Chapter One (Basta.)

24 1 0
                                    

Hindi madaling magsulat ng kwento. Minsan nga, kahit sayo mismo nangyari, hirap ka paring iexplain kung ano man yon. Sa ganyang moment sumisingit ang salitang "basta".

Parang pinipiga yung ulo mo. Yung ang dami mong gustong isulat pero hindi mo alam kung pano sisimulan. Yung ang dami dami mong gustong sabihin pero ang bagal bagal ng kamay mo. Nag uunahan ang bawat salita na maisuka ng ballpen na walang kamalay malay sa kung anong nasa isip mo. Basta.

Minsan nakakainis na nga e. Kasi ang dami dami mong naiiisip pero hindi mo kayang maexplain. Yung kulang nalang, ikonek mo yung utak mo sa iba para magets nila agad. Basta.

Ako nga pala si Trisha May Dela Cruz. 20. College student. Graduating. Sana. Hilig ko na talaga magsulat. Pero hindi sulat na kagaya ng iba na nababasa na ng mas maraming tao. Simple lang. Simpleng ilang sentences at paragraphs lang. Sa internet ang mundo ko sa pagsusulat. Yung tipong kung ano lang ang maisip. Sa totoong buhay naman, hilig ko din na magpinta. Actually, yun naman talaga ang hilig ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako napa-payag nila Mommy na mag enroll ng Accountancy. Pero at least diba, nakaya ko. (^___^)v

Katulad ngayon, imbes na mag-aral ako para sa exam namin next week, eto ako, nagpe-paint sa isang maliit na canvass. Actually, papel lang to.

Galit kasi ako. Galit na galit ako. At wala akong ibang mapagbubuhusan ng sama ng loob kundi ito.

We were perfect. Mala-Carmina and Zoren (minus Mavy and Cassey). Hindi mo aakalain na magkakaproblema. Kami yung couple na kaiinggitan ng iba. Physically, mentally, and emotionally perfect. Simula sa barkada hanggang sa pamilya, walang tutol. Okay kami. Okay na okay kami. Walang problema, kung walang magloloko. Everything's good, nothing bad. Everything's right, nothing wrong. Everything's true, no lies.

Yun pala, akala ko lang.

Sabi nga sa kanta, "everything is never as it seems". Yan kase. May pa-everything everything pa ko.Ngayon tuloy, I feel like I lost everything. I lost him. I lost inspirations. I'm lost with my friends' and family's expectations. I lost myself. Ang hirap pala.

*When you're with someone, you just can't help but think that he's the one. That you'll end up together.

**But sometimes, people are meant to fall in love with each other, but not to end up together.

Ganito pala kapag nasasaktan. Ganito pala kapag nagmahal ng sobra. Kaya pala sabi nila wag muna magmahal ng todo todo. E teka, nakokontrol ba yun?

Dati, oo naniniwala ako na nakokontrol o natuturuan ang puso. Totoo naman diba? Kapag sinanay mo yung sarili mo na lagi mong kasama yung isang tao, kahit na gaano mo pa ka-ayaw sakanya e pag tumagal, mapapalapit din sya sayo kahit na away kayo ng away. Nagkakaron parin ng connection deep inside. Diba? Di lang natin tanggap pero oo. Oo. Oo. Oo.

Sabagay, bata pa naman ako. Pero ang sakit, walang pinipiling edad. Eh masakit eh. Wala akong magawa kundi palipasin to. Yun talaga yung pinaka-powerful eh. Oras. Time can control everything, but we cannot control it.

Merong "noon" at "ngayon". Pero meron ding time between the two. All we need is to appreciate it. Hindi lang puro simula. Hindi lang puro wakas.

Hindi naman kasi lahat nang gusto mong mangyari e mangyayari sayo agad. Hindi yan nirerequest basta basta nalang ke Lord tas instant andyan na agad paglabas mo ng simbahan. Naniniwala ako na lahat ng bagay, ine-earn. And it isn't about what you earned. More often, it is about how you earned something. 

Parang kami ng best friend ko. Hindi ko alam kung pano kami nagsimula as best friends. Basta ang alam ko, magkaibigan na kami. Ah ewan. Napapaisip nga naman ako pano kami nyan naging close. Basta dati alam ko nerd yan. Buti nga nagbago. Pero ang cute nya noon. Crush ko sya noon. Ngayon, gusto ko sya. Gusto ko na sya.

 Manligaw kaya ako?

----------------------------------------

*Quoted from Dean (not his real name)

**Quoted from Korina Cue

Both from an article of FEU Advocate. :)

Sorry, nagbago ako ng theme. Piga utak ko dun sa dati eh

COMMENTS AND SUGGESTIONS PO! :)

Stress Sa ChestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon