siya!" sigaw ni Julius at narinig yun ni William. "Hah? Bakit nandito naman kayo mga pilyo? Akala ko may trabaho kayo sa tindahan ng pamilya ninyo?" tanong ni William. "Tahimik ka baog na baliw!" sagot ni Raul. "Oo! Tahimik ka! Ibigay mo sa amin lahat ng sapatos ninyo para kung maglaro kami ng basketbol magiging mahusay ang laro namin!" sabi ni Julius. "Ano? Wala kayong kagalang-galang sa akin." sagot ni William.

Pumasok si Raul at Julius sa bahay ni William at pinasukan nila ang kwarto niya. Nagulat si William dahil may mga grupo ng langgam na sumunod sa kanilang dalawa. Nakita ni Raul ang aparador na may mga sapatos sa likod ni William. "Mga langgam! Sirain mo lahat ng kagamitan sa bahay na ito!" sabi ni Raul. Tapos dumating si Matilda, asawa ni William at may dala siyang fire extinguisher. Ine-extinguish niya ang mga langgam at binugbog ni William si Raul habang pinalo ni Matilda gamit ng fire extinguisher si Julius at lumabas silang dalawa sa bahay. Nakita nila si Stephanie at lumapit si Raul sa kaniya. "Stephanie! Ako ay umiibig sa iyo!" sabi ni Raul. "Ayaw ko sa iyo dahil bastos, masama at pangit ka!" sagot ni Stephanie. "Ano? Gusto mo ba na kagatin ka ng mga langgam?" sagot ni Raul. Tumakbo si Stephanie dahil tinugtog ni Raul ang kampana at sinira ng mga langgam ang trucks malapit sa kaniya.

Mabuti na lang nakarating si Epis. "Bastos talaga kayong dalawa. Wala kayong hiya at respeto!" sabi ni Epis. "Ano? Bakit mo kasi ninakaw ito?" tanong ni Raul. "Ninakaw ko yan para sa emergency lang! Halimbawa, kapag gusto ninyong sunugin ang bahay ko!" sagot ni Epis. "Kasalanan mo naman eh bakit mo binigay sa amin! Tapos hindi mo nga alam na may pako ang tsokolate HAHAHA!" Sagot ni Raul. Nagalit na talaga si Epis. "Kung ganun isauli na namin ito sa Brazil Amazon Rainforest!" sagot ni Julius. "Pero bago namin isasauli ang kampana na ito, dapat kainin ka ng mga langgam!" dagdag ni Raul. Tinugtug ni Raul ang kampana at may mga kawan ng langgam lumapit kay Epis. Ngunit binuksan ni Epis ang bibig niya at kinain niya lahat ng langgam na lumapit sa kaniya.

Natakot si Raul at Julius ngunit napansin nila na busog na si Epis. "Ano? Hindi mo na kaya no?" tanong ni Raul. Tinugtog niya ang kampana pero walang langgam na lumalabas. "Sa tingin ko naubos na sila sa paligid natin!" sabi ni Julius. Tapos sinipa ni William Catapang si Raul at kinuha niya ang kampana. Binigay niya kay Epis ang kampana at si Raul at si Julius ay umiyak dahil nagsisi sila sa ginawa nila.

EPIS, ANG KAKAIBANG SALAGUBANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon