Guess what’s the feeling after mong masampal ang lalaking ubod ng yabang? Syempre success noh! Pero siguro masyadong malakas ang sampal ko kasi nanakit yung palad ko. Ibinuhos ko ba naman ang lahat ng galit ko eh and besides satisfied ako sa reaction niya ng matulala siya at pulang pula yung mukha.
“Jara.”
“Yes best?” sagot ko.
“Look at those girls. Mukha gusto ka nilang patayin sa tingin pa lang,” Gypsy said.
“Nevermind about them.”
“So anung feeling ngayon na ikaw ang nasa hotspot? Hindi ka pa man girlfriend sikat ka na! Lumelevel up lang best ah!” pang- aasar ni Gypsy.
“Whatever! Ayoko sa limelight Gypsy. Anyway, I heard nasa guidance office ka kahapon. Anu naman ang ginawa mo dun,” pagiiba ko ng topic.
“Ah…eh kasi naman best ganito yun. You know Piper Lorenzo right?”
“Yeah. The one that is from college of engineering, s anung kinalaman nito sa kanya?” nakakunot ang noo ko nung tingnan ko siya. Namumula siya at parang nahihiya. There’s something fishy.
“Eh… kasi …anu eh…”
“Anu? Ba’t kayo nasa principal’s office? Ginahasa ka ba niya?”
“OA much na naman yan huh? Uhm…hindi. Ganito kasi yun. I saw him drinking sa loob ng school premises then sinita ko siya…”
“And then…” I forgot to tell you that my bestfriend is a member of student council kaya may karapatan siyang manita ng mga estudyante.
“Sinumbong ko siya…nung nasa guidance na kami nakipagtalo pa siya eh lasing naman siya. Pagkatapos umalis na yung guidance counselor and then…”
“And then what???!” highlight na eh kaya atat na ako.
“Best he stole my first kiss!” sabi niya na parang nahihiya.
Oh my! “What best!?! Mga loko talaga yung mga lalaki na yun!”
“Pero ang sarap niya huma—”
“Oh shut up best! You are insane! He just stole your first kiss at sasabihin mo na masarap yun! Out of your mind?” I shouted at her. Naloka ako bigla sa bestfriend ko. Good thing nasa garden kami kaya walang nakakarinig. Bigla naman siyang tumayo at nakapameywang sa harap ko.
“Hoy miss nerd! Nakatikim ka na ba ng kiss?”
“Nope!” mabilis kong sagot. At tinaasan niya ako ng kilay. “Hindi na masama na siya ang first kiss ko atleast naman gwapo di ba?” ang lapad pa ng ngiti ng bruha. Proud pa ang loka-loka. “Best…” umupo na siya ulit sa tabi ko. “sa oras na makatikim ka ng halik. Mawawala ka rin sa katinuan. At yang nandyan…” sabay dutdot sa dibdib ko. “…kapag yan na ang gumana, mawawalan ka na nito,” sabay dutdot sa brain ko. Inalis ko nga ang kamay niya.
“Never kong pagaganahin ang puso ko kung masisira rin lang naman ang utak ko noh!”
“Hep! Hep! Horaay!”
“Gaga!” sabay batok sa kanya. “Best naman,” reklamo niya sabay ngiti sakin. “…sabi ng matatanda huwag magsalita ng tapos…”
“Che! Mag-isa ka nga dyan!” and so I left. Tawa much pa rin ang bruhilda. I promise I will never fall in love sabi ko sa sarili ko.