PROLOGUE

0 0 0
                                    

"gusto kita" salitang ilang beses nyang sinasabi sa akin

"Mawawala din 'yan." Ang palagi ko namang sagot sakanya

Mabait si kenzo, gwapo, at higit sa lahat may respeto. Kung sa tutuusin nasa kanya na ang lahat, pero ayaw kong sirain ang pinag samahan namin ng dahil lang sa nararamdaman nya

Hanggang kaibigan lang ang tingin ko sakanya, hanggang dun lang talaga at hindi na kailan man lumampas pa

Pero paano kung kainin ko lahat ng mga sinabi ko? Paano kung mahulog ako dito? Pero hindi pwede, dahil ayaw ko.

"Nakakainis 'tong lalaking 'to! Mukha kang butiki!" Binatukan kopa si kenzo

"Inaano kita? Nagsusulat 'yong tao e" nagulat pa ito dahil nga bigla ko nalang syang binatukan

"Ang ingay mo e! Paulit ulit mong sinasabi yung tiktiktiktik, buti kaba, ha?! O baka naman tiktik?" Inirapan kopa sya

"Sa gwapo kong 'to?!" Tinuro nya pa ang Mukha nya

"Kadiri" masuka suka na sabi mo at umakto pang nasusuka

"Ayy, bastos" napatawa ako sa sinabi nya

Kami talaga ni kenzo ang madalas mag asaran, kahit na makailang beses syang nag confess sa akin hindi 'yon naging hadlang para layuan ko sya

"Kapag niloko ka ng boyfriend mo, tawagin mo lang ako at ako ang susuntok dun!" Pasuntok suntok pa si kenzo sa kamay nya ang ang isa nya namang kamay ang ginagamit nya sa pagsuntok

"Siraulo!" Pabiro ko itong sinapok

"But seriously, Kate! If someone's hurt you, just run to me. Ako ang bahala sa'yo!" Itinaas nya pa ang kanan nyang kamay na parang nangangako

Umiling iling nalang akong napatawa

Isa din sa dahilan kung bakit palagi kong nirereject si kenzo, dahil natatakot na ulit ako masaktan. Natatakot na maloko, pagod na rin akong masaktan ng paulit ulit

Kahit gaano pa kahaba ang daanan hindi ko ito kayang lagpasan, dahil baka pag nakauwi ako pakiramdam ko bitbit ko pa rin ang trauma at lahat ng sakit at sugat na ibinigay nila sa akin.

The Long Road Home (Senior High series 2)Where stories live. Discover now