Good morning, world! Today marks the first day of my summer break. Excited na akong bumalik sa Taekwondo! Hindi kasi ako nag-eensayo kapag may pasok, kasi minsan napapagod ako kapag pinagsasabay ang school at practice.
I’m already a black belter—eight years na akong nagta-Taekwondo—but lately, bihira akong mag-ensayo. Minsan kasi, nakakaramdam ako ng exhaustion kapag sabay ang academic load at training. Pero ngayong bakasyon, walang dahilan para hindi ako mag-practice.
May summer sports program ang Philippine Army kaya naisipan kong sumali ulit doon. Pang-second time ko na ito, and honestly, I had so much fun last time. Maraming kids na kasali at ang mga kaibigan ko, ay nandun din. Kaya I’m super excited to join again.
Naligo na ako at inayos ang gamit ko for training. Susunduin ako ng mga kaibigan ko, kaya naman hindi ko na pinapatagal pa ang oras.
Habang inaayos ko ang bag ko, napansin kong tahimik ang bahay. My mom left early today dahil may flag ceremony sila sa trabaho. Colonel sya sa Philippine Army, kaya sanay na akong maaga siyang umaalis. Iniwan niya akong breakfast, pero hindi ko na iyon masyadong pinansin. I just grabbed some bread and water bago lumabas ng bahay.
Paglabas ko, nakita ko na ang mga kaibigan ko, tumatambay sa Paoville Park.
“Hey, Rieze!” masayang tawag sa akin ni Raya, sabay wave.
“Tara na, guys!” sabi ko. Nagsitayuan sila, dala-dala ang kani-kanilang mga gamit, at nagsimula na kaming maglakad papunta sa gymnasium ng Philippine Army.
“Rieze, may ire-reto ako sa’yo,” malakas na sabi ni Matt. Lahat kami napalingon sa kanya. Iniabot niya ang cellphone niya sa akin, ipinapakita ang picture ng isang lalaki.
Tinignan ko lang ang screen. Medyo mistiso, naka-low fade ang buhok, brown ang mga mata, matangos ang ilong, at may thick eyebrows. Mukhang payat.
“Yan si Kyle Manxwell. Karatedo yan. Sasali rin siya sa summer training ng PA, kaya sigurado magkikita kayo. Ano sa tingin mo, Rieze? Academic achiever daw ‘yan,” ani Matt na nakangiti habang itinuturo ang screen.
“Weh? Karatedo yan? Ang payat naman!” sabi ni Raya, rolling her eyes.
“Pero gwapo, diba, Rieze?” dugtong ni Vida, pilit akong inaakit na mag-comment.
Napakunot ang noo ko. “Iw,” nandidiri kong sagot habang inaabot pabalik ang cellphone ni Matt. Nauna na akong maglakad.
“Ang choosy mo!” sigaw ni Vida habang tumatawa, sabay habol sa akin.
“Hayaan niyo na ‘yan, may boyfriend na kasi si Rieze!” malamig na sagot ni Auxel.
Napatingin kami lahat sa kanya. “Gusto mo si Rieze, no?” biro ni Raya habang tumatawa.
“Tinatatanong pa ba ‘yan?” dagdag ni Matt, sabay akbay kay Auxel. “Halata kaya.”
Napakunot ang noo ko at si Auxel din. “Parang mga baliw,” bulong ko sa sarili habang naiiling.
Naalala ko tuloy noong nag-confess si Auxel sa akin. Sinabi ko na kaibigan lang ang turing ko sa kanya, pero hindi siya tumigil. Sabi niya, okay lang daw kahit hindi ko siya gusto, basta nandiyan siya para suportahan ako. I appreciate his honesty, pero nakakaguilty rin minsan kasi he’s the standard: half-British, 5’8 ang height, gwapo, academic achiever, gentleman, family-oriented, man of God, marunong magluto, at may respeto.
“Akala ko ba na-friendzone ka na?” tanong ni Vida kay Auxel, sabay tawa.
Nag-roll ng eyes si Auxel. “Oh, gay…” tukso ni Raya, at nagtawanan kami lahat.
Ang kulit talaga ng COF ko. Simula noong first day ng training namin eight years ago, magkakasama na kami. Kaya kahit anong gawin namin, hindi boring.
Habang naglalakad kami, napansin ko kung gaano kaganda ang araw. Hindi masyadong mainit, sakto lang ang init ng araw. Nagtatawanan kami, at biglang pumasok sa isip ko ang boyfriend ko.
YOU ARE READING
One Last Time ( Dojo Chronicles #1)
AventuraTwo fighters, one bond, and a choice that changes everything.