Chasing Shadows: Love's Dangerous Game

2 0 0
                                    

Author's Note:

This story is a work of fiction. All names, characters, businesses, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead, or actual events are purely coincidental. The author does not mean harm or any insult to any religious groups in this story. The scenes in this story is purely fictional.

This story also contains explicit sex scenes, strong language, self-harm scenes (including suicide), violence (including verbal and physical) that may trigger traumas of the readers. Please skip if it may trigger you.

Read at your own risk.

You've been warned.

- - - - - - - - - - - -

PROLOUGUE:

Kanina pa ako nakatingin sa kisame nagbabakasakaling makaramdam ng antok pero anong oras na ay gising pa rin ang diwa ko. Para bang isang kasalanan kung matulog na. Ramdam ko naman ang pagod pero hindi ko man lang malaman kung bakit hanggang ngayon ay gising pa rin ako. Napabuntong-hininga ako at nagpasyang bumangon na muna. Nauuhaw din naman ako kaya naman bumaba muna ako at dumirecho ng kitchen. Pagkabukas ko nga ng refrigerator ay wala man lang pa lang naipalamig na tubig, napailing na lang ako at kumuha ng warm water.

Pagkatapos ay tumambay muna ako ng 5 minutes at saka nagpasyang pumunta nang rooftop. Magpapahangin na lang muna ako. Tutal ay hindi pa naman ako inaantok.

Puno ang langit ng butuin, malamig ang hangin pero masarap sa pakiramdam. Wala ring ingay sa paligid maliban sa mga cricket. Nakakarelax. Ipinikit ko muna ang mga mata at dinama ang hangin. Maya-maya pa'y nakakaramdam na rin ako ng antok. Mabuti naman.

Ilang minuto pa at nagpasya na akong bumalik sa kwarto ko.
Lunes na naman bukas, marami na namang gagawin. Ano na naman kaya ang naghihintay sa akin bukas?

Chasing Shadows: Love's Dangerous GameWhere stories live. Discover now