Just Temporary 1

23 1 0
                                    

Here we are ~ iuupdate ko na po ang new story ko :'') but i need to finish the one kasi mahihirapan ako sa pag-update . galing ito sa FB ko nagtry ako sa isang group ng wattpad . at first di na ako naghangad na may makakagusto sa story ko because 'common' na yung story ko but , i thanks to them kasi maraming nakapagsabi na "original " or "unique" im so happy with that . I hope kung paano nila nagustuhan ang story ko sana dito rin magustuhan nila . iisa lang naman sila pero mauuna nga lang ito :P AHAHA 


okay , for my last message .. ito na ipopost ko na siya :) i dont know kung makakaya ng time ko dahil sa sched ko but atleast nagtry ako . :) that's all thank you very much :) 


--

JUST TEMPORARY ...
--

For my 5 years na pagtratrabaho ko bilang nurse sa hospital ngayon lang ako nakaencounter ng sobrang napakatigas na ulo ,napaka sungit , at tinalo pa ang batang maliit sa sobrang pagkabata isip . I dont know how to manage this . 

Almost 3 days na akong Personal nurse niya . Sa loob ng 3 days na iyon ang sarap magback-out .

Hawak hawak ko ang Tray na naglalaman ng pagkain niya . Isinama ko na din ang gamot niya .Pagkapasok ko pa lang sa loob di na ako nagulat kung amoy sigarilyo ang kwarto niya . Pambihira itong lalake na ito .

"Mr hans bawal po yan " kahit sumigaw at magalit ako sa kanya hindi naman siya titigil sa kakahithit ng sigarilyo niya . Hindi ko nga alam kung saan siya nakakakuha ng sigarilyo niya .

" Shut up " naiinis niyang sabi sa akin at sabay bato ng sigarilyo sa akin . Pagkadapo ng sigarilyo sa balat ko ay siya namang ikinalaglagng pagkain niya . Nabasag ang plato at baso .

"Aray .. " napahawak ako sa bandang napaso ng kamay ko at napahinga nalang ako dahil hindi naman gaano ka lalim ang sugat . Ito na naman siya naulit na naman .

"Your so stupid nurse ! Nagkalat ka pa rito " below the belt niyang sabi sa akin pero hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya bagkus lumapit ako sa kanya . 

Dala dala ko ang BP App ko . Chineck ko muna ang blood pressure niya . Marami pa akong ginawa kahit nakatulala lang siya sa akin . Ganyan naman talaga siya pag nilalapitan ko siya at inaakaso pa rin napatulala nalang siya pero pustahan tayo mamaya may ibabato na naman sa akin iyon . Kung hindi ko lang ito kababata . Naku . Baka itapon ko na ito sa ibang planeta .

"Mamaya papainumin kita ng gamot just wait me , kukuha lang ako ng tubig at panibagong gamot mo . " yun nalang ang sinabi ko at saka umalis na . Tatawagan ko nalang ang naglilinis dito sa hospital .Palabas na ako ng pinto nang makarinig ako ng pagkuha niya ng bagay na alam kong ibabato sa akin . Kaya bago pa ibato sa akin , mabilis na akong umalis at sinarado ang pinto ng mabilis .

"kailan ka ba magbabago ? " tanong ko sa pinto at saka tumalikod . Alam kong narinig niya ang sinabi ko ewan ko lang papakinggan niya .

"Kaya ko pa ito , para sa buhay niya at ni nanay . " malungkot kong bulong kasabay ang pagbuntong hininga ko .

Just Temporary ..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon