Nasa BGC na kami ngayon, naka-suot ako ng blue na off-shoulder silk long sleeve, at white na skirt. Sinamahan ko pa ng white dalshoes at white bag.
Nakaupo lang kami sa BGC Highstreets habang naghihintay kina Vryn at Yumi.
"Ang tagal naman nila," ani ni Raya, halatang nababagot na.
"Malapit na daw sila," saad ni Vida, tinitingnan ang relo.
"Eh, Rieze, dapat sinabay mo na lang sila Yumi, taga-Paoville ka rin naman," wika ni Ria, may halong pang-aasar.
"Eh, taga-Paoville alpha ako eh, sila bravo," sagot ko, hindi pinalampas ang pang-asar ni Ria.
"Tama na nga 'yan, ang ingay niyo," sabi ni Matt, na medyo annoyed na.
"Guys, ayan na sila!" saad ni Auxel sabay turo sa kanila.
Napatingin kami sa direksyon na tinuturo ni Auxel. Nakukuha talaga ni Vryn ang atensyon ko—ang gwapo niya! Ngayon sigurado na ako, masc girl talaga siya.
Si Yumi ay naka-black denim jumpsuit at pink blazer, habang si Vryn naman ay naka-dark gray vest, light gray polo long sleeves sa loob, at black slacks.
"Ang gwapo ni Vryn," bulong ko sa sarili ko, hindi ko matanggal ang tingin sa kanya.
"Sorry, we're late," sabi ni Yumi, tumatawa habang si Vryn ay tahimik lang na sumusunod sa kanya. "Vryn was so slow."
"Ayy, no worries," sabi ni Vida, may ngiti. "At least you're here."
Si Vryn ay hindi pa rin nagsasalita, ngunit may nakita akong mabilis na tingin niya sa akin bago siya tumingin sa iba. Cold talaga siya, pero may kakaibang charm na hindi ko kayang i-ignore.
Hoy, Rieze! May boyfriend ka, anlandi mo.
Babae naman si Vryn, bruh, anong masama?
Nagtatalo ang isip ko. Ewan ko ba, ang apektado. Hindi ko naman kasalanan na malakas ang appeal ni Vryn, diba? Hindi ko alam kung anong nangyayari sa katawan ko—parang may magnet sa bawat kilos niya. Minsan naiisip ko, baka dahil sa cold attitude niya, kaya lalo ko siyang naiintriga. Pero may boyfriend nga ako, kaya’t anong pakialam ko?
“Let’s go, guys. Hanap tayo ng restaurant,” aya ni Auxel, na para bang wala sa sarili niyang grupo.
Tumango lang ako, at nahuhuli ako habang nagseselpon. Si Vryn, ramdam ko na malapit lang siya sa’kin. Nagtetext kasi ako sa boyfriend ko kaya super busy, at mabagal akong maglakad. Parang andami kong iniisip at hindi ko mapigilan na mag-alala.
"Don't tayo sa kabila," sabi ni Vida habang tinuturo ang kabilang kanto.
"Let's eat Chinese food," sabi ni Matt.
"Good idea," sagot ni Yumi na parang excited.
"Din Tai Fung na lang tayo, gusto kong matry yung xiaolongbao nila," ani Auxel na parang may natutunan na bagong pagkain.
Mga usapan nila, napakalakas ng mga boses. Parang kala nila sila lang ang tao sa BGC. Lahat ng mata ay nakatingin sa kanila. Minsan naiisip ko kung bakit kaya ganun ang mga kaibigan ko—malalakas magpatawa, malalakas magsalita—parang walang kahihiyan na dumadaloy sa mga dugo nila.
Ilang sandaling paglalakad, nakarating na kami sa Din Tai Fung. Nasa L/G C1 ang location nito. Nasa harap kami ng counter, pumipili ng mga pagkain, at parang hindi ko na alam kung anong klaseng pagkain ang gusto ko. Lahat ng pagkain ay mukhang masarap, pero parang mas gusto ko na lang mag-isip mag-isa.
"Pork Xiaolongbao ako," saad ni Vida na tila excited na excited.
"Fried noodles with vegetables na lang ako, ikaw Yumi?" saad ni Matt habang nagsusuri sa menu.
YOU ARE READING
One Last Time ( Dojo Chronicles #1)
AdventureTwo fighters, one bond, and a choice that changes everything.