PROLOGUE

4 0 0
                                    

'Simula'

"u-uh, mga ateng b-binibini, maari b-bang mag t-tanong" utal utal kong tanong sa dalawang babae dahil sa kaba at takot dahil kahit ni isa sa mga nakikita at nakakasalubong ko ay wala akong kilala at hindi ko alam kung nasaan ako.

Kanina pa ako patingin tingin at palakad lakad sa lugar na ito na nakapaa lamang at hindi ko alam kung saan na ako dinala ng aking mga paa. At hanggang ngayon hindi ko parin alam kung bakit ako napunta sa lugar na ito.

"nagtanong kana teh" wika ng babaeng maiksi ang buhok at akoy tinaasan nito ng isang kilay, sinuway naman sya nung babaeng mestiza at may mahabang buhok, dahil siguro sa sinagot niya sa akin, pero isinawaang bahala ko iyon dahil hindi kona alam ang aking gagawin at naiisip dahil sa kaba, takot, at kuryosidad, kung bakit ako nandito.

"a-ah itatanong ko po s-sana kung a-anong lugar ito?" magalang kong tanong.

"seriously??" mapakla akong tinawanan nung babaeng maiksi ang buhok "hindi mo alam ang lugar na ito? Bakit pumupunta punta kapa dito kung hindi mo naman pala alam" mataray nito wika saakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa "ops badjao kapala siguro galing kapa sa bukid nyo hays" inirapan ako nito at tumawa na para bang kakatawa ang itsura ko.

"jen umayos ka naman, walang badjao na ganyan kaganda ang dress, ah miss andito ka san florenzo" sagot nung babaeng mestiza sa tanong ko, at sinuway ang kaniyang kaibigan na nagngangalang jen.

"malay natin baka ninakaw niya yan" sabi nung jen sabay irap nanaman.

Parang nawala bigla yung takot at kaba ko at napalitan iyon ng inis dahil sa babaeng nagngangalan na jen, sabihin ko lang ginagamit ko lang kabaitan ko sa mga mababait na nilalang, ginagamit ko lang ang kasamaan ko sa masasamang nilalang.

"una sa lahat binibining jen magtatanong ba ako kung alam ko ang lugar na ito, pangalawa hindi ko alam kung ano iyang sinasabi mong badjao, at pangatlo ilugar mo yang kamaladitahan mo, hindi ko nagugustuhan ang tabil ng iyong dila" mataray ko ring wika sa babaeng maiksi ang buhok atsaka umalis na sa harapan nila at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad baka kasi kung ano pa ang maggawa ko sakanya.

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa mahanap ko ang lagusan naiyon.

*Flashback*

"thyson bakit dito mo naman naisipan na maglaro?" tanong ko sa kaibigan kong tigre na mahilig maglaro at pinagbibigyan kona lamang.

"wala lang maganda kaya dito, kaya tara laro tayo tagutaguan fairy princess" salita niya, oo nakakapagsalita sya dahil lahat ng hayop dito sa mundo namin nakakapagsalita.

Oo fairy princess, isa akong diwatang princessa at hindi lang ako nagiisa marami kaming iba't ibang nilalang dito sa fariesplecioland. Iyang ang pangalan ng aming mundong ginagalawan.

"taya ka, kaya't sisimulan kona ang pagtatago, wag mo din gamitin yang kapangyarihan mo zarina, wag madaya" litanya niya pa bago tumakbo para makapag tago.

Andito kami sa gitna ng gubat. Hindi ko mawari saaking kaibigan na tigre kung bakit dito niya pa naisip na makipag taguan ay sa malamang mahihirapan akong hanapin siya magaling kaya sya magtago sa mga kagubatan, ayos lang sana kung pwede gamitin yung kapangyarihan ko.

Sinimulan ki nalang maghanap, tinahak ko ang kaliwang daanan kasi dun siya nagtungo nung tumakbo siya.

"hoy thyson asan kanaba!" sigaw ko baka kasi pinagtitripan ako non, kunwaru tagutaguan pero umuwi napala siya kanyang lungga.

Ilang minuto na ang nakalipas ang naghahanap parin ako tigre na iyon, kunting tuus nalang gagamitin kona talaga ang aking kakayahan na makita ang nangyari.

Naglakad pa ako ng naglakad hanggang sa... Maabot na ako dito pinaka dulo na ng gubat.

"hay nako thyson inuuto mo nanaman ako!" yamit kung sigaw.

Dahil sa pagkayamot ay sinipa ko yung semento ng dulo nitong gubat na natatabunan na ng mga halaman.

"nakakayamo-" napahinto ako ng maramdaman kong parang wala aking nasipa or naramdaman na semento, kaya't hinawi ko yung mga halaman at dun ko nakita.

"isang lagusan?" tulala kong wika.

Ipinasok ko ang isa kong kamay at lumapos ito, kinuha ko ulit ang kamay ko pinakiramdaman ito pero wala naman akong nararamadamang masakit, kaya't pinasok ko ulit ang kamay ko, dalawang kanay na ang pinasok ko, tinignan ko ito ng mabuti dahil sa kuryosidad pumasok na ako ng buo.

"ahhh aray" sigaw ko kasi sumasakit ang ulo ko at nihihilo ako at para akong itinulak sa bangin ngayon, nagsisi ako akala ko kung ano lang at hindi ako masasaktan masasaktan pala ako.

"ARAY!" bigla nalang aking nadapa at tinignan ko yung likod ko, untung unting nawawala yung lagusan.

"h-hoy! Teka!" hindi kona naabutan. Napapadyak nalang ako sa inis.

Teka..

Semento?

Hindi na mga damo ang naapakan ng mga paa ko ngayon?

Tinignan ko ang mga paan ko na may medyo gasgas dahil sapag kadapa kanina, at semento nga ang aking naapakan.

Ginamit koba ang aking kakayahan sa paglaho? Mukhang hindi naman ah?

At inangat ko ang aking ulo

At dun ko nakita ang isang lugar na kahit kailan hindi pamilyar saakin

"s-saan ako?" tanong ko sa hangin, at tinignan ang boyng paligid.

May mga naglalakad na mga uri na nilalang na hindi ko alam.

Nagtatawanan

Naguusapan

Naglalakad

Ramdam kong hindi ko sila kauri.

At may naalala ako noon sa kwento ni thyson saakin.

"m-mga tao" tulala kong sabi.
"mundo nila" dagdag ko at tulala padin sa paligid ngayon nakakaramdam ako ng kaba at takot, kasi dito sa mundo nila ay wala akong kakilala kahit isa at hindi ko alam kong saan ako tutungo at anong lugar ito.

"bathala gabayan niyo sana ako pabalik sa aking mundo" tawag ko sa dyos namin.

*end of flashback*

A/N: ito na mga beh final na talaga ito hahaha sana magustuhan niyo ang aking nilikhang kwento. Wag mag alala sisikapin kong matapos ito, babush.

Her Beautiful WingsWhere stories live. Discover now