CHAPTER 3 - The Royals

2 0 0
                                    

Lunarine Chavez

Malamig ang simoy ng hangin habang papalapit kami sa Mystria Hall. Isa itong malawak na lugar kung saan nagtitipon ang mga estudyante para sa announcements. Every type of announcement. Suspension of classes, school festivals, holiday, at iba pa. Sa harap ng hall, naroon ang dalawang higanteng rebulto—ang isa'y babae na may hawak na korona, at ang isa'y lalaki na may espada. I heard that they are the founders of the academy. I read their names sa isang history book but I forgot it.

If you're wondering kung bakit kami pinatawag, hindi ko rin alam. T_T

"Bakit kaya tayo pinatawag dito?" tanong ko kina Olivia at Sabrina while inaayos ko ang bag na dala ko.

"Relax ka lang, Luna. I'm sure it's nothing serious," sabi ni Sabrina, pero kita sa mukha niya na may iniisip siyang iba.

"Yeah," dagdag ni Olivia. "Besides, this is your chance to experience something special."

"Special?" tanong ko, nagtatakang tumingin sa kanilang dalawa. Ngumiti lang sila, na para bang may pinaplano silang hindi ko pa alam.

Pagkapasok namin sa hall, napansin kong kakaiba ang setup ngayon. Imbes na puno ng estudyante, tanging ang mga miyembro ng prestihiyosong klase lamang ang naroon. Ang ilaw mula sa mga chandelier ay tila mas maliwanag. Too bright. Ang sakit sa mata mga teh! Naglalakad kami patungo sa gitna nang biglang tumigil si Olivia.

"Luna," panimula ni Olivia, tumigil bigla sa paglalakad. "May kailangan kaming ipaliwanag sa'yo."

Nagkatinginan sila ni Sabrina, parang nag-aalangan. Ang ganitong mga sandali ay bihira—theyre usually confident at diretso silang magsalita. Pero ngayon, parang may bigat na bumabalot sa kanila.

"Ano 'yon?" tanong ko, halatang kinakabahan.

"Gusto naming magpakilala sa'yo nang maayos," sabi ni Sabrina, lumapit sa akin. "Hindi lang bilang mga kaibigan mo, kundi kung sino talaga kami."

"Ha? Bakit?" tanong ko, naguguluhan.

"It's time for us to formally introduce ourselves," sabi ni Sabrina habang inaayos ang kanyang buhok.

Nagkatinginan ang dalawa at ngumiti. Tapos ako? Gulong-gulo sa mga nangyayari. May revelation agad? Ang aga naman for those things.

"My name is Olivia Celestine Aldrion. Princess of House Aldrion. The Eastern Kingdom. I'm also a Water Mage." dagdag niya. Her eyes are glowing. Kulay asul. Talagang water mage nga siya. 

"Ako naman si Sabrina Lucille Everen, Princess of House Everen. The Western Kingdom. I wield the power of nature." sabi ni Sabrina. She does sound like a nature mage. Kalmadong-kalmado talaga siya magsalita.

Pero wait.

Parang huminto ang mundo ko habang nakikinig sa kanila. Royals?! Hindi ko inasahan na ganito kataas ang estado nila sa Mystria. I mean, they are beautiful. No, scratch that. They are GORGEOUS. Mala-Greek goddess ang beauty nila. Tapos ako? Alikabok lang sa Olympus.

"Wait, you guys are princesses? Bakit hindi niyo agad sinabi sa akin?"

Ngumiti si Olivia, nakataas ang kilay. "Because we didn't want to scare you off. You're already dealing with a lot of things since you entered here, Luna."

"Besides," dagdag ni Sabrina, "we wanted you to know us as friends first, not as royals."

Napabuntong-hininga ako. "Friends? Pero parang sobrang layo ng agwat natin. Royals kayo, tapos ako..."

"...you're special," putol ni Olivia. "Hindi mo man alam ngayon, pero importante ka rin, Luna."

"Bakit niyo naman nasabi 'yan?" tanong ko, pero ngumiti lang si Sabrina at hinawakan ang kamay ko.

"Trust us. Everything will make sense soon," sabi niya, may lambing sa boses niya.

Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap, pumasok ang Headmistress sa hall. "Ladies and gentlemen, as you all know, today marks a special occasion. This is not only a day to honor the prestigious class but also to recognize our connections to the royal families of Mystria."

Pumalakpak ang lahat ngunit ako ay tahimik lang na nakikinig. Ang Headmistress ay nagpatuloy sa kanyang anunsyo pero yung ang utak ko? Umalis na. Char. I'm still trying to process everything I just discovered about  Olivia and Sabrina.

Hindi pa man tuluyang sumisink in ang mga sinabi nila, biglang may narinig kaming mga yabag. Tatlong pigura ang lumitaw mula sa madilim na bahagi ng hardin. Ang kanilang postura ay elegante, at halatang may presensya silang hindi maitatanggi.

"Ah, Olivia, Sabrina," bati ng isa sa kanila, isang lalaki na may maikling ginto at mala-leon na buhok. "Hindi niyo man lang kami inanyayahan sa espesyal na sandali ninyo."

Napatayo ako, nagtatakang tumingin sa kanila. Sino na naman ang mga ito?

"Luna," sabi ni Olivia, lumapit sa akin. "They are the Princes of Mystria. Leon, Caelus, and Klein."

Yung lalaking kulay crimson red ang buhok ang unang nagsalita. "Leonhart Alaric Vareon, Crown Prince of the Northern Kingdom. A Fire Mage. It's an honor to meet you." Kulay maroon ang mga mata niya. Halatang-halata na apoy ang kapangyarihan. In fairness. Pogi.

Ang pangalawang lalaki, na may malamig na ekspresyon at itim na buhok, ay tumingin sa akin nang diretso. "Caelus Draven Myrrion, Protector of the Midnight Isles." May kakaibang lamig sa boses niya, pero hindi ito nakakabawas sa karisma niya.

Ang huli ay ngumiti nang bahagya, ang kanyang buhok ay kulay pilak na parang sinag ng buwan. "Klein Ariston Faryn, Heir to the Southern Territories. It's a pleasure to meet you, Miss Lunarine."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Ang mga prinsipe? Lahat ng tao rito ay tila may mataas na katungkulan, samantalang ako, wala ni katiting na alam sa mundong ito.





"Yow, Olivia and Sabrina!" bati niya. "And who's this?" Tumingin siya sa akin, ang mga mata niya'y puno ng kuryusidad.

"This is Lunarine," sagot ni Sabrina. "Our newest friend."

"Friend?" ulit ng lalaki, tila nagtataka. "You don't just make friends with anyone, especially not with someone from the human world."

Biglang sumeryoso ang mukha ni Olivia. "She's different, Alaric. And you'll see why soon enough."

Hindi ko alam kung ano ang ibig nilang sabihin, pero napansin ko na parang may tension sa pagitan nila.

Habang lumalalim ang gabi, mas naging malinaw sa akin na ang mundo ng Mystria ay puno ng misteryo. Sa kabila ng magandang selebrasyon, parang may bigat na nakatago sa mga mata nina Olivia at Sabrina.

Habang naglalakad kami pauwi, nagtanong ako. "Ano bang pinagdadaanan niyo? Alam kong hindi ito basta tungkol sa pagiging royals lang."

Tumigil sila at nagkatinginan. Si Sabrina ang unang nagsalita. "Luna, alam naming maraming katanungan ka tungkol sa amin. Pero mas maraming katanungan ang naghihintay para sa'yo."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Darating ang panahon na mauunawaan mo rin ang lahat. Sa ngayon, kailangan mong magtiwala sa amin," sagot ni Olivia.

Tumahimik ako, pero hindi maikakaila na lalong dumami ang mga tanong sa isip ko. Sino ba talaga ako? At bakit parang lahat ng tao sa paligid ko ay may alam na hindi ko alam?

Sa kabila ng lahat ng nalaman ko ngayong araw, isang bagay lang ang malinaw: ang buhay ko ay nagiging mas kumplikado bawat araw na lumilipas sa Mystria.

END OF CHAPTER 3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MYSTRIA CHRONICLES: The Crown of Ivory KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon