15

74 12 3
                                    

Winnie (Anabelle)

"Hindi naman po kailangan na dalhin pa ako sa hospital kasi sisiw lang sakin 'to, sanay na po yung katawan ko sa ganitong mga sugat kaya bukas maayos na lagay ko."

Napabuntong hininga nalang ako dahil ayaw talaga niya magpadala sa hospital, kanina pa kami nagtatalo kasi gusto ko talaga dalhin siya sa hospital para masigurado na magiging maayos talaga siya. sasagutin ko naman lahat ng bayarin kasi alam kong iyon yung problema niya. pero wala kasi matigas din ulo niya gaya ko.

"Sige ganito nalang, hindi na kita dadalhin sa hospital pero ibibili nalang kita ng gamot para gumaling agad yang mga sugat mo. Is that okay with you?" Siya naman yong napabuntong hininga ngayon sa kakulitan ko.

"Oo na, pero wala akong pera pambayad sayo ah." Nahihiya niyang saad.

"It's okay, hindi naman ako maniningil." Sabi ko sa kanya at ginawaran siya ng ngiti para iparamdam sa kanya na gusto ko lang tumulong.

"Mag pahinga kana muna, pupunta lang ako restroom." Paalam ko sa kanya. tumango naman ito at muling ngumiti.

Kailangan ko makausap si Victor ngayon na baka pwedeng utosan niya isa sa mga tauhan ni lolo na ihatid si Savena sa bahay nila.

Paglabas na paglabas ko ng clinic ay saktong naabutan ko yung babae na balak kong batukan kanina. nakaupo ito sa gilid at tila malalim ang iniisip dahil hindi man lang niya ako napansin.

"Gaano ba kalalim yan?"

Medyo nagulat pa ito pero nawala rin iyon agad at napalitan ng walang emosyon na tingin.

"Nahihiya kana bang magpakita sa kanya dahil sa mga kagagawan ng kaibigan mo?" Seryoso kong saad sa kanya.

Hindi nakawala sa paningin ko ang pagyukom ng isa nitong kamay. hindi ko mabasa ano nasa isip niya. pero is lang ang alam ko, naguguilty siya dahil kita ko yun sa mata niya.

"I apologize for what they did to her." Mahina niyang sabi. napatawa ako ng mahina kasi pati sorry hindi niya masabi.

"Ay dapat lang, kung tutuosin nga hindi sapat yang apologize mo e. tsaka wag ka sakin mag sorry dahil hindi naman ako yung sinaktan nila." Nakapamewang kong saad sa kanya.

"Hindi naman ako nag sorry sayo."

Hindi ko napigilan na mapairap dahil sa sinabi niya.

"Pumunta ka lang ba dito para makipag talo na naman sakin?"

"Of course not! I'm here for Cecil not for you." Aniya at tumayo.

Ganito rin kaya ugali niya pag kaharap kapatid ko? gaspang e sarap putolan ng sungay.

"Over reacting ka naman." Nakangiwi kong sabi sa kanya pero inirapan lang ako. "Ikaw muna magbantay sa kanya, tatawagin ko lang maghahatid sa kanya pauwi sa kanila."

Tinalikuran ko na siya pero hindi pa ako nakakahakbang ng magsalita siya kaya napaharap muli ako sa kanya.

"T-thank you for saving her." Tila napipilitan niyang saad dahil umiwas pa ito. "Ako na maghahatid sa kanya." May kapalit naman pala yung thank you.

"At paano naman ako makakasigurado na makakarating siya ng buhay sa bahay nila?" Taas kilay kong tanong

Kaskasera pa naman to.

"Gusto mo sumama kapa, pero sa gulong ka sasakay."

Pigilan niyo ako please, baka bigla rin lumabas sungay ko at bigla ko siyang ihulog dito sa building.

"Gaspang ng ugali, saan mo ba namana yan?"

"Maybe to my sister."

Sino ba ang kapatid nito? para sabay ko na sila puputolan ng sungay, baka mahawaan pa kasi kapatid ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 5 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WHO'S THE KILLERWhere stories live. Discover now