Chapter 1
Frezka caraMagtatapos na ang summer next week kaya kailangan ko nang maprepare ang mga gamit ko, so bibilhin ko na ngayon ang mga kulang. Sasamahan pala ako ng friend ko na si Aika, bonding narin before matapos ang summer.
So ngayon napag-usapan namin na pupunta nalang sya dito ng mga 10:30am para diretso na kami sa mall
"Hoy Frezka Cara! Ba't ang tagal tagal mo ha?! Tulog ka pa ba ha?!" sigaw ng isang babaeng parang 'di alam ang salitang mahinahon.
"Opo gising na!" sagot ko sabay bukas ng pinto,"Eto naman, makasigaw e! Nasa kabilang syudad teh?"
"'Di naman, pero ba't ba ang tagal mo? Tara na nga, at nang mabili na natin ang mga kailangan natin!" aya nya.
Kaya nagpaalam na lang ako kay mommy, at umalis na kami.
Nang nasa mall na kami, habang naglalakad ay nagkkwentuhan narin kami tungkol sa bago naming papasukan na school.
"Beh, sa tingin mo, may gwapo kaya don?" tanong nya sakin. Ano ba naman 'to, ako pa tinanong.
"Aba malay ko! Ako pa tinanong mo e!" sarcastic kong sagot.
"Nagtatanong lang naman e! Malay mo naman kase meron diba?"
"Oo! Malay ko nga, tinanong mo pa kasi ako." sabi ko nalang.
"Pero pano kaya kung may magustuhan ka don?" tanong nya bigla,"Edi magustuhan na ang magugustuhan, tara na nga! Daldal mo rin e!"
Pagkatapos nun, itinuloy na namin ang paghahanap ng mga gamit na kailangan namin.
Nang matapos ang araw na 'yon, habang nakahiga na ako sa kama ay napaisip ako tungkol sa tanong ni Aika, paano nga kaya?