CHAPTER 2

1 0 0
                                    

WEIRD

Aureisha Elaine Mondragon's POV

"EISHA, sorry na, please?" Nakangusong hingi na sorry ni Ell habang magkadikit ang magkabilang palad niya.

"Pero, dapat hindi mo pa rin sinabi kay Kuya Max. Alam mo naman yun, over-protective." Nakasimangot kong sabi at umiwas ng tingin.

"Sorry na. Alam mo namang hindi ko kayang tanggihan yang kuya Max mo," Napaiwas siya ng tingin kaya pasimple akong napangisi. "you know.. c-crush ko kuya mo hehe!" Bigla na lang siyang napakamot sa ulo.

Napailing na lang kaming mga kaibigan niya. "Oo, na! Buti na lang talaga hindi siya nagalit, syempre itinanggi ko 'no kahit alam kong hindi siya naniniwala sakin." Sabi ko at bumuntong hininga.

"Sis, malamang hindi siya maniniwala sayo kasi nga kumanta tong babaeng 'to!" Dinuro niya si Ell na nakangiwi.  "Ang rupok mo, ah!" Inirapan siya ni Irene.

Palaban naman itong tinaasan ng kilay ni Ell. "Bakit, ikaw? Ganon ka rin naman ah! Kay Francis!" Pasigaw niyang sabi kaya halos lumaki ang butas ng ilong ni Irene at mamula ang pisngi nito.

"Shut up, bitch!" Binigyan ng middle finger ni Irene si Ell.

"Hyst! Kayo na lang talaga yung palaging magka-away." Mahinahon na interrupt ni Kelly at bumuntong hininga.

"Kaya nga! Awat din kayong dalawa ah, parehas naman kayong malandi!" Matinis ang boses na pakiki-singit ni Shai.

Isa din tong babaeng 'to!

"Isa ka din eh!" Sabay naming sabi ni Kelly at nagkatinginan sabay iling-iling.

Para namang nagulat si Shai. "Huh? Bakit ako? Umawat lang kaya ako." Inosente niyang sabi.

"Tigil na nga kayo. Ayan na si Sir Jov, oh." Lahat kami napatingin sa pinto ng pumasok doon si Sir Jov, ang strict at weird naming adviser, napaayos na lang kami ng upo.

Jusme! For sure, may long quiz na naman 'to. Halos araw-araw naman eh.

"Good morning, class." Malamig at malalim ang boses na bati samin ni Sir Jov.

Tumayo ang lahat, kaya tumayo narin ako kahit tinatamad. "Good morning, Sir!"

"Good. Take your seat." Seryuso niyang sabi at inayos saglit ang salamin sa mga mata niya.

Tiningnan niya kami isa-isa. Nang tumama ang mga mata niya sa dereksyon ko, akala ko lalagpasan niya na ko pero hindi. Malalim at matiim ang binigay niyang titig sakin. Kumunot pa ang noo ko dahil nawe-weirdohan ulit ako sa kilos niya.

Nothing change. Always like this. That's why i don't want him to be our adviser una pa lang, but i have no choice. We have no choice. Nakakatakot kaya siyang teacher. Ang weird niya, i swear.

Ang malala pa, he always looked at me! Hindi ko lang alam kung napapansin ba iyon ng iba kong mga kaklase, except my friends.

Like me, they notice that too.

Just since he came here a year ago—yes, he's just a new teacher here—may napansin na agad kaming kakaiba sa kaniya. He's weird.

At first, we thought it was just an illusion. Pero, habang tumatagal siya dito, that's when we realized that what we were noticing was not just illusion or imagination.

He's really weird! For real.

Kaya nakakatakot siyang maging teacher eh. Pero, anong magagawa namin, siya yung naging adviser namin. Actually, mabait naman siya pero mas nangingibabaw yung pagka-weird niya.

"Ms. Mondragon!"

Parang akong bumalik sa realidad at ilang beses kumurap. Wait, tinatawag ba ko ni Sir?

The Queen of Blood PowerWhere stories live. Discover now