CHAPTER 1 - He's my Fiance

1 1 0
                                    

SUMMER'S POV

"I love you Winter! Ingat ka." aminado ako sa feelings ko pagdating kay Winter. Kaya naman lagi kong sinasabi at pinaparamdam kung gaano ko siya kamahal kahit alam kong wala siyang gusto sakin at napipilitan lang siyang sumama sakin dahil magbestfriend ang mga Mommy namin tapos Bussiness Partners naman ang mga Daddy namin.

Winter and I are neighbors. Una ko siyang nakita nung dumating kami sa Philippines from Canada. That was 8 years ago.

Because of our Mom's friendship napagkasunduan nila Mommy and Tita Agatha, Winter's mom na dito na din kami tumira sa Pilipinas.

Love at first sight? Totoo yan. Kasi 10 years old palang ako nung una kong makita si Winter. That time, alam kong masyado pa 'kong bata para sa love na yan. Pero alam ko sa sarili ko na hindi lang 'to basta crush, admiration, or infatuation.

Dahil nang masilayan ko palang si Winter, may naramdaman na 'kong kakaiba. Bumilis yung heartbeat ko at totoo yung sinasabi nilang butterflies in the stomach.

Sobrang gwapo ni Winter. Kahit 10 years old palang kami nun, heartthrob na ang dating ni Winter.

At sobra akong kinilig nang malaman kong WINTER ang pangalan nya. Akalain mo yun? Winter and Summer? Bagay na bagay. Para sakin, soulmate ang ibig sabihin nun.

Pero nang sabihin ng mga Mommy namin na pinagplanuhan daw talaga ang mga pangalan namin, nainis ako. Akala ko pa naman, soulmate na! Pero para sakin, destined talaga kami ni Winter.

8 years kong nang mahal si Winter.

Parehas na kaming 18. Simula Gr-5, classmates na kami hanggang ngayong college kasi parehas kami ng course. Para mabantayan ko siya sa mga babaeng baliw na baliw sa kanya or sabihin na nating fans nya sa school.

Parehas na Bussiness Ad ang kinuha naming course, dahil pagdating ng araw, kaming dalawa lang naman ang magmama ng kompanyang pagmamay-ari ng parents namin. Parehas kaming only child.

Bata palang kami ni Winter, suplado na siya sakin at lagi akong inaasar until now. Pero lagi ko namang sinasabi sa kanya na mahal ko siya pero parang wala lang siyang narinig. Para sakin, wala lang yun. Sanay na ko. Dahil kahit everyday man magpalit ng girlfriend yang si Winter, sakin parin naman ang bagsak nya sa huli.

Know why? Hahahaha! Isn't obvious? Ipapakasal kami pag tungtong namin ng age of 25 at bawal kaming tumanggi sa kasunduan ng parents namin. Alam namin parehas yun pero parang wala lang kay Winter.

Actually, he's my fiance. Engaged na kami sa Canada last year. Kaya dun ginanap yung Engagement Party, para wala munang makaalam. Yun ang sabi nila Mommy. Tsaka ayaw daw kasing ipaalam ni Winter na fiance nya ko.

Alam ko namang ayaw sakin ni Winter. I'm not that type na magugustuhan nya. Bata palang kami, inaasar na nya ko.

Panget daw ako. Pero bakit ang daming nagsasabi na maganda ako? Hahaha. My parents, Winter's parents, my friends, my suitors and some of my classmates.

REASONS KUNG BAKIT DI AKO GUSTO NI WINTER:

1. Isip bata
2. Madaldal (non-stop talking to anyone)
3. Makulit
4. Maingay (always shouting and talking/laughing so loud)
5. Boyish manamit (jeans, shirt and snickers w/ matching cap sometimes)
6. Matakaw (always eating lol)
7. Iyakin (balat-sibuyas hahaha)
8. Papansin (kay Winter lang)
9. Hindi mahinhin
10. Hindi maganda (according to Winter)

Sad life? Nah, I know naman na sakin lang bagsak ni Winter sa huli. 7 years nalang, I'll be officially marrying the love of life, my dream and my everything. Yay! ❤❤❤

WAITING OUTSIDE THE LINESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon