Chapter 3
Two months narin pala ang nakalipas magmula ng first day. Kaya medyo nacclose ko na yung mga kaklase ko.
About naman kay Chad? Well ayun ok lang naman sya. Kay Raika? Ayun puro tukso sakin kay Chad, buti nalang nga kapag tuwing malapit si Chad at tinutukso nya ako, hindi nalang pinapakelaman ni Chad.
Alis na nga tayo sa usapang yan. Kaloka!
Ngayon, nasa school ako at nagrereview para sa quiz namin para sa next subject. Pero eto namang si Chad ang nangungulit. Hay, nako! Absent nga si Raika pumalit naman si Chad! Hano daw yun??
"Huy! Kausapin mo naman ako!" maktol nya.
"Hi! O ayan, kinausap na kita ha? Pwede bang h'wag mo na kong istorbuhin?!" ang kulit naman kasi e, ang hirap pa naman ng subject na yun!
"Ah, ganun ba? Sorry. 'Di na kita guguluhin." nakatungong sabi nya at tumayo.
Pero nagiguilty ako sa ginawa kong pagsigaw sa kanya. Kasi naman kung mamaya pa sya nanggulo, baka kinausap ko pa sya.
Kaya bago pa sya makahakbang, hinila ko na yung palapulsuhan nya para 'di na sya matuloy sa pagalis.
"Sorry, nataasan kita ng boses. Halika na dito at magkwentuhan nalang tayo." sabi ko.
"Ah, hindi na. Ituloy mo nalang yung pagrereview mo." mahinang sabi nya.
"Halika ka na kasi! Tapos na naman kasi akong magreview kaya halika na!"
"Yun naman e! Lakas naman ng charms ko!" at proud pa sya ha?!
"Edi sige, go! Alis ka na! Charms pala ha?!" kainis!
"Hala, joke lang naman! Tara kwentuhan na tayo!" hay, fine!
At dun na kami nagsimulang magkwentuhan.
Ang dami na naming napagkwentuhan ng may bigla sya itanong sa akin na ikinagulat ko.
"Frez, may nagugustuhan ka na ba dito?"
Napatigil naman ako at napatahimik. Meron na nga ba? Ang daming tumatakbo sa isipan ko ngayon.
"Huy! Ba't tulala?"
At dun na ako napatingin sa kanya. Bakit kapag malapit sya, nawawala ako sa concentration ko? May gusto na ba ako sa kanya? Ano ba naman 'to??
"A-ah, wala. Wala akong gusto rito??" sagot ko ng parang hindi sigurado.
"Bakit patanong 'di ka sigurado? Uy! Umamin ka na, sino ang nagugustuhan mo?" hala baka makahalata 'to! Gagawa nalang ako ng palusot!
"Si Red!" ayan na! Napasigaw na ako, kinakabahan na kasi ako e!
"A-ah! Ganun ba? Sige, 'di ko nalang ipagsasabi. Your secret's safe with me." mahina nyang sabi. Ano namang problema nito?
"Huy! Ba't bigla kang tumahimik jan?" tanong ko.
"A-ah, wala! CR lang ako ha?" nakangiti nyang sabi. Pero halata kong may mali e.
"Ok kalang?"
"Oo, sige CR lang ako." at tumalikod na sya at umalis.
Pagkaalis ni Chad ay hindi pa sya bumabalik ay sinabihan na kami ng isang prof namin na pwede na kaming umuwi, tutal panghuling subject narin naman namin at absent pa yung prof dun kaya 'di rin natuloy yung quiz namin. Kaya umuwi nalang ako agad.
Gabi na, at napaisip ako kung bakit naging ganun yung aura ni Chad.
'Di ko na nga lang aalalahanin yun! Baka mali lang yung nasa isip ko.
Matutulog na nga lang ako.