'Nanay celia'
Lakad lang ako ng lakad hindi kona talaga alam kung saan ako dadalhin ng aking paa nilibot ko ang paningin ko sa aking paligid, maingay, may mga bahay, mga paslit na naglalaro, mga ginang na nagwawalis sa labas at may iba nagkakape sa harap ng bahay nila, para bang isa silang magpamilya dito at kahit na maingay sa paligid ay nababakas naman ang saya sakanilang mukha at mukhang sanay na sila sakanilang paligid.
"hija? May hinahanap kaba dito?" naputol ako sa pagiisip at napatingin sa isang ginang na naka duster at may hawak na walis tingting.
"a-ah san napo ba itong lugar nato?" magalang kong tanong sa ginang. Hindi ko alam kong saan na ako, sabi nong binibini na kaibigan nong impakta na jen ay nasa san florenzo daw ako? San florenzo paba ito?
"hija nasa san florenzo ka, nawawala kaba? Atsaka bakit nakapaa ka hija? Isa kaba sa mga batang kalye na nanlilimos hija? Gutom kaba? Tara pasok ka" hindi ko alam kung alin sa tanong ng ginang ang una kong sasagutin. At nasa san florenzo panga ako.
"a-ah-" hindi niya na ako pinatapos magsalita dahil nauna ito pumasok sa munting bahay niya kaya't sumunod nalang ako.
"halika upo kukuhanin kita ng pagkain at inumin sandali" wika niya at umalis siguro ay kukuha ng pagkain.
Umupo ako sa upuan na gawa sa kahoy at may lamesa sa tapat maliit lang ang lamesa nababagay lang sa upuan na inuupuan ko, nilibot ko ang aking tingin hindi medyo kalakihan ang bahay hindi rin medyo maliit, sakto lang at nakakahinga ka ng maluwag dahil wala medyong gamit, at may nakita akong tatlong pinto, siguro dyaan natutulog ang ginang sa isang pinto, hindi ko alam sa dalawa.
"ito hija kumain ka wag kang mahiya, at pagpasensyahan mo na ang ulam dahil yan lang kaya kung ipakain saiyo" may ngiting wika ng ginang.
Ramdam ko ang kaniyang kabaitan naway hindi ito mawala sa kalooban niya.
"maraming s-salamat po g-ginang" pagpapasalamat ko.
"aysus anong ginang tawagin mo nalang akong nanay celia yan ang tinatawag sa akin ng karamihan" natatawang saad ni nanay celia.
"nanay celia" ngiti kong bigkas.
"ikaw hija ano ang pangalan mo?" tanong ni nanay celia at umupo sa tapat ko.
"claraine po" magalang kong sabi. Iibahin ko ang aking pagpapakilala sa mundo ng mga tao sa mundo namin, katulad ng mundo nila at mundo namin na magkaiba kailangan ko ring mag iba.
"kay gandang ngalan claraine pangmayaman, pero mas gusto kong tawagin kang clara" puri nito sa pangalawa kong pangalan.
Clara?
"ah sige po nanay celia" ngiti kong sabi, at kumain na ayaw kong masayang ang ito na bigay ng mabuting isang tao.
Hindi ko akalain na mababait naman pala ang mga tao, napakalayo sa kwento ni ina. Siguro galit na galit na iyon at pinapahanap na ako non.
"taga saan kaba hija? Mukhang isa ka sa mga batang kalye at mukha rin namang hindi, dahil sa damit at mukha mong maganda at mukhang galing ka sa party ni Cinderella nawawala ang sandal mo" natatawang saad ni nanay celia.
"p-party? Cinderella?" takang tanong ko kay nanay celia, hindi ko alam ang sinasabi niya.
Ito bayong sinasabi saakin ni thyson na mahilig ang tao sa ibang lenggwahe at nangunguna doon ang ingles. May natutunan ako noon kay thyson sa salitang ingles dahil nagpaturo ako sa kanya at namangha nga ito dahil napakadali kodaw matutu at bigkasin ang salitang walang kahirap.
Nakapunta na si thyson sa mundo ng mga tao dati pero hindi niya sinabi kung anong naging buhay niya don, pero marami siyang alam tungkol sa mundo ng mga tao, kaya't may mga natutunan din ako sa kwento niya.
"oo party clara parang birthday ganon kung may ano mang pwedeng ececelebrate nila ay magpaparty, at ang cinderella isa yang kwento na sikat sa mga bata ngayon, hindi moba alam hija? wag kang mag alala hihiramin ko ang story book ng anak ng kapit bahay namin at ipapabasa ko sayo" wika ni nanay celia.
Birthday? Nakwento sakin ni thyson yan, may kaarawan daw ang mga tao kung sasapit ang araw ng pagpanganak sakanila.
"ahh ganon po ba, maraming salamat po, ako'y tapos napo, aalis napo ako maraming salamat po talaga sa pagkain nanay celia" sabi ko at tumayo dahil tapos na ako sa pagkain.
"may tirahan kaba clara? Pwede ko bang malaman san ka nakatira para mabisita naman kita kung paminsan at madalhan ng masasarap na pagkain galing kina ma'am zabrina" ngiting wika ni nanay celia, na para bang gusto nito makita palagi ang kalagayan ko.
"a-ah sa totoo po wala po akong tirahan dito at hindi ko ko po alam kong paano makabalik samin" wika ko sabay buntong hininga.
"ganon ba san pala yang sainyo at bakit dika makabalik? Masyado bang malayo? Mahal bang pamasahe clara? Iisipin ko talaga na taga japan ka, pero purong tagalog kanaman at may napapansin din ako sa mga malalalim mong pananagalog" natatawang niyang wika "pasensya na napaka daldal ko masyado, nakasanayan" paumanhin ni nanay celia.
Pero nararamdaman kong naawa ito sa akin, yan din ang una kong nakita sa mga mata niya kanina ng tignan niya ako.
"malayong malayo po" sabi ko.
"ganon ba, kung ganon dito ka muna saakin manirahan clara ako ang magaalaga saiyo, eh ako nalang naman mag isa sa bahay na ito dahil nasa abroad ang nagiisang kong anak at may pamilya na at sakto din may bakanteng kwarto diyan natutulog ang anak ko dati, kaya dito ka muna saakin habang magiisip muna tayo ng pampamasahe kung paano ba makabalik sainyo hahanapan natin ng paraan yan" parang hinaplos ang puso ko sa wika ni nanay celia para bang isang ina na handang gawin ang lahat para sa anak.
"ikinagagalak ko po iyan, maraming salamat po nanay celia" masaya kong pagpapasalamat kay nanay celia at niyakap ito.
Sobra ang saya ko ngayon dahil may matutuluyan ako pansamantala habang patuloy hahanapin ang lagusan na iyon kaya't walang pagalinlangan kong tatanggapin ang sinabi ni nanay celia, kesa naman kasi palakad lakad ako at mawawalan ako ng enerhiya sa pagod. Huwag kang magalala nanay celia sa oras na mahanap ko ang lagusan ay susuklian ko ang iyong kabutihan.
-ursecretauthorr

YOU ARE READING
Her Beautiful Wings
RomanceHer Beautiful Wings She accidentally enter in humans world. She didn't know that accidentally intering in humans world is will goin to change her life. When first she want to go back to the world that full of magic that where she grew up. But when s...