Chapter 11

92 3 2
                                    

Ilang buwan na din ang lumipas nung tumira sa mansion ng mga Ramirez si Xander. Ganun pa rin ang ginagawa niya. Training at tsaka home school. 

Si Abby naman, nasanay na nandito si Xander. Sabi pa niya wala na siyang magagawa kundi ang makihalubilo nalang. At unti-unti na niyang nakikita ang mga nakatagong ugali nito. 

Kahit ilang buwan na ang lumipas, hindi pa rin nagbago ang pagtitinginan ni Xander at Abby sa isa't-isa. Sa tingin kasi nila hanggang magkaibigan lang talaga sila. At kung dumating ang araw na kailangan na nilang magpakasal, dapat silang maging handa sa kanilang planong magdivorce pagkatapos nung kasal.

Wala pa ring nagbago. Si Abby at Xander ay nagpapanggap pa rin na mahal nila ang isa't-isa. Hanggang kailan nga ba nila paninindigan ang deal nila?

Chapter 11

Abby POV:

Walang pasok sa school. May 1 week vacation kami. Hindi ko alam kung bakit pero masaya ako kasi hindi ko muna kailangang mag-aral. At ngayong wala kaming pasok plano sana namin ng mga kaklase ko na magbakasyon sa isang villa ng kaklase ko.

*kriingggggg*

Naku po! Malamang si Kezia na yun. Alam kong ako nalang ang hinihintay nila sa meeting place namin.

[Hello]

[Nasaan ka na ba Abby? Nandito na kaming lahat. Ikaw nalang ang kulang dito. Bilisan mo nga]

[Oo na. Pupunta na ako jan. Kailangan ko pang magpaalam sa Dad ko. Ge bye]

END

Naku naman! Ngayon na kami pupunta sa villa ng classmate ko pero hindi pa rin ako nakapagpaalam kay Dad. Natatakot kasi ako na hindi niya ako payagan. Mas mabuti ng ngayon para wala ng time para bawiin niya kung sakaling papayag siya.

Eto na! Tapos na akong mag-impaki kaya magpapaalam muna ako kay Dad. Kanina pa ako naghahanap kay Dad pero hindi ko siya mahanap. Nakita ko si Xander galing sa labas kaya tinanong ko siya.

" Xander, nakita mo ba si Daddy? " tanong ko

" Oo. Nasa garden " 

Dali-dali akong tumakbo palabas. Wala na akong time makipag-usap kay Xander kaya iniwan ko na siya. 

Pagdating ko sa garden, nakita ko agad si Dad. Sitting there drinking tea. 

" Dad? "

"Oh? Abby, what's wrong? " tanong ni Dad

" Dad? "

" What's wrong Abby? "

" Dad? " 

" Anong problema mo anak? Tell me "

" Ehhh " Hindi ko talaga kaya ehh? 

" Teka? Buntis ka? " tanong niya

Haa? 

" No! Absolutely not Dad? " Graveh -_-

" Sayang. Excited pa naman akong magka-apo "

Hala? Anong nangyari sa matandang 'to? Nasobraan ata sa tea eh? 

" Tss. Kakaloka ka Dad? Apo agad? Ehh hindi pa nga kami nagkasabay matulog eh? Apo agad? Excited much? "

" Oo na. O ano bang kailangan mo? " 

Eto na! 

" Dad? Pwede bang sumama ako sa mga classmate ko sa vacation house niya? Kasama ko naman si Kezia ehh? Tsaka marami naman kame. Mas marami yung girls kesa boys. Totally safe " bahala na si batman 

Our Sweet Romance [ ON-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon