He's Mine

0 0 0
                                    

"Mauna na muna ako. Mag re-review pa kami ng mga kaibigan ko sa may library." Paalam ko sa boyfriend ko..

"Samahan na kita." Sambit niya.

"Ano kaba, wag na. May basketball practice kapa kaya, at saka isa pa." Lumapit ako sa kaniya para bumulong. "Mainit pa 'yong usapan tungkol satin. Napag usapan na natin 'to, Clarence."

Tumango siya. I'm just so glad for having an understanding boyfriend. May plano naman talaga akong aminin na sa lahat na magkarelasyon kami ni Clarence, naghahanap pa ako ng tyempo.

Nagpaalam nako sa kaniya bago Iwan siya.

'Di pa ako nakakaakyat sa second floor; kasi andoon yong library, ay may bumangga saking babae. Nahulog siya sa mga bisig ko.

"Miss, are you okay?" Tanong ko. Agad naman siyang tumugon at mabilis na inalis ang kapit sakin.

"I-i'm sorry.." Nauutal niyang sabi.

"No, it's fine. No worries." Aalis na sana ko ng pinigilan niya ako.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Can I ask you something?"

Napakunot ako ng noo. Sinipat ko ang oras; 12:20. I still have time.

"Sure, ano ba'yon." Tugon ko.

Yumuko siya. "I heard about the rumors in our school, is it true?"

"Ang alin?"

"Na liniligawan ka ni Clarence."

Nag-aalangan pa ako kung sasagotin ko ba siya o hindi. Kung aalis nalang ako bigla at hindi man lang siya pakikinggan, that's would be rude of me. I have no choice but answer her.

Napalunok ako. "I... Wala." Madiin kung sabi sa panghuli.

Nabigla nalang ako ng may inabot siyang envelope. "What's this?" Takang tanong ko.

"Open it."

Dahan-dahan kung binuksan ito. It's a love letter saying, "I like you, Zeke. Since junior high. Pwede mo ba akong sabayan mamayang uwian?"

Sa pangalawang pagkakataon ay napalunok laway uli ako. Hindi ko na talaga ang isasagot ko dito.

"He's not available this evening. It's our monthsary." Nagulantang nalang ako ng marinig ang malalim na boses ni Clarence.

Natulala naman ang babaeng nasa harapan ko. At agarang tumakbo. Hinarap ko si Clarence. Kita sa pagmumukha niya ang bahid ng selos.

"Ano ba ang pinagsasabi mo, lalaki." Tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Telling the truth. Obvi." Sabay kindat.

𝙱𝙻 𝚂𝙷𝙾𝚁𝚃 𝚂𝚃𝙾𝚁𝙸𝙴𝚂Where stories live. Discover now