CHAPTER TWO

181 4 2
                                    


"Saan ka na naman nanggaling?" dumagundong ang malakas na tinig ng ama ni Aki na si Yoshiro Furukawa ng makita siya nitong pumapanhik paakyat sa matarik na hagdan ng mansiyon. Naniningkit ang mga mata sa galit na humarang ito sa daraanan niya.

"Sa bahay ng kaibigan ko," walang ganang sagot niya. Ang plano niya ay iwasan ito pero muli lang itong humarang kaya napilitan na siyang mag angat ng tingin. "Daddy please? pagod ako," malamig na saad niya.

Narinig niya ang malakas na pagmumura nito pero hindi siya natinag. Kailanman ay hindi siya nagkaroon ng takot sa tuwing nagagalit ito sa kaniya.

"Bakit may pasa ka na naman sa mukha? Nakipagbasag ulo ka na naman ba?" sigaw nito. "Wala ito," matipid na sagot niya.

"Anong nangyayari dito?nag aaway na naman ba kayong mag ama?" nag aalalang bungad ng asawa nito sa kanila.

"Pagsabihan mo nga 'yang anak mo," bulyaw ng daddy niya at saka galit na bumaba na ng hagdan.

"Anak, ikaw naman kasi—"

"Don't start..you're not my mom kaya wala kang karapatang tawagin ako ng ganiyan. Excuse me," saglit na tinapunan lamang niya ng tingin ang madrasta bago kumilos na at pumanhik sa itaas kung saan naroon ang silid niya.

Pagpasok niya sa silid ay kaagad na inihagis niya ang bag sa computer table at pagod na sumalampak ng higa sa kama. Sinulyapan niya ang alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Alas siyete na pala ng umaga siya nakauwi kaya galit na galit na naman sa kaniya ang ama.

Kungsabagay, kailanman ba ito hindi nagalit sa kaniya? kailan ba siya nito kinausap ng hindi ito sumisigaw?

Nagsisikip ang dibdib na dinampot niya mula sa bedside table ang alarm clock. Tulalang pinagmasdan niya ang bawat pagtakbo ng mga kamay ng orasan. Nang sumapit ang oras na alas siyete y medya ay hindi niya mapigilan ang pagpatak ng masaganang luha mula sa mga mata niya. Nangangalit ang mga ngipin na inalis niya ang baterya ng orasan para hindi na iyon muling umandar pa.

May kinalaman ang oras na iyon kung bakit naging magulo ang buhay niya. Kung bakit halos sirain niya ang sarili niya. Pitong taon na ang nakakaraan ng aksidenteng mahulog ang mommy niya sa hagdan habang pinipigilan nito ang daddy niya sa pag alis.

Papasok na dapat siya noon sa school pero narinig niya ang matinding pag aaway ng mga magulang niya. Natuklasan ng mommy niya ang tungkol sa pambababae ng daddy niya kaya nagtalo ang mga ito. Sa huli ay mas pinili ng daddy niya na umalis ng bahay pero umiiyak na pinigilan naman ito ng mommy niya. Nahulog sa hagdan ang ina pagkatapos itong aksidenteng maitulak ng asawa at kaagad na nawalan ng buhay.

Tatlong buwan pagkamatay ng mommy niya ay ibinenta ng daddy niya ang dati nilang bahay at kaagad na lumipat sila sa mas malaking mansiyon kasama ang babaeng kinakasama nito.

Dahil sa mga nangyari ay nag umpisa siyang baguhin ang sarili niya. Mula sa pagiging mabuting anak at honor student ay naging delingkwente at pasaway siya sa bahay at sa school. Walang araw na hindi tumawag ang teacher o guidance office sa bahay nila para lang isumbong sa daddy niya ang mga kalokohan niya. Padapang humiga siya at walang sawang tinitigan ang orasan.

Kung napigilan siguro niya ang pag aaway ng mga magulang noon ay hindi naaksidente ang mommy niya. Kung may kapangyarihan lang sana siya na ibalik ang oras at itama ang lahat ng nangyari ay ginawa na niya.

Naramdaman niya mula sa bulsa ng pantalon ang pagvibrate ng cellphone niya. Inaantok na kinuha niya ang cellphone at binasa ang text message na natanggap niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE STAR FALLING FROM THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon