Chapter 1

4 0 0
                                    

Alysia's Pov:

“Alysia....” nakarinig ako ng di pamilyar na boses.

Nag lalakad ako dito sa isang gubat. Madilim at para bang walang katapusan ang pag lalakad ko. Nakasuot din ako nang plain white hanggang tuhod na dress.

“Y-your power....” narinig ko na naman ang boses kaya pilit kong hinahanap kung saan ito nanggaling.

“Child....” bigla naman akong nakarinig ng napaka pamilyar na boses. Sino ba kasi s'ya? I mean, sila?

Bigla akong napa mulat at natagpuan ang sarili na nakahiga sa kama. Tiningnan ko ang alarm clock na nasa bed side table ko.

“7:00 am....”

Agad akong bumangon. Anong oras ba ang pasok dito!? Ehh, di pa nga din ako makapaniwala eh. Nag madali naman akong lumabas ng aking kwarto at saktong pag labas din ni Faey.

“Good morning,” inakbayan n'ya ako kaya nginitian ko s'ya. “Tara, kain na!” nang makarating kami ng kusina ay s'ya namang sigaw ni West. “Let's eat,” hinila ako ni Faey sa isang upuan at nasa gitna na nila ako ni Elyria.

“O, ‘yan na. Pancakes and creal,” pag aanunsyo ni West. Mukhang masarap. Kahit na di'ko pa sila ganoon ka close ay comfortable naman ako sa presensya nila.

Habang nakain, humanap ako ng pag kakataon upang makapag tanong kay Faey. “Faey,” tawag ko at agad naman n'ya akong nilingon. “Hm?” nag hum s'ya bilang tugon.

“Ahm, what time start ng klase? Di ba ta'yo ma lalate nito?” I asked. Narinig ko naman ang mahinang pag tawa n'ya. What's wrong? “Ah, oh. Sorry. 7:30 am to 12 nn ang klase ng monday  to saturday. And sunday ngayun!” natatawang sabi n'ya.

Bigla naman ako nahiya. Nakalimutan ko kasi. Tahimik lang kaming nakain at pag katapos ko ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko para maka ligo na.

Pinahiram ulit ako ni Faey ng damit n'ya. Naka suot ako nang isang sky blue na blazer dress. Napaka ganda nito at bumagay talaga sa'kin.

Pinag masdan ko ang repleksyon ko sa salamin ng vanity table ko.

My outfit really suits my deep brown hair. My amber eyes that sometimes turn into hazel eyes. My glossy lips and my fair skin. I am wearing the shoes I wore yesterday.

“Ok kana ba, Alysia?” narinig ko ang boses ni Faey sa labas ng kwarto. Dali-dali naman akong lumabas at sinalubong n'ya ako ng isang matamis na ngiti.

“Tara na,” nag akit na si Elyria kaya lumabas na kami ng dorm. “Ahm, san ba banda tayo ng academy pupunta?” tanong ko.

“Oh dear, lalabas ta'yo ng academy.” nginitian ako ni Faey. Are they serious? Well, na sa ibang lugar na nga pala ako. Sa ibang mundo.

Gaya nga ng sinabi ni Faey, lumabas na nga kaming tatlo ng academy. Pag ka labas pa lang ay sumalubong na sa amin ang maginhawang hangin at mga puno na naka palibot.

Nagulat na lang ako nang tawagin ni Elyria ang isang berdeng dragon. “Hey, Griis!”

Agad naman itong lumapit sa'min. Nakakatakot. Ang laki n'ya at mukha rin siyang isang babae. “Are you scared?” tumango ako sa naging tanong ni Faey. Totoo naman kasi.

“Don't be scared. Alaga ng academy ‘yan,” tinapik ni Elyria ang balikat ko kaya nag pakawala ako ng hininga. “Try to touch her,” binulungan ako ni Faey. “Eh, b-baka kasi-” di n'ya ako pinatapos dahil ‘yung mismong dragon na nga ang lumapit sa'kin. Para itong pusa na gustong mag papansin.

Hinawakan ko s'ya nang natatakot pero habang tumatagal ay gumagaan naman ang pakiramdam ko. “I'm Griis, what's yours?” na tameme ako nang mag salita ang dragon.

Nebula Academy: Magical WorldWhere stories live. Discover now