JARA’S POV
Nakasabay nga ako kina Miro sa SUV na ang may-ari ay si Beast. Wala na akong nagawa nang niyakag niya ako papunta dun. Napahiya kasi ako sa harap niya eh kaya hindi na ako nagreact pa. On the way, tensionado sa loob ng sasakyan until one of them broke the silence.
“Hi Jara Sandra! I’m Viper Lorenzo—”
“Again?!? Viper Lorenzo…lo…renzo…?” ang bilis magreact. Naalala ko kasi si Gypsy. Alam ko may nabanggit si Gypsy na ganung pangalan eh. “Ikaw ba yung walang modo na nang chansing sa bestfriend ko huh?”
“Sorry pero hindi ako yun,” sabay taas ng kamay. “wala akong alam dun.”
“Okay, baka ibang tao yung tinutukoy niya,” tumingin ulit ako kay Viper.
“Anyway Jara na lang. Masyadong mahaba kapag kasama yung second name ko eh.” Then I smiled at him.
“Hindi witch na lang much better yun!” sigaw ni Rouie. Dinedma ko lang siya sabay tingin kay Miro na nakangiti. Ayoko na lang munang makipag-away kay Rouie. Huwag dito. Nakakahiya na kasi.
“Shut up bro! Hindi ka naman kasali sa usapan eh,” sabi naman ni Viper. Nagmake face ako at nakita niya naman sa rearview mirror. We reached the campus at syempre all eyes on us. Tahimik yung mga fans nila. Gulat siguro at kasama nila ako. But I don’t want this kind of fame yung tipong makatingin sila papatayin ka.
“Bye,” yun na lang nasabi ko kay Viper na ngumiti at kay Miro na tinanguan lang ako. Halos magkasunod lang din kaming pumasok ni Rouie. Wlang imik siya at nakabusangot. Hindi ko na siya pinansin.
Nasa may bleachers ako ngayon. Wala kasing tao sa gym. Gusto ko matahimik muna sa mga oras na ‘to masyado na kasi akong na-istressed kay Rouie kapag nakikita ko siya kaya better na hindi muna kami magkasalubong ng landas. And thank God kanina dahil kay Miro hindi ako masyadong pahiya pero hiyang-hiya naman ako sa kanya at buti rin may pamalit rin ako sa locker.
Humiga ako sa may bleacher at tinakpan yung mukha ko ng libro. Gusto ko magpahinga ngayon. Inaantok ako eh.
“Hey look girls, nandito si nerdy oh…” Hindi ko na lang pinatulan. For I know si Charize yun, ang rumored girlfriend ni Rouie at cheerleader din niya. Bahala sila sa buhay nila.
“Hoy mang-aagaw tumayo ka nga diyan,” tapos sinipa niya yung paa ko. Tawanan pa sila ng mga kagrupo niya. Tumayo naman ako kaagad dahil muntik na akong sumubsob.
“Anong—” magsisimula pa lang ako magtaray ng makaramdam ako ng sakit sa may likod ko. Shit! “Buwisit! Sino ba yun hinayupak na yun?” I shouted at agad nakita ng mga mata ko ang may sala. Patuloy ang pagsakit ng likod ko gayundin ang pagtawa ng grupo ni Charize. “Buti nga sa’yo bitch!” sabi pa ni Charize.
“Mamatay ka na Rouie!!!!buwisit ka talaga!!!” I shouted at the top of my lungs as tears fell. Ang sakit kasi talaga. I jump from the bleachers kinuha ang bola at ibinato sa kanya sa kanya yung bola. Lucky enough nasalo niya. Nakatayo na siya malapit sakin.
“Jara, I’m—” naputol kung anuman ang sasabihin ni Rouie
“Teka what do you think you’re doing?” maarteng tanong sakin ni Charize na sumunod pala.
“Gaga, obvious ba? Gumaganti ako ‘di ba?” sagot ko naman.
“You—” with motion na sasampalin ako.
“Don’t you ever lay your hands on her Charize!” sabi ni Miro. Si Miro narito? Napalingon ako sa pwesto kung nasaan siya. Ayun malapit siya sa pinto at nakasandal lang siya with matching libro sa ulo. Ang galing naman ng timing nito. Tuwa naman ako niyan…hahahahah! I winced nang maramdaman ko ulit ang sakit at lumapit na sakin si Miro.
“Thanks Miro,” that’s all I can say. Naluha na talaga ako.