Nagmulat ako at dahan-dahang ginalaw ang aking katawan. Napangiwi ako sa sakit.
Iginala ko ang tingin sa buong kwarto. Alam ko na agad kung nasaan ako.
Ospital.
Tinignan ko iyong taong nakaupo at nakapikit sa sofa.
" Steven. " sabi ko at napangiti ng bahagya. Thank God, he saved me. Panigurado ay matatagpuan ang maganda kong bangkay sa stock room!
" Lourhea! " aniya at mabilis na lumapit kahit kita sa mga mata ang pagod. Nagulat ako sa pagaalala niya. Hindi naman siya ganito.
" Sala--" hindi ko pa tapos ang aking sinasabi ay bigla niya akong pinutol. Bakit ba biglang dumaldal ang lalaking 'to ?
" Hush. Just rest. " pahayag niya at sinuklay ang aking buhok gamit ang mga daliri niya. Nagulat ako sa kanyang ginawa at panandaliang napatunganga. WTF?
Bahagya akong tumango at binaling ang tingin sa kabuuan ng katawan ko. Malinis. Sino nagbihis ?! Kinakabahan kong tanong sa aking sarili. What if...
Agad niya namang naintindihan ang ginawa kong pagsuri kaya agad niya itong sinagot.
" The nurse cleaned you. " aniya at nagiwas ng tingin. Kinuha niya iyong mono block at nilagay sa tabi ng kama ko para umupo. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nanatili na lang akong tahimik. Namamawis ang mga kamay kong nakatago sa ilalim ng kumot at bahagyang kinikiskis ang mga palad.
Tumingin ako sa ceiling at hindi mapakali. Alam na ba ito nina kuya at ate ? Shit. Paniguradong mapapatay ako ni kuya.
" Steven, alam na ba ng mga kapatid ko? " pahayag ko habang nakatitig sa kanya.
" Hindi pa." aniya at umiling. Nakatingin siya sa akin na walang emotion. Kanina lang ay parang grabe ang pag aalala niya tapos ngayon iba nanaman.
" Ha?! Paano ko sasabihin? Tulungan mo naman ako. Jusko po! Katapusan ko na! " Napaupo ako at bahagyang nanakit iyong likod ko. Natataranta kong kinuha iyong cellphone ko at bubuksan na sana ng biglang niyang hinablot ito.
" Tss. Just stay in my house. Don't tell them. 3 days kang hindi pwedeng pumasok." aniya at kinuha ang saging sa gilid niya at binigay sa akin, hindi ko ito tinanggap. Nanlalaki ang mga mata ko sa narinig.
" Ano ?! Hindi pwede! papasok ako! Ano nalang ang sasabihin ko kina kuya ? Ha? Tsaka, excuse me never akong matutulog sa kwarto mo! Ayoko! Malala---- " bigla niyang sinubo sa akin ang saging na binabalatan niya kanina habang nagsasalita ako. Mabilis kong nilunok iyon at ininom at isang basong tubig sa tabi ko.
" Shut up. Ako nang bahala. Who said that na sa kwarto ko ikaw matutulog ? Sa guest room ka." tamad niyang sabi at nakapalumbabang nakatingin sa akin gamit ang malalamig niyang mga mata. Nag iwas ako ng tingin at bumalik sa pagkakahiga. Napahiya ako dun ah. Lumunok ako ng maraming beses para kumalma. Shit. Bakit ba ang akward ?
" Ilang araw na akong tulog ? " feeling ko kasi parang na re charge ako pero masakit pa rin ang mga kalamnan ko.
" Two days straight." aniya at ibinaling ang tingin sa kanyang cellphone. What ? dalawang araw ?! Paano ? Teka, sina ate baka nag aalala na!
" Uwi mo na ako, Steven! " sabi ko na parang bata. May pasa ako sa mga braso pero kakaunti lang. Sa pisngi din. Mga walanghiyang babae! Tsaka iyong likod ko parang mababali, hindi ko maituwid ng ayos. Pahinga lang siguro ang katapat nito.
" Later. " aniya habang nakakunot noong nagtetext. Dinungaw ko iyon na parang bata na siyang nakakuha ng atensyon niya.
" Mind your own biz, Lourhea." aniya at tinitigan ako ng matalim. What did I do? Boring dito.
BINABASA MO ANG
Vero Pragma [ On-going ]
Teen FictionShe expends too much energy on " falling in love ", and wants to learn more how to " stand in love ".