Kenzo na torpe POV.
"Hi kitty cake kate" sambit ko ng makita si kate
"Tsk! H'wag mo nga akong asarin" inirapan ako nito saka tinalikuran
"Ano ba kasi yang binabasa mo?" Tanong ko dito
May hawak kasi syang libro, at mukhang Wattpad book.
"Shh! Nag babasa yung tao e, ginugulo mo" naiirita na ito base sa tono ng pananalita nya
Pakunware kong zinip ang bibig ko saka umupo sa tabi nya
Maya maya lang narinig ko nalang na umiiyak na sya, dahilan para mataranta ako
"Hoy! Okay ka lang? Bakit ka umiiyak dyan? May problema ba?" Sunod sunod na tanong ko
"Eto kasing binabasa ko e, nakakaiyak" humarap ito sa akin. Humagikgik naman ako ng tawa ng makita ang itsura nya, para syang bata na hindi nabigyan ng lollipop e
"Anong ginawa mo dyan kenzo? Pinaiyak mo ba ang kate ko?!" Nakataas ang isang kilay ni Amy na ngayon ay nasa harapan kona
"Hala, hindi ah. Parang sira kasi biglang umiyak sa binabasa nya" natatawa parin ako
"Ano ba kasi yang binabasa mo?" Tanong ni yana
Agad naman lumapit si amy tsaka yana kay kate, tinulak pa ako ni Amy at umupo sa upuan ko
"Aray ko naman" daing ko ng itulak nya ako
Binasa nila ang libro na hawak ni kate, at nagulat nalang din ako ng umiiyak na rin sila katulad ni kate. Ngayon, tatlo na silang umiiyak
"Anong ginawa mo dyan sa tatlo kenzo? Bakit umiiyak yang mga yan? Inaway mo nanaman ba?" Sunod sunod na tanong ni sevi
"Ha? Bakit ba lagi nalang ako? Kusa lang silang umiyak" Ani ko saka napakamot sa ulo
"Siraulo ka talaga kenzo" wika naman ni yohan
"Hindi ko inaano yang mga yan ah, bigla lang silang umiyak"
"Ano ba kasi yang binabasa nyo naman?" Tanong ni sevi saka kinuha ang libro
Nakatingin lang ako sa kanila, at katulad nung tatlo. Etong dalawang 'to umiiyak na din
"Mga siraulo! Bakit kayo nag iiyakan dyan?" Tanong ko ulit at naguguluhan na
Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil para silang mga timang nag iiyakan ng dahil lang sa libro na binabasa nila
"Makaalis na nga muna" sambit ko saka lumabas ng room
Para kasing mga baliw e, hindi ako maka relate sa kanila. Ako pa tuloy may kasalanan kung bakit sila umiiyak
Naglakad lakad lang ako sandali sa loob ng campus, Wala naman ata kaming first subject ngayon
Panigurado na kapag nag stay ako sa classroom mababaliw lang ako habang pinapanood silang Lima dun
May nakita akong upuan sa garden kaya umupo nalang muna ako roon
Tahimik lang akong nakaupo habang lumalanghap ng sariwang hangin
YOU ARE READING
The Long Road Home (Senior High series 2)
RandomThe girl who no longer believes in love, her boyfriend cheated on her, her father was her first heartbreaker, and she is also a victim of harassment by her stepfather. The girl who took so long to heal because of her trauma, her name is Kate Sanchez...