dalawa

14 0 0
                                    

"Oh tita, ano pong meron?" tanong ko kay tita dahil bigla niyang pinihit ang sasakyan pabalik. Hindi mapakali ang mukhang kanyang pinapakita. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito pero alam kong hindi ito maganda.

"Josh is here." Josh?

"Josh who?" Tanong ko.

"Your brother."

"Talaga tita?!" Umuwi si kuya? "Oo." Diretso niyang sagot pero yung mukha niya ay ganon pa rin.

Si kuya Josh ay ang panganay kong kapatid. Wala akong maalala sa kabataan ko pero ang alam ko noong 3 years old ako ay pinadala siya sa America para raw mag-aral ng mabuti. 10 years old siya noon. Di ko lang alam kung bakit kailangang gawin nila mommy 'yun. May nakikita naman akong mga medals sa dati niyang kwarto kaya di naman siguro siya nagpabaya sa pag-aaral.

Sa haba ng panahong di ko man lang siya nakausap nawala na sa isip ko na may kapatid pa kami na nasa abroad.

Tumawa si tita Me kaya nagulat ako. Baliw ata talaga 'to.

"Tatakutin sana kita kaso mukhang di ka naman kinabahan. Pupunta tayo ng airport para sunduin ang kuya mo. Tumawag ang daddy mo. Pagkatapos sa airport ay didiretso tayo sa Acacia Hotel doon daw kayo magdidinner." Masyadong defensive.

Mahigit isang oras din ang biyahe papunta sa airport ng NAIA. Medyo malayo kasi ang lugar naming sa Manila dagdagan pa ng traffic. Diniretso ni tita ang kanyang sasakyan sa arrival area ng airport. For sure daw ay nandoon na raw siya.

Nakalimutan ko na ang itsura niya. May onti akong naalala tungkol sa kanya. 'Yung pagdayo ko sa kwarto niya para tumabi sa kanya sa pagtulog, 'yung lagi kong pagrequest sa kanya na kantahan niya ako, 'yung ganoong maliit na memories lang. At saka ang nunal niya sa ilong.

Huminto ang sasakyan at lumabas si tita para kinausap 'yung guard. Pagkatapos ay naglakad siya palayo.

Susundan ko sana si tita kaso nakalayo na ata siya dahil hindi ko na siya natatanaw. Kaya naman ay nanatili akong nakaupo sa loob ng sasakyan. Buti na lang ay iniwan lang ni tita ang sasakyang nakabukas ang makina. Binuksan ko ang radyo at naghanap ng station na may magandang music. Nakailang kanta na ang lumipas pero di pa rin bumabalik si tita. 15 minutes na ang nakalipas. Akala ko ba nandito ay nandito na siya?

Nag-antay pa ako ng ilang minuto pero nababagot na talaga ako. Sa harap ng sasakyan ay may isang babaeng may edad na ang nakatayo parang may inaantay. Maya maya'y may sumalubong sa kanyang isang lalaking nasa middle age. Niyakap niya yung matanda at kita ko ang mga luhang bumubuhos sa mukha nung matanda. Mukhang sobrang saya nila. Siguro ang tagal na nilang di nagkikita. Ako kaya? Anong gagawin ko pag nakita ko si kuya? Sa 11 na taon na wala siya ay parang hindi ko naman maalalang nagsenti ako ng sobra sa pag-alis niya.

Pinatay ko ang makina ng sasakyan at hinugot ang susi. Masyado nang nagtatagal si tita, hahanapin ko na lang siya. Lumabas ako at pinatunog ang sasakyan para malock ito. Chineck ko ang pinto kung nakalock na ba talaga. Parang yung ginagawa ni mommy. Pagkaharap ko ay nakita ko si tita Me na may kasamang matangkad na lalaking sa likod nito ay may isa pang lalaking nagtutulak nung cart.

"Where are you going miss? And what did you do on her car?" Malalim ang boses niya at may matigas na accent. Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Tinignan ko si tita para humingi ng saklolo pero isang malaking ngiti lang ang binigay niya sa akin. What?!

"Oh my gosh! Sino ka?! Bakit nasa iyo ang susi ng sasakyan ko?! Marco! Kunin mo yung susi!" What the heck?!

Agad na hinablot nung lalaki yung susi sa kamay ko at hinawakan ng mahigpit ang pulsuhan ko. Natakot ako bigla. Sino 'tong Marco na 'to? Sinubukan kong kumawala sa hawak nung lalaki.

Where Permanent IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon