Chapter 2
So this is it.
First day na first day, kaya kailangan presentable ang itsura ko. Aaaah! Nasan na ba si Raika? Tagal naman nun!
"Frez, nandito na ako tara na!" o, nandyan na pala sya. Whoo.. Ready na ko.
"Ok sige!"
Habang bumabyahe kami papunta sa school, nagkwentuhan nalang muna ulit kami. About saan? Sa kung ano-ano lang naman.
"O mga bababa sa SouthEast University!"
"Ay! Ayan na! Tara na, nandito na tayo, excited na 'ko!"
impit na sigaw ni Raika. O 'di sige, sya na ang excited."Oo na nga kita ko nga e, andito na nga e." at naglakad na kami papasok ng SEU.
Grabe talaga ang school na 'to, ang lawak. Ang sosyal pa ng mga building, sinisigaw ang pagkagara nito.
"Hoy beh, tulala ha?" kagulat naman 'to.
"Hindi naman, saan ba ang orientation?" tanong ko nalang.
"Sa B1 daw 3rd floor, tapat ng library."
Nang makarating kami dun, konti palang ang mga estudyante, kaya madali nalang kaming nakahanap ng seat namin. Syempre yung magkatabi kami.
Maya-maya, unti-unti nang nagsisidatingan ang mga estudyante kaya nag-ayos na kami. At nang kumpleto na lahat, nagsimula na ang orientation.
Nasabi sa orientation kung paano ang grading system nila dito, pati narin yung mga activities na magaganap for the whole school year, at pinakilala narin samin ang mga magiging classmates namin. Luckily, classmate ko si Raika so yun, saya ko.
Ngayon naman, papunta na kami sa room namin.
And also while walking, nakipagkilala narin ako sa mga classmates ko, so I know some of them already.
Pagkarating namin sa classroom, sakto rin ng pagdating yung adviser namin, and she introduced herself to us.
"Hi! I'm Ms. Cheryhl and I will be your adviser and teacher in science for the whole year. I'm 22 years old, and I already had a past experience in teaching so I'm used to the students' attitude already, but I expect you to be attentive during class, para there will be no problem. And there, you already know me so kayo naman ang magiintroduce ng sarili nyo. Starting from you! The girl infront," hala! Ako daw?,"Now to make your intro alive, let's play a game while you're introducing. The mechanics will be like bago ka magpakilala, you first need to state the names of the persons who finished introducing." edi kawawa pala yung nasa likod, buti nalang ako una hehe."So let's start!"
"Hi! My name is Frezka Cara, 18 years old. Nice to meet you all!" I smiled then sat down.
Habang naglalaro, may iba paring may nakalimutan, pero keri lang. Habang nanonood, tinitingnan ko narin ang mga faces ng mga classmates ko.
And a boy got my attention. Sakto pa pala na sya na ang magpapakilala.
Sinabi nya muna ang mga names.
"...My name is Chadrid Jonas, but you can call me Chad for short. 18 years old." ka-age ko pala sya. Gwapo nya ha. Moreno, matangkad, fit lang yung katawan nya..Uy, tumingin sya, he smiled at me so I smiled back."Hala nagdaydream tungkol kay Chad? Titig na titig a! Matunaw yan!" Daydream agad? Edi wow.,"Crush mo no? Sabagay, gwapo naman."
"Che! Bahala ka na kung anong gusto mong isipin jan, 'to eksaherada e! Kakakilala palang actually kakakita pa nga lang, crush na agad??" tong babaeng to talaga o!
Sumunod na ginawa namin ay nag-tour sa campus at naglibot-libot.
Nang madismiss na kami sa school, nagpasya muna kami ni Rai na magmall. Gala na naman, dito at doon. Ang nakakatawa nga kay Rai tuwing nasa mall kami, wala syang paki sa mga tao, kaya minsan may nababangga sya.
"Uy! Watch out!" sabi ng isang lalaki kaya napatingin kami sa kanya.
"Ay, ikaw pala yan Chad! Sorry!" sabi naman ni Rai. "Oo nga, sorry. Di kasi tumitingin sa dinadaanan nya tong si Rai e." dagdag ko sa kanya.
"No worries. By the way, friends ko, sila Matt, Kirt, and Marlo. Mga brad, sila Raika Myr at Frezka Cara." yieee.. Tanda nya name ko.
" Wow naman brad, chix mo?"
"Ikaw ha, share share din!"
"Brad, di ba sila yung classmates natin?" Oo nga! Sila yung mga kasama nya kanina! Kahiya naman.
"Oo nga no? Nasa iisang class nga lang pala tayo." wika ni Chad.
"So, where are you heading to? Baka nakakaabala na kami?" hala! Hindi kaya! Enjoy nga ako e!
"Ahm, hindi naman, pauwi narin kasi kami. Kaya, Bye! See you tomorrow!" saad ko nalang.
"Ah, ganun ba? Gusto nyo hatid na namin kayo?" tanong nya samin.
"Hindi na! Ano ka ba? Ok lang, sige bye!" nahihiyang sagot ko.
"Ok, bye! See you and nice bumping with you rin!" at naglakad na sila palayo.
At habang pauwi na kami ni Rai, bigla syang nagtanong,"Tayo ba talagang dalawa ang inaaya nyang ihatid? Coz it looks like that he was only pertaining to you."
"Hala ka! Grabe instincts mo, di naman yun totoo." kung ano-ano kasing pinagsasasabi e!
"Edi hindi."
Nang makarating kami sa bahay ko, nagpaalam na kami sa isa't isa at umuwi narin sya. Di naman malayao ang bahay nila, actually you just have to count 5 houses past mine ay bahay na nila. Share ko lang.
After I took a halfbath, and did my night routines, I jumped on my bed and thought about how my day went, and how Chad keeps crossing my mind.
Then later on, without me knowing it, I already fell asleep.
