Walang laro = Walang buhay

29 1 0
                                    

Iniisip na ni kuya ang kanyang plano para sa kolehiyo (Kung napansin niyo sa nakaraan na kabanata). Gusto niya na siguro ung commerce, secretarial and accounting, Medical o Law.

Buti hindi na tungkol sa mga dalawang babae yun.

Siguro pwede ko nang gawin ang plano kong napakadelikado.

Ang gagawin ko ay papahiyain ko sa mga maraming tao si Lily. Kailangan ko ng mga proofs na isa siyang maldita o pabebe! Ang una kong gagawin ay iinterbyew ko ang mga naging kaklase except of course si mr VIP. Tapos si Rayne naman ay magkakabit ng mga hidden Camera.

Pero kailangan dapat na di pupunta sa daan si Miki kundi pati siya malampaso ko. Naglalampaso ba ako?

Habang naglalakad ako, si Miki ay di mapakali na di niya alam ang kukunin sa kolehiyo.

Tapos nagpakita si Rayne.

"Lucy!" Sigaw niya. "Kamusta ang weekend mo?"

Nang nasa tabi niya na ako, ngumiti siya.

"Okay naman ako." Sagot ko sa kanya.

"Sino siya, Lucy?!" Sigaw ni kuya.

"Uhm..."

Oo nga pala, di pa kilala ni kuya si Rayne. Pero wala rin naman siyang sister-complex para pagalitan niya ako.

"Uhm, siya si Rayne." Sagot ko. "Kaklase ko siya di boyfriend."

"Sigurado ka ba? Kung nasaktan mo si Lucy, dederetso ka sa torture room."

Torture room?! Ano ka?! Christian Gray?! Mag isip ka ng ibang Gray na ung first name ay nagsisimula sa D para maging D. Gray (tas lagyan mo ng man). Kung ayaw mo, kunin mo na si Gray Fullbuster.

(Lomi like you do... Lo-lo-lomi like you do...)

"Kailan ka ba nagkaroon ng torture room." Tanong ko sa kuya ko.

"Joke ko lang iyon." Sagot niya. "More like panakot ko."

"Talaga siya ung kuya mo." Sabi ni Rayne. "Protective siya. Siya rin ata ung kuya mo na nakulong sa mental hospital."

"Rayne!!" Sigaw ko pagalit. "Huwag!"

"Rayne, isang first year." Sabi ni kuya. "Kung di ako nagkakamali, ikaw ung nababaliw o ung sira ulo."

"Ayaw ko na yan maalala." Sabi ni Rayne.

"Rayne, ayaw ko rin maalala ang nangyari sa akin." Sabi ni kuya. "Mas lalo na sa mga ginawa ko bago ako nakulong."

"Mag kaparehas lang tayo."

"Pero di ka nakulong."

"Guys, tama na!" Tinigilan ko silang dalawa. "Rayne, mag gamot ka. Kuya, may Diary ng panget na available sa 7-eleven."

"Diary ng panget... seryoso ka?" sarcasm ni kuya. "Kuroko no basket figurines ang gusto kong bilhin."

"May sinabi ba akong gusto mo? Pinapabili ko yun."

"Ung pera?" Wow, nahulog siguro ung kuya ko sa canal. Ayaw niyang bumili ng ganun kahit pinapabili ko lang.

Kinuha ko ung pambili at binigay ko sa kanya.

"Niloloko lang kita para isipin mo na nahulog ako sa joke mo." Biglang sabi ni kuya. "Pero dahil binibigay mo ung pera, thank you na lang."

Bago niya kinuha ung pera, nilayo ko sa kanya at nilagay ko to sa wallet ko.

"Seryoso ba kayo na magkapatid kayo?" Tanong ni Rayne. "Di kayo magkamukha. Di pa kayo magkasundo."

"Mukha ba kaming Hitachiin twins?" Tanong namin ng sabay ni Kuya.

My anime great adventure: Di ako magpapataloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon