CHAPEL(TRUE STORY)

3.1K 54 43
                                    

Uulitin ko po lahat po ng nakasulat dito is true story o totoong nangyari. Dun po ito sa chapel sa may amin. Nagchochoir po kase ako kaya lagi po kaming nasa chapel. Tas eto bale ikwekwento ko yung kung panu nagsimula na mapag usapan ung mga ghost stories dun sa chapel na un. Sobrang daming kwento e dati halos hindi ako makatulog kakaisip. 

----

Halos araw araw kaming nagprapractice sa choir kasi malapit na yung fiesta samin. Halos araw araw gabi na kami umuuwi kasi nagkwekwentuhan pa kame.

Isang gabi 4 nalang kaming natira kasi ayaw pa namin umuwi nun. tapos ung ilaw na bukas ay ung may nasa sancristy na lang. Madalim na dun sa inuupuan namin kasi nasa may pinakadulo na kame ng mga upuan malapit sa may labasan. 

Nagkwekwentuhan lang kame ng kung ano ano tapos ginagawa namin ng essay ung isa naming kachoir. Hindi talaga kame aalis dun hanggat hindi namin natatapos un. 

 Yung pwesto namin parang magkakaharap kami. Sa may labasan ako nakaharap nun. Tapos ung dalawa naming kasama dun sa may altar sa may sancristy nakaharap. 

Habang naguusap kami napatingin ako sa may gilid ko tas parang may nahagip ung mata ko na babaeng mahaba ang buhok na nakayuko. Yung parang may pinupulot. Malayo layo sa pwesto namin. Pero hindi ko pinansin. Baka guni guni ko lang.

Tapos merong mga pusa ang iingay. Alam nyo yung parang nagagalit na ewan na sound ng pusa.Ganun. Pero hindi parin namin pinansin.

Tas bigla nalang sinabi ng nagpapagawa ng essay na umuwi nalang daw kami kasi daw may kakaiba syang pakiramdam. Lumabas sila ng chapel. Naiwan kame ng isa ko pang kasama kase nga gusto talaga namin tapusin ung ginagawa namin. 

Syempre kinabahan na din ako kasi nga dun sa nakita ko tas parang may nararamdaman na din ako. Pinipilit ko nalang hindi matakot pero hindi nako nakatagal. Lumabas na kami ng chapel.

Tas nandun ung dalawa pa naming kasama. Edi syempre Kinausap namin sila kung bakit sila natatakot. Nung una ayaw pa sabihin.

Yun nga daw habang daw nakatingin sya sa may altar may nakita syang batang lalaki. Nakaupo dun sa upuan ng mga lector. Syempre kinabahan na kame. Lalo na nung sinabi nya na meron din daw na babaeng nakaputi na mahaba ung buhok. Eh un din ung nakita ko.

Tapos hindi pa yun. Yung isa kong kasama na naiwan sa loob sabi nya sanay na daw sya sa ganon. Dati daw talaga hindi nya makakalimutan. Haloween daw nun nung nasa chapel sila. Tapos naguusap usap sila. tas nagpunta sya dun sa malapit sa may burulan ng patay tapos may nakita syang batang lalaking nakabarong duguan yung mukha. Pati din daw yung babae na mahaba yung buhok merun din daw sya nakitang ganun dati.

Nagulat naman yung nakakita dun sa may altar. Kase ganung ganun din yung nakita nya. Batang lalaking nakabarong din pero nakatalikod. 

Kinwento namin dun sa nagbabantay ng chapel. Sabi nya may ganun daw talaga dun. Pero ang sabi nya hindi daw magpapakita yung duguan na bata sa sto. nino.

--

Tas ayun nagkawentuhan na ng nakakatakot. Minsan daw may sumasabay na kumanta samin pag nagchochoir kame. Dun kase kami kumakanta malapit sa may burulan. Tapos kadalasan daw merong babae na nakatayo lang dun sa likod ng nagpiapiano. 

Dati rin kasi choir ako sa school tas minsan dun kame kumakanta sa chapel na yun sabi ng kachoir ko dati sa school na nakita din nya yung babaeng nakatayo sa likod ng nagpiapiano.

Hindi nalang namin pinapansin kase paglalo mo silang pinapansin lalo silang magpapakita.

--

Marami pang ibang kwento pero ito na muna. Sa totoo lang kinikilabutan ako habang sinusulat ko to.Ung cover po ng story na to e ung mismong chapel sa story. Sorry po sa typo kung merun man. unedited po kse yan. Sorry din kung medyo magulo. 

Click nyo po yung external link kung gusto nyo po mabasa yung 2nd paranormal TRUE STORY ko. Salamat po. :)

CHAPEL(TRUE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon