Maagang gumising si Aleckxe upang ihanda ang baon niya at para makapaghanda upang hindi ma-traffic sa EDSA mamaya. Kailangan niya pa namang ihanda ang venue bago dumating ang Boss niya at mga kliyente nila.Isa siyang interior designer nan aka-assign sa Public Relations at mga International Meeting Venues. May bigatin silang kliyente na darating ngayon upang i-finalize ang designs ng venue, at Boss nito ang mangunguna para mapag-usapan ng maayos. Hindi niya na nga natingnan ang files ng kliyente nila dahil alam niya na matandang gurang din siguro ito, o Intsik na sobrang seryoso at wala ng panahon para sa enjoyment, iyon naman kasi ang mga common clients nila. Naalala niya pala na required ang casual dress dahil sa formality. Kahit kailan talaga, inis siyang mag-dress. Pero hindi na gaya ng dati na mas gugustuhin niyang mamatay kesa magsuot ng isa. Gaya ng dati, nung mag-bestfriend pa sila...
"Ugh. Wag mong alalahanin. Kalimutan mo na." kastigo niya sa sarili. Binuksan niya ang kanyang closet at kinuha ang baby blue na sleeveless dress with raffles at hanggang tuhod niya ang haba. Paparisan niya ito ng blue with glitters na doll shoes. Okay na sa kanya iyon. She'll have an innocent, baby look and leave an impression to the clients. Baka i-recommend pa siya nito sa kakilala nito.
"I love blue. Napakaswerte ng kulay nito sa akin. I get the feeling na makukuha ko na talaga ang final yes ng Big Boss nila mamaya. Oh yes." Napapangiti siyang tinitigan ng maayos ang sarili sa salamin. Pagkatapos ay mabilis siyang bumaba at sumakay sa White Ford F50 niya.
Pagkarating sa venue, inasikaso niya agad at sinupervise ang mga subworkers niya. Pagkatapos ng ilang oras, natapos na ang finishing ng make-up pace nang nakita niyang nagsimula nang mag-accommodate ang mga employees sa lobby. Halatang dumating na nga ang "BIG CLIENT" nila. Tinawag niya si Lollipop-ang close friend niya sa work- para i-makeup siya.
"Naku, ikaw ba namang babae ka. Kung ako na lang lagi ang tinatawag mo para ayusin ka, paano ka matututo niyan?" pangaral nito habang inaayos ang buhok niya.
"Maaasahan ka talaga Popsie. Thank You ha. Importante kasi ito sa akin kaya mas pinagkakatiwalaan ko ang kamay mo kesa sa akin."
"Wow. Salamat. Sige, rampa na doon Girl." Tinaboy pa siya nito na parang bata. Natatawa siyang lumabas ng office niya.
Naghintay siya sa office niya habang palakad-lakad. Tinawagan niya kanina ang isa sa mga crew niya through SitCom. Wala pa raw. Late ang mga ito. Inayos niya na ang mga finishes na kailangan pang i-double check. Clear.
"Sheena, ito na ba lahat? Complete na? Ang mga files?" sunud-sunod niyang tanong sa right-hand niya sa crew.
"A-ah ma'am, relax lang po. Okay na po lahat. It's almost perfect." Mahinahong sagot nito. Biglang tumunog ang SitCom galing sa Lobby at in-inform siya na kakarating lang nito.
Dali-dali siyang dumiretso sa Lobby at hinanap ang kliyente niya. Nakita niya ang isang striktong lalaki na mukhang Big Boss. Lalapitan na sana niya ang kliyente nang makasalubong niya ang isang tense na worker na nagmamadaling lumakad kaya nabangga ang isang modern vase na nakatayo sa side corner ng lobby. Tumakbo siya para masalo ang vase habang napapasinghap ang mga tao dahil nahagip ang dress niya sa isang matulis na bagay. Ang knee-length niya na dress ay napunit. Buti na lang hanggang sa upper thigh iyon napunit, dahil abut-abot ang magiging kahihiyan niya pag nakita ang undergarment niya!
"Hey, are you okay?" may umabot ng baywang niya at tinayo siya.Binigyan siya nito ng coat.Nararamdaman niyang namumula ang mga pisngi niya dahil pinagtitinginan siya ng mga tao. Namutla ang mga workers niya lalo pa't alam nila na masyado siyang conservative dahil nga sa boyish siya. Napalingon siya sa taong tumulong sa kanya.
"How kind of you. Thank you Si-" saka siya napahinto. Tinitingnan nito ang legs niya. Napasigaw siya sa inis at sinuntok ito.
"Where do you think you are looking, SIR?"
"What the-" napatingin ito sa mukha niya, saka napasinghap. "A-aleckxe?"
Natigilan siya. Paanong kilala siya nito?
"Excuse me gentlemen. This is such a humiliation." Napatingin siya sa lalaking tumulong sa kanya. Uh, Sir, do I know you?" Hinintay niyang sumagot ang tulala na napakaguwapong hunk na ito. Aba'y pinagsabay ang cute at gwapong bad boy characteristics nito, at ang hot nitong tingnan sa Dark Blue polo nito lalo pa't hinubaran nito ang coat para ibigay sa kanya.
"O-oh. U-uh, I didn't expect to see you here, of all places. Well, I'm rather shocked to see you look so... so lady..." sa mahinang boses na nakatingin pa rin sa kanya.
Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Paano'y kahit saang lupalop niya alalahanin ay hindi niya maalala na may kilala siyang ganito kagwapong nilalang. Kahit pa siguro makidlat man o mabagok ng malakas ang ulo niya't magka-amnesia siya o magka-alzheimer's, talagang maalala niya ng ganitong mukha. Nabasa yata nito na talagang hindi niya ito maalala kaya ito ang nagpakilala.
"Pare, brod. Recognize me?" at ngumiti ito na talagang nakakahimatay ng bait ng isang normal na babae.
Wait.WHAT-WHAT? Ito ba ang kababata niya noon na akala niya ay hindi niya na talaga makikita?
"K-kian Drei?" nabubulol niyang tanong. Ito na ba talaga si Drei?
"Yeahp. It's me. It's nice to see you again. Ah, will you excuse us? I have to bring her to the ladies' room. You know, all this incident." Explain nito sa ibang personnels.
"With pleasure, Sir." Sabay na sagot ng mga tao nito.
Hawak-hawak nito ang kamay niya habang hinihila siya patungong ladies' room.
"Ano ba, bitawan mo nga muna ako." Demand niya rito.
Hinila siya nito ng malakas at isinandal siya sa panel wall patungong ladies' room. Ikinulong nito ang katawan niya gamit ang dalawang kamay nito na isinandal din sa wall. Inilapit nito ang mukha nito sa mukha niya. They were inches away from each other. She could almost feel his warm breath touching her face.
"Anong ginagawa mo rito?" alaska niya rito.
"This is a surprise. I'm glad we finally met, Lady." Tukso nito sa kanya.
"Don't you dare Drei. I told you I despise getting called by that word." Asik niya rito.
"That aside, you still haven't realized it by now, have you?" bulong nito saka masuyong hinimas ang pisngi niya.
"W-what?" tuliro niyang tanong. She must be crazy, getting excited and all.
"I won. You can't run from me now. You're mine." Anas nito at dahan-dahang inilapit ang mukha nito sa mukha niya. He's a playboy!, sigaw ng utak niya. Nagbago na ito. Hindi na ito ang dating Drei na kilala niya.
"S-stop it, will you? I haven't changed a bit since you last saw me. Don't mess it Drei, kung ayaw mong mabalian." Pagbabanta niya rito. Pero mukhang hindi ito tumalab ni katiting.
"You don't scare me at all. And you haven't noticed. You haven't changed a bit. You changed a lot I barely recognized you. Hindi lang kita nakita these past years, sumusuot ka na ng dress. Knee-length pa. Nakalimutan mo na yata ang Pinky Promise natin, I guess?" tukso nito sa kanya.
"Of course!" taas-noong sagot niya. "Kaya tigilan mo ang ginagawa Drei, or else..."
"Or else what?"
Sa sobra niyang inis ay bigla siyang umalis sa Restroom at tumungo na sa Conference Hall kung saan gaganapin ang presentation. Hindi na siya uli lumingon kaya hindi niya nakita ang abot-tengang ngiti ni Drei habang nakamasid sa kanya. Pagbukas niya ng pinto'y nakita niyang kumpleto na ang lahat.
"Gentlemen, sorry for the wait. Here's the concept file." Dinistribute niya ito isa-isa sa mga personnels na kliyente niya.
"Should we start?" simula niya rito.
"Miss Park, can you wait a little longer? Our President is not yet here. He-" saka bumukas ang pinto at iniluwa si Drei.
"Anong gina-" hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang tumayo ang lahat ng personnels pati ang akala niyang "Big Boss" at binati si Drei. Napanganga siya sa sobrang shock. Si Kian Drei Alfonse pala ang kliyente niya!
BINABASA MO ANG
Aleckxe
Teen FictionSi Kian, na kilalang PLAYBOY at sikat na business bachelor, ay may nililihim palang first love story sa dati niyang bestfriend na tomboy na si Aleckxe (na nangakong hindi magiging babae kahit kelan). Sa pangakong binitawan nila na kapag naging babae...