Prologue

17 0 0
                                    

Alysia's POV:

Ako si Alysia. Twenty years old. Normal lang naman ang buhay ko dati. Not until nang minassacre ang buong pamilya at angkan namin. Walong taon na ang nakakalipas.

*flashback*

“Ano po nangyayari, ma?” tanong ko kila mama at papa. Kani-kanina lang kasi nang biglang sumigaw si Auntie Jona sa sala. Nag takbuhan kami papunta sa sala at nakita ang mga nasa sala na naliligo sa sarili nilang dugo.

Tapos, bigla na lang akong hinigit nina Mama at Papa. “Ma, pa!” umiiyak ako kasi mas lalo kong naririnig ang pag bagsak ng mga katawan. Nandito pa naman ang lahat ng kamag-anak namin dahil birthday ng pinsan ko at dito daw n'ya gustong mag celebrate.

“A-anak...” tawag ni mama na nanginginig ang boses. Mahina lang ito pero sapat na para marinig ko. “M-ma?” patuloy ang pag agos ng luha sa aking mga mata. Mas lumalakas ang putok ng baril at iyakan.

“Anak, makinig ka sa'min. Kayong dalwa ni Jayne. Tumakbo kayo papunta ng basement as fast as you can, o-ok? P-protektahan n'yo ang isa't-isa, maliwanag?” umiiyak narin si papa at pinag hawak kamay kami ng pinsan kong may birthday ngayon, si Jayne.

“P-pero ma, pa...” iyak ako ng iyak ganon na rin sina mama, papa at si Jayne. Nakarinig ako ng mga yabag. “A-andyan na sila, Mario.” humarap si mama kay papa at nang tumango si papa ay lumuhod si mama sa'min upang mapantayan kami.

“A-anak, kayong dalwa ni Jayne... Pumunta na kayo ng basement, ha? Mahal na mahal ko kayo!” hinalikan kami ni mama sa noo habang natangis. “T-tita, ano po ba'ng nangyayari?” iyak na tanong ni Jayne. Mas matanda ako ng limang taon sa kanya kaya sigurado akong magiging malalang trauma ito sa kanya.

“Umalis na kayo. Mahal na mahal namin kayo. Lagi n'yo yung tandaan.” nginitian kami ni papa at nag mamadaling tumakbo palayo. “S-sige na...” itinulak kami ni mama kaya napatakbo ako na hawak-hawak si Jayne.

*Bang* *Bang*

“A-ate?” di'ko na lamang pinansin pa ang sinasabi ni Jayne. Nang makarating sa pinto ng basement ay marahas ko itong binuksan at unang pumasok. “H-halika na..” tumingin ako kanan at kaliwa upang siguraduhin na walang nakakita sa pag pasok namin. Nang nakapasok na si Jayne ay marahas kong ni-lock ang pinto.

Nakaupo lang si Jayne samantalang ako ay balisa. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. 12 years old lang ako! B-bakit? Ba't ganto!!

“A-ate? N-natatakot po ako...” narinig ko ang nanginginig na boses ni Jayne. Pinuntahan ko s'ya at niyakap. “Ate Aly... Di'ba po dapat ang birthday masaya? Eh, bakit po g-ganito?” patuloy ang pag iyak n'ya. “Shh, tahan na...” sinubukan ko s'yang patahanin. Rinig na rinig pa'rin ang bagsakan ng mga gamit sa labas. Ang mga umiiyak.

At sa wakas.... Tumigil din ito di kalaunan. “J-jayne... Sa tingin ko tapos na...” niyakap ko s'ya ng mahigpit at nagulat ng may nakapa akong basa. “J-jayne?” di ito pwede.... “A-ate?” nanghihina ang boses n'ya. Humiwalay muna ako ng yakap at hinanap ang switch ng ilaw.

At sa pag bukas ko, nakita ko si Jayne na bumubulwak ng dugo ang tiyan at bibig. Napa luhod ako ng mag simula s'yang mag lakad patungo sa'kin nang nakangiti. P-paanong di'ko ‘yan nakita? Nung tinawag n'ya ba ako-

“Ate?” nabalik ako sa ulirat ng niyakap ako ng malamig n'yang katawan. Ang kaninang pink dress n'ya ay kulay pula na ngayon. “I-i love you, ate aly... You are the best ate for me,” pahina ng pahina ang boses n'ya.

“I love you too... Sino ba'ng mag aakala na ito na ang huling beses na mag kikita tayo? HAHAHA pag may time ka visit mo si ate ha,” hinalikan ko ang malamig n'yang noo at bumuhos nanaman ang mga luha ko.

Nebula Academy: Magical WorldWhere stories live. Discover now