Chupa. 41

32 1 0
                                    

Muling napatulala si Madeline sa pahayag ng kanyang sister-in-law. Ano nga ba ang mayroon kay Gaspard at sa Will testament ng kanyang ama.

"Ate, ano po iyon?"

"Dad was sick again. He is near experiencing Alzheimer."

Nagtaka naman si Madeline, "Ate, ano iyon? Pasensya naninibago ako sa katagang iyon."

"Isang araw ay hindi niya kami nakikilala, mental block na siya o nagiging ulyanin na dahil sa kanyang edad. Ang tanging hiling lamang niya sa amin ay maipasa ang kanyang will testament kay Gaspard. I feel worried about my little brother, ni dalaw man lang kay dad hindi niya magawa. Sabi naman niya dati ay payag siya maipasa will testament sa kanya. Matagal na kasi niyang pinapangarap pero ang bilis magbago ng kanyang isip and he seems to keep rejecting dad's offer about that."

Hindi alam ni Madeline kung matutuwa siya sa mga narinig o malulungkot.

Hinawakan naman ni Sam ang kanyang kamay at pilit itong kausapin ng masinsinan, "Pwede kausapin mo asawa mo na kausapin naman niya si dad. Hindi ba siya naaawa na matanda na si dad. Anytime, he will lose his memory. Please help me and my mom na dumalo man lang siya sa bahay and take the offer of dad about his last will testament."

"Ate, bakit hindi na lang kayo ang tagapag mana. Mas kailangan niyo siguro iyon dahil single mom kayo."

Lumungkot naman ang mukha ni Sam, "Hindi kasi ako magaling sa business. Mas matalino at malawak kaalaman ni Gaspard pagdating doon. I am not gonna make it at ok na ako sa malaking hospital na pag mamay-ari ko ngayon. Mabuti na lang hindi napunta kay Enrico iyong mana at masaya ako na may option pa at si Gaspard ang makakakuha at taga pagmana. Napakadaming properties and investment si dad sa labas ng bansa na aabot ng billion. Si Gaspard lang ang may tanging utak na kaya panghawakan iyon. Isang lalake ang kaya patakbuhin at pagpatuloy iyon. Subok na namin si Gaspard pagdating sa business at investment."

Hinawakan naman pabalik ni Madeline ang kamay ng kanyang sister-in-law, "Wag kayong magalala ate, gagawin ko lahat mapa-oo lang si Gaspard. Pangako."

Kasabay din nun ang pagdating ng kanilang mga inorder na pagkain at hindi na sila nagpaligoy ligoy pang kumain.

Matapos niyon ay bumalik ulit si Madeline sa klase na punong puno ng pagalala at pag-iisip. Iniisip niya na napamahal na ang asawa sa kanya kaya wala na itong balak na mag sign pa ng mga mana ng ama dahil ayaw nitong mawala siya. Pero mismong si Sam kasi ang nakiusap sa kanya. Sam trusted her that she must do her grant.

Pagkatapos ng buong klase at naghihintay na si Madeline ng sundo ng asawa ay dumating din ang kotse nito sabay sumakay na siya sa frontseat.

Wala pa ring imik si Gaspard dahil sa nangyari kagabi kaya hindi alam ni Madeline paanu niya babasagin ang katahimikan. She kinda feel guilty about her careless words thrown over him.

Matapos nila dumating kina Luningning at kunin ang bata ay ganun pa rin. Tila walang balak si Gaspard na pansinin siya kaya nagsisimula nanaman malungkot si Madeline. Pakiramdam niya ay nanlalamig nanaman ang baklang asawa sa kanya.

Hanggang sa dumating na sila sa condo at nagsibalikan sa kanya kanyang kwarto.

Makalipas muli ng ilang oras ay bumaba si Madeline sa kusina at nakita niya ang asawa na umiiyak at may pinapanood sa laptop sa may dining table. Kaya naman ay marahan niya itong nilapitan at tinabihan sa dining table pagkatapos magtimpla ng kape.

"Grabe talaga Maddy, Britney is now freed atlast! about jt issue, freebritney hashtag protest is over. Sa dinami dami ng years. Ngayon lang! Gosh I can't help but not to stop crying na. Leave Britney alone mga fcking biatch!"

My Gay Husband SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon