Chapter 1: Meet the boys

34 2 1
                                    

Gav's Point of View

7:00pm sharp. Ipinark ko ang sasakyan sa harap ng Café by the Ruins, ipinagdrive ko ang bestfriend kong si Kurt sa isa sa mga date nya ngayong gabi. Nasa backseat naman ang barkada naming si Owen na nang aasar habang nag aayos sa may salamin si Kurt. Yup kaming dalawa ni Owen ang dakilang chaperon ni Kurt sa mga date nya, paano ba naman kami nalang yata ang nakakatagal at nakakaintindi sa pagiging playboy nya. Hindi ko na mabilang kung ilang babae ang idinate, pinainlove, pinaasa, pinaiyak at saka iiwanan nitong gagong ito.

"Hey how do I look?" Nakailang sulyap na sa salamin si Kurt. Ako naman napailing nalang sa tanong nya, I've heard that 10 times already kanina pang nagdridrive pa ako.

"Dude you know, I'm tired answering that f***ing question, you've asked it dozens of times already!" Binato ni Owen ng salamin si Kurt, natawa nalang ako sa sagot nya.

"Hey! Don't do that! You'll ruin my hair dude. " At sinuklay na naman ni Kurt ang buhok nya for the 3rd time.

"Gav, don't tell me you're just gonna give me that look . You're creepy you know. " bakit ba hindi masanay sanay si Kurt sa pagiging tahimik ko. We've known each other since we were kids and we've been friends since then. Sometimes I'd like to think that he has Alzheimer's Disease that's why he keeps on forgetting.

"Oo na, gwapo ka na, nakakainlove ka na, nakakalaglag ka na ng panty, saglit kukuha ako ng salbabida kasi kanina pa ako nalulunod sa nag uumapaw na kagwapuhan mo. Masaya ka na?" Panunukso ko naman sa lampas tao nyang self confidence. Gwapo naman talaga sya, mistiso, matangkad at mayaman. Sabi nga ng libo libong babaeng nabola nya, siya ang perfect boyfriend pero MAS GWAPO AKO, sabi ng mommy ko. Kiddin'! XD

" Are you gay dude?!hahaha You know that sounds sarcastic coming from you. " Tapos sinuntok nya ako sa braso. Aba aba! Hinahamon yata ako ng suntukan ng mokong na ito ah, kahit pa bestfriend ko sya e hindi ko sya uurungan LOL

" Pakiss nga!" at akma akong yayakap at hahalik sakanya hahaha! Sometimes I just really want to be quite but being with these two idiots, you can't really resist being quite, lalabas at lalabas ang kalokohan mo pag sila ang kasama mo.

"Okay man! Stop it, that's disgusting Gav." Inaawat na kami ni Owen, isa din itong lokong ito eh.

" You look like a jealous girlfriend dude, come here, let me kiss you too!" tapos hinila ko naman si Owen para bigyan ng nakakadiring halik hahaha!

"Get out of the car Gavin, You're so gay man hahaha!" si Owen habang pinupunasan ang pisngi nya na hinalikan ko.

" Maghahalikan nalang ba tayo dito o lalabas ka na Kurt para puntahan ang date mo??? I'm sure Bianca's already waiting inside dude. " Binaba ko ang bintana ng sasakyan at sumilip ako sa restaurant. Nakita ko si Bianca na naghihintay na doon, palinga linga sa bintana at sa cellphone niya.

"You know you should not let that hot chick waiting for another minute dude. " Sumilip din si Owen sa mga bintana ng sasakyan. Nakita nya sa Bianca na nakasuot ng manipis na black dress above the knee at nakatanaw ang cleavage nya, na sya naming gusting gusto nitong si Owen.

"Tigilan mo nga yang pagiging manyak mo Owen. " Binigyan ko nga ng karapat dapat na batok itong si Owen, isa rin itong Playboy e.

"Dude, you need to learn the art of being a perfect boyfriend. Habang pinaghihintay mo yong chick, lalong nasasabik yan sayo. That's what I'm doing right now." Pagmamalaki ni Kurt habang tinitignan din yong kadate nya sa bintana ng sasakyan.

15 minutes have passed and Biancas already calling.

"Babe I'm sorry, traffic kasi but I'm here na. I'll see you in a few, I missed you too." Natatawa namang ibinaba ni Kurt ang phone nya, hay anu bang nakakatuwa sa ginagawa nya? Pinaglalaruan lang nya si Bianca, and guess what? si Bianca lang naman ang number 3 nya.

"So paano una na ako sa loob, mag antay nalang kayo dito. Go eat somewhere. And by the way, I'll borrow your car dude, it's just for tonight. " May magagawa ba ako? Eh anlaki ng utang na loob ko sa taong ito. Paano ba naman kasing hindi icoconfiscate ni Tito Carl ang kotse nya e puro pagbubulakbol at pambababae ang ginagawa nya. Yeah he does this all the time, malamang maghohotel na naman ang mga ito pagkatapos ng date nila.

" You have to pay the rent, wala ng libre sa panahong ito. " Inilatag ko na ang kamay ko sa harap nya para humingi ng pera.

" You serious? Isa kang kurakot na nilalang! " Saka nya nilabas ang wallet nya at binigyan ako ng three thousand. Anu ba naman ang three thousand kay Kurt, malamang barya nalang nya ito.

Yeah unlike Kurt, hindi kami ganoon kayaman, my Mom just earns enough for our living and for my schooling and I don't want to burden her anymore kaya nagpapartime din ako sa modeling at freelance photographer para makatulong sa gastusin. Malaki rin ang naitulong samin ng pamilya nina Owen at Kurt, lalo na sina Kurt. Kapag short kasi ang budget ni Mommy lalo na sa tuition ko e pinapahiram ako nina Owen at Kurt and most of the time hindi na nila pinababayaran which I didn't agree by the way. Pinalaki rin kasi ako ni Mommy na wag maging garapal sa pera.

"Oh sya aalis na kami dude, call us if something unexpected happen hahaha!" saka nya ibinato ni Owen ang isang pack ng condom. "Proteksyon bago umaksyon hahaha!"


Kurt's POV

I was playing with my food the whole time na nasa date kami ni Bianca and she was just talking and talking and talking, I got tired listening. I stared at the window and sigh, mas masaya pa pag kasama ko ang mga mokong na yon. Nagpatuloy pa din sya sa pagkukwento and I just keep on smiling and nodding kasi wala akong naintindihan sa lahat ng sinabi nya, puro gimik, hangout with her friends and kakikayan lang naman ang kwenukwento nya.

"So how'd you think we go on an out of town to boracay babe? It will be perfect for our monthsary. Just the two of us. " Nagbeautiful eyes na naman sya, hinawakan ang kamay ko and gave me a flirty smile. Honestly, Bianca is my number 3. I can't go on an out of town trip with her, maghihinala si number 1, number 2 and number 4. Magkakabukingan na kung sakali. Yeah, they're all my flings, nothing serious. It's just plainly dating and sex.

I wouldn't end up with any of them anyway because my Dad got me in a fucking arrange marriage with the daughter of one of the biggest business tycoon in Asia. Kaya happy go lucky lang ako at sinusulit ang buhay single habang hindi pa nagiging impyerno ang buhay ko.

"I don't think I can do that Bianca. I'm busy and Dad's coming home this weekend. Some other time baby. " Matamlay lang akong tumingin sakanya at tipid na ngumiti. I'm getting tired playing with this girl. Ipinukol ko ulit ang atensyon ko sa labas ng bintana. I think I saw an angel, God she's beautiful. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang babaeng yon. Ang sarap nyang titigan na tumatawa. Rinig ko ang pintig ng puso ko and nagblur ang buong paligid, parang nafocus nalang sakanya. Hanggang umalis na sya sa kinauupuan nya at umalis kasama ang kaibigan nya. God, I need to get this girl.

"Babe, babe, babe!" Niyuyugyog na pala ako ni Bianca. "Did you hear me just now? What's wrong with you?!" nakahalukipkip na sya at naniningkit na ang mata nya. Napansin yata nya akong hindi na nakikinig at nakatuon sa labas ang atensyon. Kailangan kong habulin ang babaeng yon!

Nilabas ko ang wallet ko at nilapag ang pera sa lamesa. Akma na akong tatayo at aalis nang pigilan nya ako. " Where do you think you're going?! Are you just gonna leave me here?!"

"I'm going Bianca, and Yes, I'm done with you." Binawi ko ang kamay ko at dali daling tumakbo palabas, naglakad ako sa buong paligid ng restaurant pero wala na yong babae. Damn it!

My Bestfriend's Other Woman (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon