"Aaron, si Dean o." Napatingin ako sa likod ko. Kasama nanaman niya 'yong mga kaibigan niya lalo na yong close niyang kaibigan na si Noah. "O, sya, cge. Mauna nako sayo, Ron. May gagawin pa din ako e." Paalam saakin ni Cairo, pinsan ko.
Simula nong araw na nakita ko si Dean ay yon din yong araw na napagtanto kung na love at first sight ako. He's a guy. Maging ako, hindi ko inakalang mahuhulog ako sa kapwa ko lalaki.
And that Cairo kanina, siya lang ang nakaka-alam na may gusto ako kay Dean. He's also helping me na makilala ko pa ng lubosan si Dean. It was easy for him for he's a popular guy in our school.
"Kailan mo planong umamin?" Bungad na tanong sa akin ni Cairo habang hinihintay namin ang kapatid kong babae para sabay ng umuwi.
"I don't know." Sagot ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Wtf* Aaron. You've been fucking in love with him. Tapos wala ka palang planong umamin kay Dean!" Hindi napigilang sabi ni Cairo.
"Tawag niyo 'ko?" Tila nanaas lahat ng balahibo ko ng marinig ang boses ni Dean. "I heard you've mentioned my name, Cai."
Patago kong kinurot ang tagiliran ni Cairo sa inis.
"Ara— ano... s-si Aaron. May sasabihin daw sayo." Sabay tulak pa nito sakin papunta kay Dean.
Hindi mapigilan ng puso kung mapatalbog sa tuwa ng makita ko sa malapitan ang maamong mukha ni Dean.
"Ano 'yon?" Tanong niya sa akin.
"Ah.. ano kasi.. pwede wag dito tayo mag usap. Hali ka." Hinila ko ang kamay nito. Hindi naman siya nag-ayaw at nagpadala lang sa pagkakahawak ko sa kaniya.
Pahingal akong tumingin sa kaniya ng nasa likod na kami ng faculty namin.
"Dean." Formal kong pagkakabigkas sa pangalan niya. Kasi ang usual na pagkakabigkas ng mga taong nakakakilala sa kaniya ay 'diyan'
"I've been meaning to say you this, or should I say.. confess." I cleared my throat.
"Kinakabahan naman ako sayo. Sabihin mo na."
"I like—" napatigil ako ng biglang sumabay yong tugtog ng drum sa may music club na katabi lang namin.
"I can't hear you, Aaron." Sigaw ni Dean. "Pwede mo ba ulitin!"
"I said, I like you!" Sigaw ko.
"Sorry, I can't hear it clearly!"
"SABI KO. I LIKE YOU. DEAN XYCLOD MACRON, I'M MADLY INLOVE WITH YOU!!" Kasabay noon ang paghinto ng tugtog at mas nanindih ang boses ko.
Nanlamig ako ng makita ang hindi ko maipaliwanag na tingin sa akin ni Dean. Hindi ako prepare ma basted.
"Uhmm... Kung ayaw mo—" napahinto ako ng sumabat siya.
"I like you too, dummy."
This time my heart was going to explode for real. Gusto kung tumalon sa subrang tuwa. Gusto ko siyang yakapin.
"But," ang saya ko ay napalitan ng takot at pangamba. Samo't saring mga kaisipan ang pumapasok sa ulo ko.
"It doesn't mean na tayo na. I like you. But, you still need to work hard para makuha mo ang minimithi mong sagot na 'oo'." Natulala ako.
He unexpectedly kissed my cheeks and winked before leaving me motionless.
YOU ARE READING
𝙱𝙻 𝚂𝙷𝙾𝚁𝚃 𝚂𝚃𝙾𝚁𝙸𝙴𝚂
Short Story❖ All of the stories here are purely fictional. ❖ Typographic errors and Grammatical errors may exist. ❖ Open for criticism.