Chapter 2: This woman is my Destiny

33 2 0
                                    

Gav's POV

Kinaladkad na naman ako ni Owen sa Bar para daw magpalipas ng oras, sus ang sabihin nya para uminom at maghanap ng chicks. Hindi na natuto. Noong isang lingo binigwasan siya ni Marva, ang girlfriend nya dahil nahuli nya itong may katext na babae. Ayon putok ang labi nya, buti nga sa mokong na to.

"Oh Gav, nagpaalam ka na ba sa mommy mo na andito tayo sa Bar??? Nagpaalam ka bang iinom ka ng isang basong red wine???" Sabay humagikgik ang gago, wala na talagang ginawa kundi pagtripan ako. Oo only son ako ni mommy, pinakaiingat ingatan at pinakatatangi tangi ikanga, bawat lakad ko, anong oras ako uuwi, saan ako pupunta, sino mga kasama ko at kung ano at saan ako kumain ay laging tinatanong ni mommy. Minsan nakakasakal na din ginagawa nya, dise nuwebe na ako pero kung tratuhin ako parang kinder lang.

"OA? Oo nagpaalam na ako, sinabi ko may kasama akong demonyo." At tumawa na naman nga ang gago.

Pagkapasok namin sa bar, pumwesto na ako doon sa table na may katabing mga babae. Nagorder na din ng beer at pulutan si Owen, isama mo pa ang sandamukal na babaeng nagsasayawan sa pulutan ng hinayupak na to. Tumagay ako ng isang bote at nilingon sya, pusturang pustura sya habang busog na busog ang mata nya sa mga sumasayaw na babae.

Naupo lang ako doon, isinuot ang headset at tahimik na nanonood ng mga nagsasayawan at nag iinuman. This is not my thing, kung pupwede lang talaga e ayaw na ayaw kong pumupunta sa mga Clubs, Bars, Inuman at Mall. Ayoko sa matatao at maiingay na lugar. Pero napapasubo ako pag kasama ko yong dalawa dahil kung umiom ay parang walang bukas, saka lang titigil kapag gumagapang ng palabas ng Bar at ako ang dakilang tagabuhat at driver nila. Minsan nga eh naisip ko ng itapon nalang sila sa daan para mahimasmasan. XD

Tumayo si Owen at nilapitan yong Dj, mukhang kakilala yata nya. Mukhang seryoso ang pinag uusapan nila hanggang sa mapansin kong tumingin sa direksyon ko yong Dj, tumawa at tumango tango at nakita ko ding tinuturo ako ni Owen, ibinalik ang atensyon sa Dj at saka nakipagapir. Aba gagong Owen na ito ipapahamak na naman ako. >.<

Inalis ko ang headset ko at ang narinig ko nalang, "This song is for Mr. Single and Ready to Mingle Gavin, over there, who's looking for Miss Right. " At narinig ko nalang na nagplay yong kantang Shut Up and Dance with Me. Nang marinig ko yong inannounce ng Dj, naramdaman kong nakatingin na silang lahat sakin at nakita ko na yong mga babaeng tila nagpapacute at nagpapapansin sakin. This is one of the most embarrassing moment of my life. Take me Lord! Take Me!

Nagsimula ng tumugtog yong kanta.

Oh don't you dare look back
Just keep your eyes on me.
I said you're holding back,
She said shut up and dance with me!

Nakaupo lang ako doon, nagngingitngit sa inis. Siguro ay pulang pula ang mukha ko sa sobrang asar kay Owen na nakita kong tumatawa sa tabi ng DJ. Kung hindi lang kasalanan ang pumatay ng kaibigan e ililibing ko talaga sya ng buhay mamaya sa likod ng bahay namin. Titig na titig lang ako kay Owen hanggang nahagilap ko yong babaeng dumaan sa harap nya.

This woman is my destiny
She said oh oh oh
Shut up and dance with me!

At hindi ko na namalayang sinusundan ko na sya ng tingin. Dub dub, dub dub, dub dub. Ayon nalang ang narinig ko. Ano ba tong nakakabinging katahimikan na ito?! Yong linyang yon nalang ng kanta at yong pintig ng puso ko ang narinig ko. Sinundan ko ng tingin yong babae habang papunta sa table nila. Nakikipagtawanan siya sa mga kaibigan nya habang umiinom sya ng juice. Maputi sya, mahaba na may big curls ang buhok nya na bumagay sa ganda at tangkad nya at ang mga mata nya ay parang nawawala tuwing tatawa siya. Nakakabakla pero ang ganda nya!

"Hey Gav! Hey! " Niyuyugyog na pala ako ni Owen, at ang itsura ko? Mukhang tangang nakatitig doon sa babae at pinamamahayan nan g mga langaw ang nakaawang kong bunganga. Naramdaman kong pinunasan ni Owen ng panyo ang dulo ng labi ko. "Dude, baha na dito ng laway mo at puno na ng bangaw yang bibig mo!" Binato nya ako ng chicharon at tumawa na naman.

" Dammit! Why did you do that??? " Kinuwelyuhan ko sya sa sobrang asar ko at ng akmang susuntukin ko sya e biglang may lumapit na dalawang babae. Tinignan ko sila pataas pababa. And they gave me a flirty smile at saka kumaway.

"Hi boys, I'm Erica, and this is my friend Jean, we heard the Dj and we also want to mingle with you. " at saka kumindat yong dalawang babae, si Owen naman nakangiti at kumakaway din sa mga babaeng ito. Seriously?

"I'm sorry girls but my friend here just got out of a mental institution and he's not yet totally fine. He's just used to messing around with people. Yes I'm single but I'm not interested. Please look for other guys that are willing to flirt with you. " At hindi nga makapaniwala tong gagong Owen na to lalo na yong dalawang babae na napahiya sa sinabi ko. " and as for you my friend, you can throw all your jokes at me but don't ever try to set me up with any bitch. Sa susunod, ipapakain ko sayo tong bote ng alak. " saka ko ibinuhos sakanya ang laman ng alak at umalis papuntang CR.

Pabalik na ako ng table, kumalma na din ako pero hindi pa din nawawala yong inis ko. Habang papunta ako sa upuan, bigla nalang may bumangga sakin at naramdaman ko nalang ang malamig na likido na dumikit sa katawan ko. Fuck, ang malas ko nga naman!

"What the fuck, will you look at where you're going!!!" habang pinupunasan ko yong damit ko na naligo sa ice tea at nang angatin ko na ang tingin ko, mas lalo akong naniwala sa salitang malas, kasi yong babaeng nakabangga sakin ay yong magandang babaeng kanina ko pa tinitignan. Fuck talaga! Did I just curse at her?! Tangina Gavin!

"I'm sorry, hindi ko sinasadya kuya, natisod kasi ako doon sa upuan. I'm really sorry. " Ako naman nakatanga lang doon na nakatingin sakanya habang pinupunasan nya ng panyo nya ang damit ko.

"I got it. Next time be careful. And please don't call me kuya, I'm not your brother." Kinuha ko yong panyong pinampupunas nya ng damit ko. Pucha naman Gav, ano bang sinasabi mo! Ito na yon eh, kapag nasanay ka ng nagsusuplado at nagsusungit buong buhay mo, you end up ruining everything.

"It's a sign of respect mister! Ang again I'm sorry, It's not my intention to spill it on you. " Tumaas yong boses nya habang nakapamewang na humarap sakin. Shit ano ba naman kasi yong banat mo Gav, panira ka ng moment!

Lumapit na din si Owen ng mapansin nya nagkakagulo dun sa pwesto namin nung babae. "Dude, calm down. " Tapos humarap siya doon sa babae. "Miss I'm sorry sa sinabi ng friend ko, I just happen to ruin his mood that's why he's acting like this. " Oo gago ka! Kasalanan mo talaga lahat ng ito, humanda ka talaga sakin mamayang hayop ka!

" Next time din mister, wag ako ng pagbalingan mo ng lahat ng galit mo sa mundo. " and just like that, she stormed out of the Bar, nakita ko nalang na sinundan siya ng mga kasama nya palabas. Fuck, malas talaga! Andyan na Gavin e tapos pinagtabuyan mo pa. Malas talaga ako sa babae, hindi pa man ako nagkakagirlfriend e nabrokenhearted na agad ako. Bumalik ako sa upuan na nanlulumo.

Tumabi sakin si Owen, "Dude okay lang yan. " Tinignan ko sya ng masama at saka tinadyakan.

"Gago!"

"Ang lagkit ng tingin mo kanina doon sa chick ha. Type mo sya noh? Sa lahat ba naman ng babaeng sinungitan mo, sakanya ka lang hindi nakapalag hahaha!"

Oo, nang aasar na naman ang hinayupak na ito. Pinunasan ko ulit yong damit ko na naligo ng juice, piniga ko yong panyong basang basa at noong ipinagpag ko yong panyo, napansin kong may naka stitch na pangalan dito: DESTINY.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bestfriend's Other Woman (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon