CHAPTER 1
UNEXPECTED EVENTS
Ayoko sa lahat ay gigising ng napaka-aga para pumasok sa school. Nag-aaral naman ako ng mabuti pero masmasarap parin matulog. ‘Ayoko nang pumasok!’ naisip ko. ‘Malapit na naman ang bakasyon.’ Malapit na naman ang bakasyon! Konting araw nalang maghihiwahiwalay nanaman kami, hindi ko na makikita mga kaklase ko. Nung naisip ko iyon bigla nalang akong napatayo sa higaan. Miya-miya bumalik ulit ako sa kwarto ko para magbihis. Isinuot ko yung itim na pantalon ko at brown na long-sleeve. Pagkatapos ko magbihis pumunta agad ako sa salamin. Hindi rin ako nagsusuklay, pinapabayaan ko lang na laging magulo yung buhok ko, iyon ang sabi nila na bagay sakin e’. Bumaba agad ako para kumain, katulad araw araw nakahain na sa mesa ang breakfast namin.
“Nako Rosalie, wag na wag mong dadalahin ang bag ko, nagusap na tayo kagabi.” Sabi ng mama ko habang nakatalikod at nagpiprito. Akala nya siguro si ate ang bumaba sa hagdan.
“Ma’”sabi ko sa kanya.
Humarap siya at nakita ako imbis na si ate. “O, Gerard! Ikaw pala yan, nasan ang ate mo?”
“Nasa kwarto sa pa po siguro, nagbababad sa salamin.” Sabi ko habang kumukuha ng pagkain.
“Narinig ko isasama ka daw nya.” Sabi ni mama.
“Huh?” nabigla ako. “hindi po pwede, may pasok ako ngayon!”
“Akala ko ba tinatamad ka na pumasok?” sabi ni ate na nasa likod ko na pala.
“Yeah, tinatamad ako, thirty minutes ago!” ang naiinis kong sabi.
Ang isipin pa lang na makakasama ko nanaman si ate ng buong araw sa mall ay nakakatakot na. Buong araw akong maghihintay habang iniisa-isa nya ang bawat damit na makita. Mas gugustuhin ko pa na pumasok hanggang lingo kaysa maging taga dala lang ng mga pinamili nya.
“Ay nako! Basta sasamahan mo ako ngayon! Ipapamili rin kita ng damit! Tingnan mo naman yang damit mo!” sabi ni ate ng medyo pasigaw.
“Anong problema sa damit ko?” nainis ako sa sinabi nya.
“Ewan ko!” parang hindi nya rin alam ang dahilan. “Palaging brown! Ang pangit tingnan!”
“Anong gusto mong isuot ko? Pink? Gusto mo pa ata gayahin kita.”
“Pink...” napaisip si ate, at medyo sumakit ang tiyan ko. Kung iniisip nya na magsusuot nga ako ng ganon, nagkakamali siya. “Oo nga! Bagay sayo yon!”
Palagi kaming nagtatalo ni ate sa kulay, mahilig kasi siya sa matitingkad, ako naman mahilig sa mga dark.
Tumayo ako. “Basta! Hindi ako sasama!” papalabas na sana ako ng pinto ng biglang…
“Gerard! Ano ba?” sigaw ni ate.
Basta ang alam ko ay naghahabulan na kami ni ate sa bahay hanggang makalabas. Bago pa kami makalayo, narinig namin si mama na sumigaw din. “Ingat kayo!”
Nagtatawanan, nagkukwentuhan, naglolokohan, ang saya talaga namin sa school. Iyon din sana ang ginagawa ko ngayon, hindi ang makasama sa mall si ate.
“Ay nako paminsan minsan din kasi gumala ka naman!” sabi ni ate habang naglalakad kami papunta sa susunod nyang bibilihin. “Masyado ka kasing mabait!”
“Atleast di ako katulad mo!” sabi ko sa kanya. Nakatingin lang ako ng diretso, hindi ko siya kayang tingnan, naiinis parin ako sa kanya.
“Alam mo hindi naman masama yung ganito,” sabi nya na parang hindi narinig ang sinabi ko. “Dapat talaga namimili ka lagi ng isusuot mo, katulad mo, may itsura ka, dapat ibagay mo sa damit mo.”
BINABASA MO ANG
Remember Me
Romance"...Hanggang may isang babae na nagpabago sakin... Atleast she's happy, but... I'm not. Should I be?... Like I said, it's better this way." THIS IS A MUST READ STORY! Remember Me (Alternate title: Camera) is a romantic tragic novel currently being w...