Kabanata 7

1 0 0
                                    

Bumangon ako. School stuffs nanaman! Tamad akong nag ayos ng sarili. Pagkatapos ay bumaba na ako, ginugutom ako. Naghanda na si manang ng pagkain sa hapag para maka pasok na ako sa eskwela. Minsan lang kami magkasabay sabay magkakapatid, kumain. Pero ngayon, ako lang. Napabuntong hininga ako. Kelan kaya mabubuo ang pamilya sa hapag ?

Sumubo ako ng pagkain at napaisip kung bakit na 'seen ' lang ako ni Jax. Tatanungin ko nalang siguro siya mamaya.

" Ate! Aalis na ako. Babooosh!! " sabi ko kay ate na kakagising lang. Lagi iyan late sa school.

" Pinapaalis na kita. " aniya at humikab. Nasa kwarto pa siguro si kuya at natutulog, wala sigurong pasok.

Nang makarating na ako sa room ay wala pang masyadong tao. Break the record! Ang aga ko ngayon. Naisip kong libutin muna itong campus dahil hindi ko pa ito nalilibot ng buo.

Napaisip ako, wala akong boyfriend. Ano kayang feeling ? Madami na din akong naging crush pero alam ninyo iyong parang napadaan lang ? Wala pa din akong first kiss. Syempre sa taong mamahalin ko habang buhay ko iyon ibibigay. Aish! Bakit ko ba ito iniisip?

Ibinaling ko na lang iyong tingin ko sa laki ng campus namin. May mga couples din na naglilibot, karamihan ay college. Napagdesisyunan ko na bumalik na lang ng room, puro harutan iyong nakikita ko, e! Pagdating ko ay nakita ko si Steven na nakaupo. Hindi man lang ako tinignan. Siguro ay naiinis pa rin sa ginawa ko sa kanya.

Dire-diretso akong naglalakad papuntang silya ko, nang biglang akong nadapa.

" Aray." daing ko at inayos ang paldang tumaas ng kaunti. Tanga kasi ng upuan, e Paharang - harang! Napahiya tuloy ako.

" Careless." Busy ako sa pagtingin ng tuhod ko nang may biglang nagsalita. Nakasimangot akong tumunghay para tignan kung sino ito.

" Steven ?! " napatingin sakin iyong mga kaklase kong nasa room. Buti at kaunti pa lang kami ngayon. Puro boys na nerd lang ang nandito.

" What ? Tinutulungan na nga kita ayaw mo pa ? " aniya at lumebel sa akin. NAGTAGALOG? nagsimula ng magbulungan ang mga classmates ko. Pati ba naman mga lalaki naging chismoso na? Nahawaan siguro ng mga babae. Naglahad siya ng kamay at agad ko naman iyong kinuha. Mahigpit iyong pagkakahawak ko, baka gawin nanaman niya iyong ginawa niya sa panyo kong kukunin tapos bigla na lang bibitawan.

Buti nalang at walang sugat itong tuhod ko. Bumalik na kami sa upuan. Dumami na iyong mga tao sa loob ng room pero ni anino ni Jax ay wala akong nakita. Baka late? Nagsimula na ang klase at wala pa din siya. Baka absent ? Tumigil na ako sa paghahanap sa kanya at nakinig na lang.

************************************

Napahawak siya sa ulo niya. Hangover. Inabot niya ang cellphone niya para tignan kung anong oras. Mataas na ang sikat ng araw kaya malamang ay leyt na siya sa klase. 9:00 am. Bumangon siya at nag ayos ng sarili. Pagkatapos ay bumaba na siya at kumain. Susubo na sana siya ng biglang nagvibrate iyong cellphone niya. Inuna niya ang pagtingin sa screen niya kung sino iyong nagtext.

*Unknown *
' Uhmmm Hi ? :) '

Nagtaka siya kung sino iyon kaya wala siyang nagawa kundi replayan ito. Pagkatapos ay sumubo.

Jax:
' Hi. '

Nakakailang subo pa lang siya ay mabilis na nagreply ang ka text. Suri niya ay babae ito.

* Unknown *
'How are you ? :) '

Nagkibit balikat siya at nireplayan. Inabot niya ang tubig at uminom habang hawak ang cellphone.

Jax:
' I'm okay. Who r u, anyway ?'

Susubo na sana ulit siya ng mabilis nang muling nagreply ang ka text. Tamad niyang binasa ito.

* Unknown *
' Just find out '

Vero Pragma  [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon