CHAPTER 2
A CHANCE
Ang aga ko ata ngayon nagising, kakaiba lagi sa oras ng gising ko. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi naman ako maaga nakatulog kagabi. Kulang ba talaga ang pagod ko? O hindi lang siya maalis sa isip ko. Medyo nakalimutan ko na ang mga nangyari kahapon. Pinilit ko talagang alisin ang mga nangyari sa utak ko, pero kahit anong gawin ko, hindi ko ata maaalis sa isip ko yung babaeng nakita ko. Ano kaya ang pangalan nya? Ilang taon na kaya siya? At bakit kaya tinititigan nya ng matagal yung camera? I’ve got to stop thinking about her.
Friday na pala, huling araw na ng pasukan. Bakasyon na. Sa January na ulit ang balik namin. Siguro nga kailangan ko na ng bakasyon. Masyado na ata akong tutok sa pag-aaral. ‘Masyado ka kasi mabait.’ Naalala ko yung inabi ni ate. Masama ba yon?
Ayokong pumasok ngayong araw na to’. Sigurado na ako doon! Alam ko na ang dapat ko gawin ngayon at di ko palalampasin ang pagkakataon ko.
Pagkatapos ko magbihis, bumaba ako at naabutan ko si mama at si ate sa kusina. Nagkukwentuhan sila at mukang magsisimula palang kumain.
“E ang hindi ko maintindihan ay kung bakit namamaga ang mata mo sa kaiiyak!” sabi ni mama. Sigurado ako na si ate ang topic nila.
“Ma’! Hindi nga po ako umiyak!” sabi ni ate, halata sa kanya na naiinis na at natatakot na pagusapan nila ang tungkol na naman sa boyfriend nya.
“Hindi umiyak?” sabi ni mama, nilagyan niya ng pagkain ang plato ni ate. “Hindi umiyak? E anong nangyari sa mata mo? Kinagat ng ipis?”
“Opo! Opo! Kinagat ng ipis!” sabi ni ate. Nakikita ko na hindi siya makatingin ng diretso kay mama.
“Kinagat ng ipis? Kasasabi mo lang kanina na napuwing ka lang kagabi kaya namaga ang mata mo!”
Napatingin si ate kay mama at umiwas ulit. Hindi niya sinasadya ang nasabi nya.
Bumuntong hininga si ate. “Ok ma’! sasabihin ko na – ”
Wala akong ibang maisip na paraan pero. “O ate kamusta ka! Pasensya ka na kagabi ha. Hindi ko naman alam na iiyak ka pala. Hindi ko naman sinasadya na maiwala yung cellphone mo. Sorry talaga!” sabi ko kay ate. Biglaan lahat ng pagyayari kaya iyon lang ang nasabi ko.
Muka namang maayos ang pagkakasabi ko. Mukang kapanipaniwala, pero kinabahan ako ng bumuka ang bibig ni ate sa pagkabigla. Malalaman kaya ni mama na nagsisinungaling ako?
Biglang isinarado ni ate ang bibig niya at nagsalita si mama.
“Iyon ba ang dahilan kung bakit ka naiyak? Ha?”
Tumingin si ate kay mama at tumango ng napakabilis. Natakot ako na baka mahatala ni mama na hindi totoo ang sinasabi ko dahil sa kilos ni ate.
“Iyon naman pala ang dahilan, e bakit hindi mo agad sinabi sa akin?” tumingin sakin si mama. “Ikaw naman Gerard, may sariling cellphone ka, bakit kailangan mo pa hiramin ang sa ate mo?” sabi ni mama.
Hindi na kami makapagsalita ni ate. Naniniwala rin ako na ‘less talk, less mistakes’.
“Nako, wag ka na magalala. Hayaan mo – hindi sa ngayon – ibibili kita ng bago.” Mukang kalma na rin si mama.
BINABASA MO ANG
Remember Me
Romance"...Hanggang may isang babae na nagpabago sakin... Atleast she's happy, but... I'm not. Should I be?... Like I said, it's better this way." THIS IS A MUST READ STORY! Remember Me (Alternate title: Camera) is a romantic tragic novel currently being w...