CRUSH
Aureisha Elaine Mondragon's POV
"AUREISHA! Hurry up! Mala-late ka na sa school!" I heard kuya Max shout from outside my room.
Oh shoot! Bakit naman kasi na-late ako ng gising? Huhuhu!
"Yes, i know! Just wait, okay? 5 minutes!" Tarantang sigaw ko at napapailing. I put on my socks and then my school shoes. Muntik pa akong matumba sa pagmamadali.
"5 minutes, Eisha!" Huling narinig kong sigaw ni kuya and i think he left because i heard his footsteps going away from my room.
I used hair dryer blower to quickly dry my long hair.
Mabilis lang ang naging pag-ayos ko sa mukha. I just put on sunscreen, foundation powder, blush on and a little bit of lipbalm on my lips.That's it! I'm done! I still have time to eat breakfast with my family. 7:27 na kasi, 8:30 pa naman ang simula ng klase namin tapos medyo may kalayuan yung school dito sa bahay namin but it's okay, may kotse at driver naman kami at minsan pa nga ay si kuya Max na ang naghahatid at sundo sakin.
Pagkatapos kong mag-ayos, ay lumabas na ko sa kwarto ko at bumaba para tumungo sa dining. I saw my mom preparing food on the table and dad just sitting with magazine in his hand. While my kuya Max was also sitting while using his phone.
As always, the whole dining was silent again.
Palagi naman ganito. Buo nga kami pero ang tahimik naman. Halos kami nga lang ni mom ang nag-iingay dito minsan eh. Tahimik lang kasi si dad at sa kaniya naman nakuha ni kuya Max ang ugaling yun.
I took a deep breath and walked towards them.
"Good morning, everyone!" Nakangiti kong bati sa kanila dahilan para lahat ng atensyon nila ay mapunta sakin.
Agad naman akong sinalubong ni mom ng matamis na ngiti kaya niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.
"Hi, my dear, good morning!" Malambing niyang bati sakin at hinalikan din ako sa pisngi. "Late ka na nagising, kumain ka na."
Tumango ako at lumapit kay Dad. "Good morning, dad." Bati ko din kay dad at hinalikan siya sa pisngi.
"Good morning, sweetie," Sabi niya at hinalikan ako s noo. "Kumain ka na." Dagdag niya at binaba ang magazine sa gilid ng table.
Nakangiti at excited akong naupo sa tabi ni kuya Max at pwersa ko siyang niyakap sa leeg dahilan para mainis siya, natawa na lamang ako.
"Good morning, big bro!" Asar ko sa kaniya at paulit-ulit siyang hinalikan sa pisngi.
"Ew! Let me go, Eisha! Nasasakal ako!" Reklamo niya pero alam kong gusto niya ang kakulitan at pang-aasar ko sa kaniya.
Nakangisi ko siyang binitawan. "Moody ang big bro ko, ah!" Tumingin ako kay Mom na naka-upo na ngayon sa tapat ko at inaasikaso si Dad na pangiti-ngiti at halatang nagpapa-baby. Mas lalo tuloy akong napangisi.
Lalanggamin ata ako sa kanila.
"My, wag mo masyadong i-baby yang si Dad, damulag na yan eh." Pang-aasar ko at patay malisyang kumuha ng hotdog.
Si Dad ang nasa dulo ng table, tas sa right side ng table ay si Mom at dito sa left side ay kami ni kuya Max. Magka-tapat kami ni Mom.
Nakita ko naman ang masamang tingin sakin ni Dad at si Mom ay nakangiti habang pansin ko sa pheriperal vision ko ang pag-ngisi ni kuya Max, parang pinipigilan niyang matawa.
"Umagang-umaga, inaasar mo na naman ako, Eisha." Masungit at malalim ang boses na sabi ni Dad.
I laughed at looked at Mom, natatawa rin siya. "I'm just wondering, Mom, ganito ba talaga ka-clingy sayo si Dad?" Tanong ko, patuloy na nang-aasar kay Dad na ngayon ay nakasimangot na.
Ramdam ko ang pagpipigil na tawa ni kuya Max sa tabi ko, he can't even eat properly.
"Eisha! Ano naman kung clingy at magpa-baby ako sa Mommy mo? Asawa ko naman yan at mahal na mahal ko ang Mommy mo." Nakasimangot na sabi ni Dad at humaba ang ngusong tumingin kay Mom. "Wife, inaaway ako ng anak natin oh.." Nag-paawa effect pa siya kay Mom na mas lalong nagpatawa samin ni Mom.
Tuloyan napigsi ang pinipigilang tawa ni kuya Max at nakisabay sa tawa namin ni Mom. Mas lalo tuloy humaba ang nguso ni Dad at sumiksik kay Mommy.
"Akxel, u-umayos ka nga!" Natatawang suway ni Mom kay Daddy ng mas lalo itong sumiksik sa leeg niya, kitang-kita namin ni kuya Max kung paano namula ang pisngi ni Mommy.
Oh my! This is how they love each other.
Naging masaya ang breakfast namin at patuloy din ang pang-aasar ko kay Dad. Talagang nagpa-subo pa siya kay Mom! Panay lang ang tawa namin ni kuya Max at sa oras na yun, napagtanto ko kung gaano kami ka-saya at ka-mahal ang isa't-isa.
They are my family. And i love them so much, damn much.
AFTER we had breakfast, Kuya Max drove me to school. I also recieve a message from Kelly—one of my friends—that they were already at the school and they were waiting for me. It's already 8 o'clock, may 30 minutes pa.
"I can't pick you up later, Eisha." Kuya Max suddenly broke the silence for several minutes.
I looked at him in confused. Naka-focus lang siya sa pagda-drive, ramdam ko ang pag-iingat niya.
"Why? May pupuntahan ka, later?" Mahina ang boses na tanong ko.
Saglit lang siyang tumingin sakin at agad din binalik sa daan ang mga mata.
"Hmm." Simpleng sagot niya. "I'll tell Mang Kiko to pick you up later." Dagdag niya at aaminin kong nakaramdam ako ng lungkot.
Halos mga nakaraang araw, siya palagi yung naghahatid at sundo sakin, pero ngayon si Mang Kikp na ulit. Wala naman problema sakin, hindi ko lang talaga napigilan ang malungkot. I love my Kuya Max so much. He's my loving, caring and protective kuya, he's also my boy bestfriend.
Tumango lang ako ng isang beses at tumingin sa labas ng bintana. Duon lang ako nakatingin ng mag-salita ulit si Kuya.
"Hindi mo ba ako tatanongin kung saan ako pupunta?" Ang soft ng boses niya kaya napatingin ulit ako sa kaniya.
Napanguso ako at umiling tsaka ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. "Hindi na. Basta safe ka palagi, okay na ko dun." Pilit akong ngumiti kahit sa labas ng bintana ako nakatingin.
"Big girl ka na talaga." He chuckled. "Don't tell me, may boyfriend ka na?"
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na bumaling sa kaniya. "Kuya! Sino naman nag-sabi sayong may boyfriend na ko?"
Tumingin siyang nakakaloko sakin pero agad din tumingin sa daan, nakangisi pa. "What? Wala naman akong sinabing may nag-sabi sakin na may boyfriend ka. But, wait.. don' tell me.." Kita ko ang paniningkit ng mga mata niya at unti-unting tumingin ulit sakin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "What? Wala akong boyfriend, Kuya!" Inis kong sigaw dahilan ng pag-halakhak niya ng malakas. "Kuya!" Inis kong singhal at humalukipkip sa aking inu-upo-an.
"What? Bakit ka nagagalit?" Dinig ko ang pang-aasar sa boses niya.
"Hindi ako galit!"
"Sus! Kunware ka pa. May boyfriend ka na 'no?"
"W-wala nga!"
"Sure?" Paninigurado niya at kitang-kita ko ang paglawak ng ngisi sa mga labi niya.
"Kuya, wala nga sabi! Kung meron man, sige nga! Sino?" Tinaasan ko siya ng kilay, mataray-taray.
"Hmm.. maybe Lucas?"
Nanlaki ang mga mata ko. "W-what? No! Of course n-not!" Shit! My honeypie!
Humalakhak lang siya kaya napasimangot ako. Alam niya bang crush ko si Lucas? Omg! Sino naman nag-sabi sa kaniyang crush ko nga si Lucas? Eh, kaming lima lang naman nakaka-alam nun!
Pwera na lang kung sinabi Elish kay Ku—OMG! HINDI KAYA SINABI NIYA TALAGA KAY KUYA MAX?!?!
ARGHH! PATAY KA TALAGA SAKIN ELISH FAITH GABRIELL!